7.

6 0 0
                                    

Lagi na rin kami nag uusap ni Tony. Mapa school man or chat pero usually magkatext kami. Sweet kami sa isa't isa. She will hold my hands or i will hold hers. Minsan ay back hugs. Kapag uuwi na may kiss sa cheeks. Normal lang samin yun dalawa. Nagpe pretend kami na mag girlfriend na hindi kaya okay ang ganun samin.

Yung pa ganun ganun pala namin ay nagkakaroon sa akin ng kahulugan. Kakaibang saya pero hindi ko pa alam ang ibig sabihin nun noon. Bata pa kami pareho.

Nasa journalism class kami nun. At may e-elect kami ng mga officer para sa different section ng dyaryo. I really like technologies section that time.

Sa kabaliktaran, naunahan ako ni Lie sa technology section. Ako ang napunta sa Agham, pero same page kami ni Lie kasi iisang tema lang naman iyon.

There's Tony, Juls and Jas sa harapan. Si Juls ang naging Editor In Chief at si Tony naman ang kanang kamay at copy right namin. She's good at journalism.

Yun ang hinangaan ko sa kanya. She really likes writing feature. Ang galing niya. Parang kabisado niya lahat. Hindi lang siya maganda.

We are all busy kasi graduating students kami. Busy kami nila Tony pero hindi kami nawalan ng time para sa isa't isa. Mayroon talaga oras na "me time". Sinabi na namin yun sa isa't isa para hindi kami magkatampuhan.

Matampuhin kasi siya. Sobra. Selosa rin hahaha. Ayaw niya na kung kani kanino ako lumalapit. Gusto niya sa kanya lang ako nakatingin kahit malayo ako sa kanya.

One time, nagswimming kami magkakaibigan. Mga nasa 12 kami nun. Swimming magbabarkada lang ganun.

Si Lie ay may manliligaw nun. After js kasi umamin siya sa crush niya tapos niligawan siya.

Masaya kami nun. All I want to do that time is mag enjoy and magsaya. Swimming na swimming ako nun parang hindi ako nakaligo ng ilang araw.

Kasama namin yung dating close na close ni Tony. Bestfriend sila alam ko kaso hindi na pumapasok yun. Ewan ko kung anong nangyari.

Lumalangoy ako. Masaya kami nasa pool nila Jas. Nakikita rin namin na masaya sila. Hindi ako lumalapit kay Tony kasi iniisip ko lang ay lumangoy ng lumangoy. Nakita ko sila umalis nung dati niyang bff. Naglakad lakad pero okay lang naman sakin kasi nandito kami para magswimming.

Hindi ko inaasahan ang nangyari. Lumapit sakin ang dati niyang kaibigan para sabihin na nagseselos raw si Tony kasi hindi ako lumalapit sa kanya. Hindi ko naman akalain na ganun ang mararamdaman niya. Nandito naman sila Lie at Jas pero bakit sakin pa siya makakaramdam ng selos.

Hindi ko rin naman siya natiis. Nilapitan ko para humingi ng sorry. Tinawag ko pa siyang baby. Never kasi kami nagtatawagan ng ganun kapag maraming tao. Mas okay yung kami lang nakakarinig.

Naging okay din naman kami after. Literal na baby niya ko. Siya kumukuha ng pagkain ko. Iisang plate lang kami kumakain. Kulang nalang siguro ay yung subuan niya ko.

Bestfriend? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon