AMAYA'S POV
"Amaya! Gumising ka na! Ikaw na lang ang hinihintay!"
Agad akong nagtaklob ng unan sa mukha ko. Bahala kayo, kahit maiwan pa ako basta makatulog ako ng mahaba.
"Amaya! Dalian mo na!" Bigla akong nakaramdam ng init sa braso ko, at habang tumatagal. Pasakit na siya ng pasakit.
"Hestia, ano ba!" Agad kong inalis ang kamay niya sa braso ko. Napakakulit naman nito! Babangon naman ako eh!
"Ang kulit mo kasi, yan tuloy, napaso ko braso mo!" Tawa pa siya ng tawa habang tinitignan yung namumula kong braso. Bwiset talaga!
"Isusumbong talaga kita kay tita, ginagamit mo yung kapangyarihan mo para sa kalokohan!" Agad akong tumakbo palabas ng kwarto, at nagmamadali akong kumatok sa kwarto nila tita.
Akala mo, ah!
"Titaaa! Si Hestia po oh! Inaaway ako gamit yung kapangyarihan niya!" Bago pa ko maabutan ni Hestia, bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas ang nanay niya. Nakakunot ang noo nito nung nakita niya ang namumula kong braso at ang anak niya na si Hestia.
Bago pa ako makapagreact, binatukan na siya ni Tita at pinapagalitan. Buti nga sayo!
Dumiretso na ko sa kwarto at nagsimula nang mag-ayos. Aalis pa man din kami ngayon. After so long, makakapag-bakasyon na rin kami!
Simple lang ang sinuot ko, T-shirt lang na tucked in sa shorts. Pinabanguhan ko muna ang sarili bago bumaba.
Naka-ayos na ang lahat sa sala, mga bag namin individually, coolers namin para sa yelo and drinks, mga tupperware na may pagkain at iba pa g bags for general needs.
Umupo ako sa sofa habang kumakain ng cereal. Naubusan na kasi ako ng pagkain dahil sa katakawan ng mga kasama ko dito sa bahay.
Binuksan ko ang phone ko at nagscroll sa Facebook. Pampa-lipas oras lang, ganun.
"Maya! Tulungan mo naman ako magbuhat dito!" Tinitignan ko lang si Mishal habang binubuhat niya ang mga bagahe namin, para bang nangangasar.
"Sige Maya, okay lang talaga ako." Sabi niya habang umiirap.
"Joke lang kasi! Eto naman, hindi mabiro!" Tumayo ako sa sofa at kumuha ng isang bag at pinasa kay Mish.
"Maya, alam ko yung ginawa mo kanina. Lagot ka talaga kay Hestia mamaya!" Sabi niya, ngiting-ngiti naman ang kupal.
Etong magkapatid na 'to, parang mga baliw. Pero sabagay, kailangan nila magtulungan. Physically and Emotionally. Si Hestia kasi, may kapangyarihan talaga na related sa apoy. At si Mishal naman, wala siyang kapangyarihan. Normal lang siya tulad ng kanyang Ina. Pero namana naman niya ang katalinuhan ng magulang niya. Kaya mas nako-kontrol niya si Hestia kahit normal na tao lang siya.
Weird talaga ang pamilya nila. Bago pa daw sila ipanganak, yung Nanay raw niya ay tumulong sa isang God para mapatay niya ang mga masasamang loob na sumisira ng kalikasan. At ang kasuklian nun, binigyan niya ng kapangyarihan ang kanyang magiging anak. Pero siguro daw, nakatakda lang yun sa panganay, kaya nung dumating si Mishal, wala na.
Bumaba na si Hestia pagkatapos niyang mapagalitan, at katakot-takot na pangaral ang ginawa niya sa akin habang nasa Van kami. Hay nako, bahala ka nga diyan!
Nakatulog ako halos buong byahe. Kaya hindi ko rin masyadong alam ang mga pinaggagagawa nila. Basta, isa lang ang naaalala ko.
"Vrochi, anong balak mo sa bata?" Tanong ng isang babae, maputi, mahaba ang buhok at para talagang dyosa ang itsura.
"Hindi ko alam, Pele. Basta 'wag niyo siyang hahayaan na mapunta sa kamay ng mga God. Hindi pwede. Hindi ko hahayaan." Napailing na lang ang babae, tumingin siya sa bata na buhat buhat ni Vrochi.
"Pero, wala na ang Nanay niya. Nawala na siya noong naglaban tayo sa Gyera. Sino naman ang kukupkop sa batang 'to?"
"Si Vernice. Yung kapatid ni Helen. Ipapaampon ko na lang siya sa kanya. Kampante naman ako na maaalagaan niya ang anak ko."
Biglang umiyak ang bata, nataranta bigla si Vrochi, at agad niya itong pinatahan. "Kahit gustung-gusto kitang makasama at maalagaan, hindi ka ligtas dito. At baka gamitin ka lang nila para sa kasamaan."
Binitawan niya ang bata, at bago pa pumatak ang luha ni Vrochi, pinadala na niya ito sa bahay ni Vernice.
Bigla akong naluha, parang totoo eh. Alam ko naman hindi talaga kapani-paniwala yung napanaginipan ko, at malamang hindi rin ito totoo, pero naramdaman ko yung sakit ng dalawang mag-ama. Kahit pa never akong nagkaroon ng sariling Ama.
"Amaya! Sayang! Aayain na sana kita magswimming sa dagat pero biglang umambon!" Sabi ni Hestia habang patakbo papunta sakin. Tumango lang ako at pinunasahan ko na ang luha ko.
"Oh, Maya? Bakit ka umiiyak?" Tanong namin ni Mish, umiling lang ako.
"Nakakaiyak kasi yung panaginip ko eh." At as expected, inulanan nila ako ng mga tanong. Kaya kinwento ko na rin agad bago pa ako mainis sa pangungulit nila.
"Grabe ah! Naging Drama-Fantasy yung datingan ng panaginip mo! Parang na-curious tuloy ako sa kasunod."
"Gaga ka talaga, Mishal! 'Wag ka ngang mag-joke!" Binatukan niya si Mish, yan, napatahimik na tuloy siya.
"Alam mo Maya, 'wag mo nang isipin yan. Most probably hindi 'yan totoo. Baka sa kakabasa mo ng Fantasy lately kaya napapanaginipan mo na yung sarili mong storyline. Don't worry!"
Ngumiti na lang ako at tumingin sa langit. Umaraw na.
"Guys, umaraw na oh! Tara na at magswimming!"
***
Pinapanood ko lang sila lumangoy, ewan ko, kahit pakiramdam ko ay tinatawag ako ng dagat, parang tinatamad ako.
May biglang lumapit sa akin na lalaki. Maputi, black ang buhok at mapungay ang mga mata. Medyo light brown ito at talagang maaakit ka sa tingin niya.
"Is this seat taken?" Tanong niya. Nung una medyo nagtaka pa ako, kasi wala namang upuan, pero sinakyan ko na lang rin ang trip niya at umiling.
"I'm Dara by the way. And you are?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Medyo na-weirduhan ako, slight lang naman.
I mean, sino ba namang tao yung biglang lalapit sayo, magtatanong kung taken na ba yung upuan eh una sa lahat, walang upuan, at biglang magpapakilala.
"Did i weird you out? Sorry. I was just being friendly." Lumungkot ang mukha niya, kahit nakatungo siya ay kita ko pa rin.
Hindi ko talaga alam kung maaawa ako eh. Kasi English siya ng English! Ano ba 'to, foreigner ba 'to o ano?
"Kung medyo awkward, aalis na lang ako." Aakma siya ng aalis pero pinigilan ko siya. What the heck? Pagkatapos niya magtagalog aalis siya?!
"I'm sorry, nabigla lang ako. My name is Amaya." Kinuha ko ang kamay niya at nakipagkamayan. Ngumiti siya sakin, yung ngiti na pati mata ngumingiti rin.
"Friendly ka naman pala eh! Maybe i intimidated you kasi nag-english ako, sorry!" Nag-peace sign siya sa akin habang nakangiti.
"Yeah, medyo nga."
Tumahimik bigla ang kapaligiran, medyo nagiging awkward na pero nakakahiya namang umalis lalo na at nakipagkilala na ako sa kanya.
"Um, kaibigan mo ba yung mga yun?" Tinuro niya yung dalawang magkapatid sa dagat. Agad naman akong tumango.
"Parang nalulunod ata sila."
BINABASA MO ANG
The Hidden Truth
FantasyAmaya Mercado is a 19 year old girl na hindi nakilala ang kanyang magulang simula pagkabata. Ayon sa kwento ng Tita niya ay hindi daw siya kayang buhayin ng kanyang magulang kaya naisipan nilang ibigay na lang siya sa kanya. Simula nung tumira siya...