Chapter Five ----- Final Chapter

220 6 1
                                    

Chapter 5 ----- Final Chapter

"Mali! Hindi naman kasi ganyan eh. Please focus Kyle!"

Pinapagalitan na naman ako ni Amethyst dahil nga hindi ako makafocus. Hindi namin mabalance yung sa accounting namin dahil nga mali-mali yung mga ineenter ko na numbers sa sheet. Eh paano ba naman kasi ako makakafocus? 

Sa tuwing lalapit siya sa 'kin, lumalakas ang kabog ng puso ko. Maninigas ang buong katawan ko. Parang manlalamig ako na ewan na feeling ko ay lalagnatin ako.

"It's not working Kyle. Bukas na lang natin ituloy 'to. Uwi na ko."

Lumabas na siya ng library at nauna nang umuwi. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa sobrang inis dahil nga sa pagkaewan ko. Badtrip talaga! Bakit ba kasi ako nagkakaganito? In love? Hindi eh! Hindi talaga! Hindi nga ba? Ewaaaaan. (_ _)

**

Umuwi akong parang nananamlay na ewan. Basta, parang wala akong gana. Dumerecho na lang ako sa kwarto ko at humiga. Kinuha ko yung cellphone ko at balak ko sanang itext si Amethyst at hihingi ako ng sorry dahil nga kahit na hindi niya aminin, alam kong badtrip na badtrip na talaga siya sa 'kin.

Pero ano nga ba kasi talagang nangyayari sa 'kin? Hindi ko talaga magets yung sarili ko. Gusto ko siyang laging kasama, gusto ko lagi ko siyang nakikita. Pero pag anjan na, gusto ko siyang itaboy dahil naabnormal ako. Parang kinakabahan ako pag anjan na siya sa tabi ko, lalo pa pag malapit na siya.

At pag wala naman, hinahanap ko. Yung tipong pag wala siya, parang kulang yung araw ko. Ganun ba pag in love? Hindi ko pa kasi talaga nararamdaman eh. Hindi naman ako ganito kay Alex dati. Or talagang hindi naman talaga ako nainlove kay Alex? Aaah! Ewan!

Binuksan ko yung radyo ko at nakinig na lang ng program ni Papa Jack. Sabi kasi ni Alex pag may love problems ako, tumawag lang daw ako sa kanya or makinig na lang. Eh ang problema, hindi ko alam kung love na nga ba 'tong nararamdaman ko eh. Ang gulo ko! >__<

Nung nakikinig ako, medyo nabored ako kasi hindi naman ako masyado makarelate. Kaya nung inannounce yung phone  number, I tried to call. Mahirap daw makaconnect eh. Madami daw kasi tumatawag. =__=

Dinial ko at....

She's Everywhere [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon