Chapter 17

136 3 0
                                    

"Hey, bakit ka napatawag? " garalgal pa ang boses ni Brix na para bang kakagising nya lang. Agad naman akong nakonsensya dahil sa pang iistorbo. Baka mamaya ay pagod pala sya dahil sa trabaho at bumabawi ng tulog tapos iistorbuhin ko pa. Psh. Bat kasi di sumasagot si Lane at Robin e!

"I'm sorry to wake you up. Balik ka nalang ulit sa tulog, wala lang— "

"May problema ba? Nasan ka? " mas naging maayos na ang boses nya at narinig ko pa ang pag hikab nya sa kabilang linya.

"No. You go to sleep, wala lang ito— "

"San ka nga? " halata sa boses nya ang pagkairita kaya napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid.

"Dito sa abandonadong park malapit sa school. "

"Wag kang aalis dyan, bibihis lang ako. " bago pa man ako makapag salita ay pinutol na nya ang linya. I sigh and look at the ocean blue sky. 2 pm na at dapat ay tirik ang araw ngayon, pero hindi. Napakaaliwalas ng langit at hindi ganun kainit ang sikat ng araw.

I wonder what Codi is doing right now. Sabi nya ay nasa Laguna sya at nag aasikaso sa business nila. Paniguradong marami ring magagandang babae dun, nakahanap na kaya sya ng iba?

I shrugged my shoulders. Tama na nga, Syke!

"Kanina ka pa? " nagulat ako sa boses na iyon at napalingon kay Brix na hingal na hingal pa. Medyo malapit lang naman sa school ang dorm na tinitirhan nya pero mukhang tumakbo pa sya papunta rito.

"I told you to go back to sleep. Baka mamaya ay pagod— "

"Pero alam kong kailangan mo 'ko. " his voice was sincere. Nakasuot sya ng faded jeans, white round-neck tshirt na may nakasulat na secure at medyo magulo pa ang kanyang buhok. I smile when I found him cute. Nakunot ang kanyang noo bago tumayo ng tuwid sa harapan ko.

"But I know you're tired from work— "

"Tinawagan mo 'ko tapos ngayon ay itataboy mo ko? " iritado nyang tanong.

"That's not what I meant. "

"Then tell me what's your problem. " mas naging seryoso ang boses nya at nag angat ako ng tingin para mas makita ang kanyang mukha. Ngayon ko lang na appreciate ang ganda ng kanyang mga mata, ang makapal at mapula nyang labi, ang kulot na itim nyang buhok, at ang makapal nyang kilay na mas lalong nag depina kung gaano kaarogante ang kanyang mukha.

He look like a filthy rich hunk, but no— he's just a hunk without filthy rich.

"You know the beast, right? " nagkunwari akong natatawa at agad naman syang tumango. Wala akong nakitang kahit anong awa sa kanyang mata at nanatili lang itong nakatitig sakin.

"I saw him. With his son. " bahagyang umawang ang kanyang labi. Sila lang ni Robin ang tanging nakakaalam tungkol sa tatay ko dahil madalas ay sila naman talaga ang nakakasama ko.

"Sabi ko na nga ba! Yung lalaki sa— "

"Keep it. Ayaw ko nang marinig. " see? Natukyan nya agad kung sino yun. At alam kong sa mga mata namin nya iyon binase. No one can deny it. This green eyes is a strong proof.

"Alam ba ni Codi? " tila ba nag aalangan pa sya na tanungin iyon pero tumango ako kaya mas lalong naawang ang kanyang labi. "But... he has a thing for you. Inamin nya iyon, di ba? " tanong nya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. I cry out loud. Iniiyak ko lahat ng sakit. Lahat ng bigat.

Nakita ko ang pagluhod ni Brix sa harapan ko at syaka ako niyakap. His hug was tight and comforting that I can't help myself but to hug him back. Sobrang bigat ng dibdib ko at kahit iiyak ko itong lahat ay parang hindi parin nababawasan.

"Everything's going to be— " bago pa man matapos ang sinasabi ni Brix ay may humigit na sa kanya palayo sakin. Napaupo sya sa damuhan at parehas kaming napatingin sa lalaking nasa kanyang likuran. He's eyes were furious. Taas baba ang kanyang balikat dahil sa bilis at bigat ng kanyang paghinga at kuyom ang mga kamao na parang handa na itong sumuntok.

"Codi! " I screamed before his fist land on Brix's face. Napadako ang kanyang mata sakin. Ang kanina'y galit nyang mga mata ay naging maamo. Nagsusumamo. Mga mata na handang magpaalipin. At gaya ng dati, may bakas parin ito ng pagka bigo.

Who Broke Your Heart? | 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Where stories live. Discover now