6.

9 0 0
                                    

Kay Bianca ako nago open about everything kasi alam kong maiintindihan niya ko sa lahat ng bagay. Nagsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na hindi ako nasasaktan kasi hindi na sakin ang atensyon ng bestfriend ko.

Masakit sakin kasi sobrang close talaga ni Pola nung hindi pa siya nagkaka boyfriend. Hindi ko sa kanya sinabi na nagtatampo ako sa kanya kasi feel ko wala lang naman ito sa kanya kasi nga may boyfriend na siya.

Si Bianca ang kasama ko sa kalokohan. Parehas kami mapantrip hahaha. Hindi lang kami dalawa ang lagi magkasama dahil nandyan ni Mikey para na rin sumama sa katarantaduhan.

Sobrang close na namin ni Tony. Lagi na rin kami magkasama. Tuwing recess man or uwian. Lagi kaming laman ng old library ng school. Kasama syempre yung bffs niya, bffs ko and si Bianca.

Tatapusin muna namin yung mga assignments bago kami mag usap ng kung ano ano. We do called each other na rin na "baby", "babybabe". Wala namang malisya yun samin. Saka nasanay na rin kami sa isa't isa.

One time, nakausap ako ni Jas. Close rin kami.

"Alam mo ba mas nagkukwento sayo si Tony kaysa samin" sabi niya.

"Ask niyo kasi siya. Imposible naman na hindi siya magkukwento sa inyo. Magkaibigan kaya kayo since 1st yr" sagot ko sa kanya na para bang hindi ko inaagaw ang kaibigan nila.

"Nahihiya lang yan. Or naghihintay lang sa inyo na magtanong" Dagdag ko pa rito.

Wala naman sama ng loob sakin ang mga kaibigan ni Tony. Alam ko yun. Kasi close ko rin naman sila, nasa iisang section kami. Iisa lang ang mga circle of friends namin.

May mga times rin naman na hindi kami nagkakasama ni Tony dahil na rin sa kanila and I'm okay with that naman. They misses her, their bestfriend.

Bestfriend? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon