Chapter 3: Listen, The World Isn't Strong Enough To Beat You

1.8K 36 22
                                    

Di ko maalis sa isiip ko ang nangyari hanggang sa pag-uwi ko sa bahay. Feeling ko naka-automatic mode lang ako kaya ko nagawang makapagmaneho nang hindi nadidisgrasya. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakarating mula sa tapat ng bahay nila Sara hanggang sa driveway namin.

Binuksan ko ang pinto, and I let the familiar feeling of loneliness envelop me. Walang tao, as usual. Madalas naman talagang ako lang ang tao sa napakalaking bahay na ito. Just me and my overthinking brain.

Overthinking. Yup. That’s the best word to describe what I’m doing right now. I have this tendency to dwell on things too much. Hindi ko kasi ma-explain ang mga nangyari. At ayoko nang ganun. Hindi pa rin ako makapaniwala e. Sara kissed me. And it was the best feeling ever. I just don’t have any idea what happens next. I hate being clueless.

I dragged my feet to the kitchen. There it is. Ang araw-araw nakadikit sa refrigerator – isang post-it note.

‘I have a meeting. Will be home late. Dinner’s in the microwave. –Mom’

As if may gana pa akong kumain alone in this big house. I went upstairs and straight to my room. I lied on the bed and looked around. This is my sanctuary. Ang tanging parte sa bahay na ito where I feel at home. My drawings are posted on the walls, albums of my favourite bands in the CD rack, my laptop sitting on my desk, my books and things everywhere. Now this is the best place on earth.

Hinawakan ko ang mga labi ko at pumikit. Sa ganitong paraan, nararamdaman ko pa rin ang malalambot na mga labi ni Sara. I looked at my hand. Andito pa rin sa braso ko ang number niya. Should I text her? Call her? Would it be too soon? Is there even a rule in calling… what do I call her now? Are we friends? Lovers? Is she my girlfriend?

Should we define the relationship? Or is there nothing to define? Fuck. That kiss complicated everything. Then again, one thing is clear. Sara, the prettiest and bravest girl I have ever met, is a lesbian. And I think she likes me. I smiled. Or not. I frowned. Hay. Tama na nga. Nababaliw na ako e. Indeed, Sara makes me crazy.

Bumangon ako. Isa lang makakasagip sa akin sa ganitong sitwasyon. I hate to disturb him again but I have no choice. I hate crazy situations.

I dialled Pete’s number but it just kept on ringing, at alam ko ang ibig sabihin noon. My friend is busy. Sabin a dapat may back-up friend ako para sa mga ganitong pagkakataon. Well, at least one of us is getting some action.

***

Umaga na at kauting idlip lang ang nanakaw ko. Bakit ba kasi hindi ako dinalaw ng antok, e. Buti pa si Sara, magdamag nanatili sa isip ko. Hindi pa nga pala ako nagdedesisyon sa kung paano ko na siya patutunguhan. Well, ang pinakamadaling gawin ay hayaan siyang unang makipag-usap sa akin. Kung kakausapin man niya ako.

I have ­­­‘You Make Me Smile’ by Uncle Kracker on my stereo. At naisip ko na naman si Sara at hindi ko mapigilang mapangiti, tulad ng sinasabi ng kanta.

♫ You make me smile like the sun, fall out of bed

Sing like bird, dizzy in my head

Spin like a record, crazy on a Sunday night

You make me dance like a fool, forget how to breathe

Shine like gold, buzz like a bee

Just the thought of you can drive me wild

Oh, you make me smile♫

Pero hindi ko alam na may mangyayari pala sa akin na tatanggalin ang ngiti sa aking mga labi.

Pagdating ko sa school, everything is weird. Hindi naman ako popular kid, pero sa araw na ito, ang lahat ay nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa hallway. What have I done to get this kind of attention?

Everything became clear to me nang makita ko ang locker ko. Someone painted GAY on it.

Wala akong magawa. Nakatayo lang ako doon. Hindi ko magalaw ang mga tuhod ko. Tinitgan ko lang ang pulang salitang iyon, habang ang lahat ay nakatingin sa akin, hinihintay ang magiging reaksyon ko. I don’t know how to react. Ito na siguro ang pinakamalalang pambu-bully na ginawa sa akin. And I can’t help the tears that  began to fall from my eyes. I can’t believe that people will go out of their way just to do something like this, to hurt others. People can be very cruel. And unlucky for me, some of them chose me to display their cruelness. Dahil iba ako sa kanila. Dahil ang pagiging ako ay labag daw sa paniniwala nila. They can’t respect me because of who I am. Because who I am is a sin for them.

Tumakbo ako paalis, paalis sa lugar na iyon na naghatid sa akin ng di-matawarang sakit. Pinatakbo ko nang mabilis ang kotse ko pauwi. I drove while tears are blinding my eyes. Pagdating sa bahay, tinakbo ko muli paakyat sa aking kwarto. Binalibag ko ang pinto pasara, hinagis ang bag at dumapa sa kama. Doon ko binuhos lahat ng luhang kanina pa nag-uunahan sa pagtulo. Doon ko binuhos ang galit ko sa mga taong gumawa noon. Doon ko binuhos ang galit ko sa mga taong hindi tanggap ang mga katulad namin. Doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

I hated myself at the same time. I hated myself for being weak. Na wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Tumakas lang ako. That’s what I usually do. Nagpatalo lang ako sa damdamin ko. Alam ko na sa mga sandaling ito na umiiyak ako at nasasaktan ay nasisiyahan at nagtatawanan namana ng mga taong gumawa noon. I can’t forgive myself for letting myself be a victim of their crime.

Narinig kong tumunog ang phone ko nang ilang beses pero wala ako sa mood na kausapin ang sinuman. Sure ako na si Pete iyon, at kapag kinausap ko siya, I would just show him how much of a loser I am.

Tatlong oras mahigit akong umiyak. Namumugto na ang mga mata ko pero kapag bumabalik sa isip ko ang tatlong letrang iyon na nakasulat sa locker ko at kung paanong tinitigan ako ng lahat, nangungutya, bumabalik ang sakit at luha.

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Bakit ngayon pa may bisita? I am not in a mood to entertain visitors, pero wala naman akong choice. Kaya madali kong inayos ang sarili ko at bumaba. Pagbukas ko ng pinto, nothing could have prepared me for this. Si Sara. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. But she can’t be here.

“Sara, anong ginagawa mo rito?” I knew I sounded so harsh, pero I need to be alone.

 “G-gusto lang kitang kumustahin.”

“Uhm. Okay lang ako. Sige na, umuwi ka na.”

Nasa aktong isasara ko na ang pinto, pero tinulak niya ito.

“Umuwi ka na Sara.”, mariin kong sabi sa kanya, pero determinado siyang makipag-usap sa akin.

“Anong problema?” tanong niya.

“I-I just don’t want you to see me like this – vulnerable…” I let my voice trail the last word.

“It’s how I always see you and I think it makes you beautiful.” Ngumiti siya. Parang gumaan na ang pakiramdam ko sa mga salita at ngiti niya.

“Em, I just want you to know that I’m here if you need someone. At pumasok ka bukas. I want to show you something.” Naglakad na siya paalis, pero lumingon siya at ngumiti, “Remember, the world isn’t strong enough to beat you. Bye!”

i m n L n LGBTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon