Chapter 3

6 0 0
                                    

"Wala po" (^_^")

"Wala? Oi may atraso ka pa sakin ah!"

Huh?

"Atraso? Kelan??"

"Clumsy ka na nga makakalimutin ka pa!"

"???"

"Aish. Kala mo libre tulong ko? Pwes wala ng libre ngayon!"

"Huh? Ano bang kelangan mo?"

"Hmm... Pag-iisipan ko pa *smirk*"

"Haaay..." (=____=)

*kriiiiiiiingg"

Uwian na!! Pag labas ko nakita ko na yung car namen at si kuya Tope.. Gustong gusto ko ng umuwi e..

"Miss Clumsy slash for eyed girl!!"

Napalingon naman ako kung sino yun... si.. si.. sino nga ba yun? Di ko pa pala kilala basta sya! (>__<)

"Bukas ko na lang sasabihin yung kabayaran at yung jacket ko you can keep it! Sige bye!!" (^_____^)V

Gulo nya naman. Anu daw??? Kabayaran? Huh?! Ano kinabahan naman ako dun..

Umuwi na lang ako. Excited na ko umuwi e. Ang pagkakaalam ko kase ngayon ang uwi nina mommy at daddy. Yey! Miss ko na sila e minsan ko na nga lang sila makita e dahil dyan sa freakin' business nila. Hmp.

Andito na nga ako sa bahay. Huh? Anong ingay yun? Teka nga...

"Carlo alam mo ba kung magkanong pera yung ininvest mo sa kanila ha?! Tapos tatakbuhan lang nila tayo! Peste yan ano ng gagawin naten!!!"

Si mommy at daddy? Nag-aaway? Bakit kaya??

"Hindi ko naman alam na mga tatakbuhan nila tayo!!"

"Yun na nga e. Wala kang alam!! Mahilig ka magtiwala sa mga taong ngayon mo lang nakilala! Alam mo bang magkano yun? Halos isang milyon yun! Naiintindihan mo ba ko ha!!!!"

H-ha? Anu daw? Pumasok ako sa may sala namin. At nakita kong nagtatalo sina mommy nagkalat ang mga papeles at kung anu-ano.

"Ma, dad!! Tumigil na po kayo." naiiyak na ko ngayon ko lang sila nakitang nag-away ng ganyan. Dahil sa lesheng business na yan. (T^T)

"A-anak, andyan ka na pa--"

"Ngayon ko nga lang po kayo makikita ulit tapos nag-aaway pa po kayo? Di nyo man lang naisip na may anak pa kayo. Puro business na lang lagi inaasikaso nyo!!!"

"Di mo kase kame naiintindihan anak ginagawa namin to para sayo. Pero yang daddy mo mahilig magtiwala sa iba!!"

"Di ko naman ginusto yun at di ko rin naman akalain na gagawin ni Aris yun satin. Ano ba? P*ta!!"

"Tumigil na nga po kayo!!! Ayoko na kayo marinig mas mabuti pa po yatang wala kayo dito."

Tumakbo na ko sa kwarto ko at nilock ang pinto. Dun ako umiyak ng umiyak. Grabe huh!! Ayoko na tong nangyayari sa'kin. Palagi na lang ganito. Parati na lang akong umiiyak! Kelan ba ko magiging masaya? Gusto ko ng maging masaya! (TT__TT)

Pumunta ako sa may gilid ng kwarto ko kung san nakalagay dun si Yumi yung malaking teddy bear ko. Dun ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko. Pinagsusuntok ko sya binugbog hinagis at...

"Waaaaaaaaaaaa!!!" kawawa naman yung munti kong yumi!! Pinulot ko ulit sya at niyakap ng mahigpit. Hanggang sa nakatulog na ko...

(sorry epic fail yata tong story na to! Wala akong maisip e. Suriii naaaaaa!!! ^U^)

Miss InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon