“Ano na namang kaweirdo-han ang dinodrawing mo?”
I lifted my head from my sketchbook. Si Pete, ang awesome best friend ko. Nilapag niya ang lunch tray niya sa table. Apple and milk, as usual. Figure-conscious kasi.,
“Wala lang.”
“Em, gusto mo ng bagong subject ng sketches mo?”
“Pete, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na I don’t draw nude guys. Sabihin mo iyan sa boyfriend mong vain.”
“Gaga. Una, hindi vain si Sam. E ano kung ina-appreciate lang naman niya ang kanyang magagandang biceps at abs…”
Naku, mukhang nagdaydream na ang loko.
“Hoy, may pangalawa pa ba iyong sasabihin mo? Kasi kung wala na, tara na at late na tayo.”
Tumayo ako at sinimulang ligpitin ang mga gamit ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo.
“Em, siguradong magugustuhan mo ang sasabihin ko.”
“Fine.”
“May bagong lipat na girl,” tinitigan niya ako na para bang inaantay ang magiging reaksyon ko.
“So? Ano naming epekto sa buhay ko nun, aber?”
“Well, my friend. I hear things. At sabi nila, this new girl likes girls.”
“Kanino mo naman narinig iyan? Kay Ian na pinagkalat sa buong school na lesbian iyong isang senior kaya napilitang lumipat ng school ilang lingo bago mag-graduation? Hmm?” Nagulat siya sa sinabi ko, as expected. “I’m sorry. Alam mo naman kasi kung gaano kahirap para sa akin ang maging lesbian sa school na’to.”
Yup. I am surrounded by homophobes. Hindi lang iilang pambu-bully ang naranasan ko. Kay naman mas gusto ko na lang ibaon ang free time ko sa mga sketchbook ko.
Tinuloy ko na ang pagliligpit sa mga gamit ko. Pero di ko mapigilang ma-curious kung totoo ngang lesbian ang bagong estudyante.
Tumunog ang bell, tanda na tapos na ang lunch break. I kissed Pete goodbye at nagpunta na ako sa next class ko – English, kung saan I can express myself without fear of being judged.
Pumasok ako sa classroom. Wala pang ibang mga estudyante at nakaupo ang teacher namin sa desk niya, nagbabasa.
“Hi, Ms. Haley.” Umupo na ako sa usual desk ko sa likod at pinakamalapit sa bintana.
Unti-unting napuno ang classroom ng mga pamilyar na mukha, lahat sila iniiwas ang tingin sa akin. Mga kaklase ko na sila ng apat na taon, pero pangalan lang ang alam ko sa kanila. At ang alam lang naman nila sa akin, bukod din sa pangalan ko ay ang fact na semi out-of-the-closet ako. Napabuntung-hining ako. Sanay na naman ako. Ayoko rin namang makisalamuha sa mga taong iniisip na ang mga kagaya ko ay padala mula impiyerno upang maghatid ng salot.
Binaling ko na lang ang pansin ko sa labas. Tinitigan ko ang mga puno at mga dahon nitong sumasayaw sa ihip ng hangin.
“Okay, class.” Nagsimula na pala ang klase. “We welcome a new student today.”
Sinundan ko ang tingin ng buong klase papunta sa harapan, sa isang babaeng ngayon ko lang nakita. Halos kasingtaas ko lang siya at slim ang pangangatawan. Parang ang sarap hawakan ng maitim at mahaba niyang buhok.
“Introduce yourself to the class.”
“Hi, guys. I’m Sara. My family just moved here. Technically, that means my brother, my father and I. My mother died a long time ago.”
Sara and Ms. Haley exchanged inaudible words and Ms. Haley pointed towards my direction. Naglakad si Sara papunta sa akin. Nagpanic ako. Tinanong ba niya ang teacher namin kung sinong lesbian dito kaya ako tinuro? Kakausapin ba niya ako, tatanungin tungkol sa sexuality ko?
BINABASA MO ANG
i m n L n LGBT
Teen FictionAUTHOR’S NOTES WARNING: CONTENTS MAY OFFEND THE EASILY OFFENDED. CONTAINS GIRL LOVE. Ito ay isang usual love story sa hindi usual na couple. Girl meets girl, girl falls in love with the girl, etc. Sa mga babasa, I plead na buksan ninyo ang inyong m...