Chapter 13

145 5 0
                                    

I slept on our way back to Manila. Nagising nalang ako nang maamoy ang mabangong aroma ng paborito kong kape.

"Nasan na tayo? " tanong ko matapos humikab. Mukhang nakadaan na sya sa isang convenience store dahil may mga pagkain narin sa loob ng sasakyan.

"Sa langit. "

"Funny. " he chuckled. Napairap nalang ako at kinuha ang kape sa gilid. Hindi na ito masyado mainit kaya nagawa ko agad yung inumin. "I can drive if you're tired. " I insist. Baka mamaya ay makatulog pa sya dahil pagod. Di pa ko handang mamatay sa ngayon.

"Hindi mo nga alam kung nasan tayo e. "

"Then tell me where. " iritadong giit ko at narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

"As long as you're with me, I'll always drive for you. Kaya kumain ka nalang dyan at kwentuhan mo nalang ako. " tumingin sya sakin saglit at syaka ngumiti bago muling tumingin sa daan. Tinignan ko ang isang kape sa gilid ko na wala pang bawas. Kinuha ko ang paper bag sa backseat at may nakita akong chuckie. I smirk and took off the straw. Kinuha ko ang kape at dun inilagay ang straw bago ilapit sa kanyang gilid.

"Drink. " napaiwas ako ng tingin nang magkasalubong ang aming mata at ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo dahil sa kanyang ngisi.

"You're making me fall for you even more, Aria. " he said right after he sipped on his coffee. Muli kong ipinatong sa gilid ang kanyang kape at ibinaling ang mata sa daan.

"I-i'm sorry. I didn't mean to. "

"I don't need your sorry. " seryoso nyang tugon kaya napatingin ako sa kanya. "I need you to fall in love with me. Yung tipong wala ng matitira sayo at tanging ako lang ang tumatakbo sa isipan mo. I want you to fall so deep that you can't even survive from drowning. Dahil kung ganun nga ang mangyayari, mapapanatag na ako na hindi mo ko iiwan. " my whole system started to gamble. Nagwawala nanaman ang kung anong nasa tyan ko at nakaramdam ako ng pagkakiliti. Hindi ko na sya matignan ng diretso kaya mas pinili kong tumingin sa daan at manahimik nalang.

"I want you mine, even if it means breaking the rules. Kung hindi kita makukuha sa tamang paraan, kukunin kita sa paraan na alam ko at hinding hindi na kita ibabalik pa. I will make you depend on me, so you won't be able to survive when I'm not around. Gusto kong hanap hanapin mo ko sa lahat ng lugar na pupuntahan mo, gusto kong maramdaman at maalala mo ang haplos at halik ko nang sa ganun ay mahirapan ka sa paghahanap ng iba. " hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami sa tapat ng aming bahay at naglandas ang mata ko sa kanyang mata. He's not just looking at my face but he's also looking at my soul. Napalunok ako sa kaba. Inilapit nya ang kanyang mukha sakin. Our distance gets closer and closer. Hindi ko alam kung humihinga pa ba 'ko o hindi.

My mind was so occupied with his gaze, like he just lock my soul with his tantalizing eyes. He brush off the strands of my hair on my face and slowly pull himself closer. Naramdaman ko nalang ulit ang labi nya sa labi ko at nagbigay nanaman 'yon ng libo libong emosyon. Our lips didn't parted but they aren't moving either. 10 seconds... 20 seconds... and when I felt his lips decided to move that's when we heard a knock on his window.

Who Broke Your Heart? | 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Where stories live. Discover now