A/N sa nagtatanong kung paano bigkasin yung pangalan ni Carlisle.. ang pronounciation po dun ay KARLAYL. Katulad po yun nung sa twilight, yung nag-adopt kanila Edward Cullen wahaha!
------------------------------------------------------------------------------------
NANG AKOY LUMANDI
Wrtten by
LittleMissInnocent13
LOVE AT FIRST SIGHT 0.2
Althea's POV
Nagbell na, it means, lunch break na namin. Iniwan muna ako ni Monique, may tumawag kasi bigla sa kanyang estudyante. Isa sya sa mga student council. Kaya medyo busy sya, pero hindi naman 24/7 may ginagawa sya.
"Althea, saglit lang ha? Sunod na lang ako sayo."
"Sige, ilalagay ko lang muna yung gamit ko sa locker."
"Anong number ng locker mo?"
"913."
"Osige, puntahan na lang kita dun."
"Okay."
- - -
Papunta na ako sa locker ko para ilagay yung books ko.. Sa di kalayuan, nakita ko dun si Carlisle at may kausap siyang lalaki. Ano ginagawa niya sa may locker ko? Waaaa!
Biglang lumakas yung boses nung kasama niyang lalaki...
"PATI IKAW?!" sigaw nung lalaking kausap ni Carl, dahilan para mapatingin lahat ng nasa hallway
May sinasabi si Carl pero hindi ko naman naiintindihan kasi bumubulong sya. Dahan-dahan ako lumapit..
"WAAAAAAAAAA!!!!" biglang sumigaw si Carlisle, kalalaking tao magugulatin
"Napano ka Carlisle?"
"wala, wala. Bigla bigla ka kasing sumusulpot. Para kang kabute!"
"Sorry naman." (^__^)v
Biglang umubo yung kausap kanina ni Carl na lalaki..
"AY! Althea, si Arthur nga pala. Kaibigan ko." sabay turo kay Arthur
"Hi, Arthur! Nice meeting you!" ( ' ▽ ' )ノ
"Ah, hello. You are the most beautiful girl in this academy." (^_-)
Kung anu-ano tinatanong sakin ni Arthur, sinasagot ko naman. Pero napatingin ako bigla kay Carlisle, mukhang naoOP sya. Kakausapin ko sana sya, nang biglang dumating si Monique.
Hinatak ako bigla ni Monique, wala na ko nagawa. Naiwan sila Carl at Arthur dun. Pumunta kami sa school canteen para dun na maglunch. Pwede naman lumabas, pero mas pinili na lang namin dun magstay. Since bago lang ako sa school at two hours ang lunch break, pagkakain namin ay ililibot daw niya ko sa school. Yey! \(^_^)/
"Si Arthur lumapit sayo??" nanlaki yung mga mata niya, bakit kaya?
"Not exactly. Kausap sya ni Carlisle, tapos pinakilala sakin" pagpapaliwanag ko
"Ahhhh..."
"Bakit? Ano mo sya?"
"Wala, pero sa school.." pinutol niya yung sasabihin niya
"Anooo?"
"Hearthrob sya dito!" nanlaki nanaman yung mga mata niya na parang tuwang tuwa sya na kinikilig na ewan
"Oh, ano naman? Wala ba yan ibang kinakausap?"
"Meron naman, pero lahat ng kinakausap niya eh nagiging girlfriend niya.."
BINABASA MO ANG
NANG AKO'Y LUMANDI [REVISED]
Fiksi RemajaMasarap magmahal, lalo na kung masarap partner mo. HAHAHA! ã¨(ˆڡˆ)ㆠJoke! Masarap talaga magmahal, lalo na kung tunay yung pagmamahalan niyo, syempre lalo na kung walang hadlang. Pero imposible naman kung walang hahadlang sa pagmamahalan ng da...