Medyo hindi ko maalis sa isip ko si Dara. Ewan ko ba, pero sobrang komportable ko talaga kapag kasama ko siya. Tsaka sobrang nakaka-encourage yung mga sinabi niya sa akin tungkol sa pamilya ko.
"Amaya! Halika na! Kakain na tayo." Narinig kong tawag ni Tita sa likod ko.
Dumiretso lang ako pero pinigilan ako ni Tita. "May bagong kaibigan ka ata ah?" Ngumiti ng malapad si Tita, at alam ko na ang pinaparating nito.
"Ano ka ba Tita, 'wag mo ko tignan ng ganyan! Kaibigan lang yun at wala nang mas hihigit pa." Nagkibit balikat lang si Tita at inakbayan ako.
"Basta, Amaya. Mag-iingat ka lang sa mga tao sa paligid mo. Baka mamaya hindi talaga sila yung taong pinakilala nila sayo." At dun nang tuluyang umalis si Tita.
Teka nga, bakit naman niya ako sinabihan ng ganun? Nakakalito tuloy! Parang natatakot na ako na pagkatiwalaan yung lalaking yun. Lalo na at ang bilis pa gumaan ng loob ko sa kanya. Baka mamaya may hocus pocus na siyang ginawa sa akin kaya rin ako nag-open up ng ganun kadali sa kanya. Hindi natin malalaman!
Umupo na ako sa tabi ni Hestia, halatang nilalamig pa rin ito at hindi pa rin siya makatingin sa akin. "Hestia, eto oh." Inabot ko sa kanya ang kumot na suot-suot ko. Umiling lang siya at ngumiti.
"Alam mo, walang mangyayari kung hindi mo ako iimikin. Alam kong guilty ka pero hindi nun maiaalis na magpinsan pa rin tayo." Tinitignan na niya ako ngayon, at bago pa ako makapagreact, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Sorry talaga Amaya! Kasalanan ko talaga 'to! Hinahamon ko kasi si Mishal na lumangoy sa medyo malayo na parte ng dagat, alam mo naman ako, makulit kahit ang tanda tanda na. Sorry Amaya! I'm sorry! Hindi na ako lalangoy sa dagat ulit ng walang pahintulot mo." Tuluy-tuloy lang siyang nagsasalita, at hindi ko mapigilang ngumiti. Si Hestia talaga, once na ma-guilty, siya pa 'tong dumadada ng kung anu-ano.
"Tama na, Hestia. Alam mo naman na ang gagawin mo sa susunod. 'Wag mo nang balikan yun dahil lalo lang sasama ang loob mo. Kumain ma lang tayo para masaya na tayong lahat."
***
Pagkatapos namin kumain, naisipan naming tatlo na magcampfire. Nagset-up rin kami ng tent dahil napagdesisyunan namin na dito na rin matulog ngayong gabi.
"Mish! Umupo ka na! Parang kang tanga diyan na nakatitig sa tent. Hindi naman yan mawawala eh!" Etong si Mish kasi, napraning na simula nung sinabihan kami ni Tito na mag-ingat dahil may mga magnanakaw rin dito.
"Eh paano kung mawala yan bigla habang 'di tayo nakatingin? Edi papatayin tayo ni Papa!" Nagkatinginan kami ni Hestia, at sabay tumawa. Kahit kailan talaga 'tong si Mishal!
"Gwapo ka sana eh, pero mas dinaig mo pa ang babae sa pagkapraning mo!" Sabi ni Hestia na ikinasimangot ni Mishal.
Nang mapakalma na namin si Mishal, nagsimula na kaming maglabas ng marshmallows para ipainit sa ginawa naming campfire.
"Nga pala, Maya. Hindi ko naitanong 'to sayo kanina kasi baka galit ka pa. Pero sino yung lalaking kasama mo kanina?" Tanong ni Mishal.
"Ah, si Dara. Bigla na lang siyang tumabi sa akin at nakipagkwentuhan. Siya rin ang rason kung bakit ko kayo nakitang nalulunod. Kung hindi dahil sa kanya, baka natigok na kayo doon."
Ngumiti ng nakakaloko si Hestia. Mukhang may nararamdaman na akong ka-demonyohan sa ngiting yan.
"Nako Amaya! Baka mamaya si Mr. Right na yan ah!" Binatukan ko nga, nagpeace sign siya sa akin at in-offeran pa ako ng marshmallow.
***
Bandang alas dose ng ng gabi at napag desisyunan na nilang matulog. Nagpaiwan ako dito sa labas para magmuni-muni.
Ewan ko ba, pero hindi talaga ako inaantok. Dapat nga kanina pa ako tulog dahil sa haba ng byahe at lumangoy langoy pa ako sa dagat para sagipin yung dalawa. Pero parang nakahigop ako ng isang gallon ng kape at gising na gising ako.
"Nagse-senti ka ata ah." Umupo si Dara sa tabi ko.
"Oh, bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at ibinalik sa akin ang tanong.
"Eh ikaw? Bakit gising ka pa?"
"Hindi lang makatulog."
Tumahimik ulit ang paligid, at ang tanging naririnig ko lang ay ang apoy. Lumingom ako sa kanya, at nakatingin lang siya sa kawalan. "Bakit mo nga pala naisip lumabas bigla? Delikado mag-ikot ikot dito mag-isa."
Nginitian niya ako. "Eh nasilip ko kasi may isang babae na mag-isa lang dito, kaya naisip kong puntahan at samahan." Medyo natahimik naman ako, alam mo, nakakakilig yung sinabi niya pero ewan ko ba, wala akong nararamdaman na ganun. Nasisiyahan lang ako na concern siya sa akin. Not in a romantic way.
"Baliw." Nginitian ko siya at bigla niya akong inakbayan. May ibinulong siya, pero masyadong mahima para marinig ko. Baka mamaya ginagayuma na ako neto ah! Baka mamaya, paggising ko baliw na baliw na ako sa lalaking 'to!"
Bigla niyang inalis yung pagkaka-akbay niya sa akin. At umiwas ng tingin. Ano ba problema nito? "Huy! Okay ka lang ba?"
Unti-unti siyang lumingon sa akin. "A-Ah? O-Oo.. okay lang ako! Ako pa ba?" Medyo nawala na yung pagiging sweet and mysterious niya, at halatang pinipilit niya lang ang ngiti niya.
"Pwede ka naman nang umalis kung gusto mo, okay lang naman ako dito."
"H-Hindi! Sasamahan kita."
Ano bang pumasok sa kokote neto at napaka-weird na niya bigla??

BINABASA MO ANG
The Hidden Truth
FantasyAmaya Mercado is a 19 year old girl na hindi nakilala ang kanyang magulang simula pagkabata. Ayon sa kwento ng Tita niya ay hindi daw siya kayang buhayin ng kanyang magulang kaya naisipan nilang ibigay na lang siya sa kanya. Simula nung tumira siya...