A/N: may mga bagay-bagay dito na hindi totoo, kaya please 'wag niyo ko ijudge na "base sa research" ay ganito ganyan. This is purely fictional and all is made with imagination.
Secondly, this chapter is more on talks about family history and maybe some hints that would be later on revealed on future chapters. Kaya i warn you, baka medyo boring 'to para sa iba sa inyo kaya heads up lang 'to bago kayo mag-click off.
***
Walang pag-aalinlangan, tumakbo agad ako sa dagat at nilangoy ito. Si Mishal ang una kong sinalba, lalo na at isa't kalahating tanga pa naman ito.
Pagkababa ko sa kanya sa baybayin, agad ko namang sinagip si Hestia. Mabuti na lang at hindi sila nawalan ng malay, pare-pareho kaming malalagot, at hindi ko pa sila kayang mawala.
"Ano ba naman kasi ginagawa niyo? Alam niyo na nga na malakas ang alon, pero sumulong pa rin kayo! Paano kung hindi ko kayo nakita?! Paano na kayo nun?!" Pareho silang nakatungo habang sinesermonan ko sila. Ang titigas kasi ng mga ulo!
Bago ko pa sila mabatukan, may humawak bigla sa balikat ko. Tumalikod ako at nakita ko si Dara na nakatingin sa akin.
" 'Kumalma ka lang. sigurado naman at hindi na nila uulitin yun, diba?" Tumingin siya sa dalawa, at agad naman silang tumango.
"Sige na, bumalik muna kayo sa kwarto o dumiretso kayo dun sa cottage. Hindi ko na sasabihin 'to kela Tita dahil hindi na kayo papayagan lumangoy ulit pag nalaman niya."
"Sorry talaga, Amaya. Mag-iingat na kami next time." Sabi ni Mishal bago umalis kasunod ni Hestia.
Kahit pa kaibigan ang turingan namin sa isa't isa, hindi mo maiaalis na mas matanda ako sa kanila at ate pa rin ako. 18 lang si Hestia at si Mishal ay 16.
"I'm guessing hindi mo sila kapatid." Sabi ni Dara, tumango lang ako.
"Dara, thank you nga pala. Kung hindi mo sila napansin baka natuluyan na sila." Ngumiti si Dara sa akin, at ginulo ang buhok ko.
"Ano ka ba, 'wag kang mag-thank you sa akin. Wala lang yun." Nginitian lang ako ni Dara, at inalok akong maupo ulit sa tabing dagat.
Ilang oras rin kami nagkwentuhan habang pinagmamasdan ang dagat. Ewan ko ba, parang ang komportable niyang kausap. Parang antagal na naming magkakilala. Lalo pa akong kumalma dahil nakatitig ako sa dagat.
"Since we know everything about each other, is it okay if we proceed naman sa family?" Tinignan niya ko sa mata, at isa lang ang masasabi ko. Napaka-expressive ng mga mata niya. Para bang yung nararamdaman niya ay mararamdaman mo na rin sa simpleng tingin.
"Eh, sure. I've got nothing to lose naman eh."
"Well, una sa lahat, i really don't have a family of my own. Kumbaga ampon lang ako pero kamag-anak ko rin naman ang kumupkop sa akin, sila Tita Vernice. Ang sabi nila, hindi daw kaya ng magulang ko na buhayin ako kaya binigay ako sa kanya. At si Mama, wala akong balita sa kanya. Tuwing nagtatanong ako tungkol sa kanya dati, nag-iiba ang ekspresyon ng mukha ni Tita at iniiba ang topic. Kaya nag-give up na lang rin ako magtanong sa kanya, hindi rin naman niya ako sasagutin ng maayos eh."
Tahimik lang na nakikinig sa akin si Dara, para bang interessdo talaga siya na malaman ang mga sasabihin ko.
"That's... interesting. So wala ka talagang alam tungkol sa parents mo?"
"Wala. Pictures lang niya ang nakikita ko pero never ko siyang nakita in real life." Nakatingin lang siya sa akin, at halatang may gusto pa siyang malaman. I can see it in his eyes.
"What about your father? Alam mo ba ang tungkol sa kanya?"
"Yan ang pinakahindi. Ni-picture ng tatay ko ay hindi ko pa nakikita. Never nila minention ang tatay ko dahil sabi nila nabuntis lang daw si Mama ng maaga noon." Tumango siya habang iniintindi ang mga sinasabi ko. Medyo na-satisfy naman siya sa mga sinagot ko.
"And your name, Amaya. It's very unique and actually has meaning. Kung sino man ang nakaisip ng pangalan mo ay magaling. It means Night Rain. And it is people who has names like this are very intelligent, and most likely may special ability sila na they may or may not know." Napatawa ako, binobola naman ako nito eh!
"Hindi kita binobola! I mean- baka mag-assume ka kasi na binobola kita so i'm just making it clear." Sabi niya, napakamot siya ng ulo habang nakangiti.
Okay, medyo weird. It's like he's reading my mind. And to be honest, parang kanina pa nga medyo sumasakto ang mga sinasabi niya sa mga iniisip ko. Pero baka nagkataon lang rin na ganun.
"Since you've said your story, i'll tell you mine."
"Lumaki ako sa Hawaii. Where Filipinos usually live. My family's been great, inaalagaan naman nila ako at pinapakain. But they can really be strict and controlling sometimes. Minsan kasi pag may utos sila, kahit hindi ka komportable sa pinapagawa nila, kailangan mong gawin. May parusa ka kapag hindi mo sila sinunod." Kitang-kita ang lungkot at takot sa kanyang mga mata. Malala siguro ang nagawa ng magulang niya sa kanya.
"Pero yun, wala rin naman akong magagawa kaya kahit pa ayaw ko eh ginagawa ko. Para sa ikabubuti ko rin naman yun."
"Pwede ko bang tanungin kung ano yung mga utos na yun?"
Huminga siya ng malalim. "Palagi nila ako inuutusan makipagkita sa kung sino mang dealer nila. Kahit nung bata pa ako, kung saan-saan ako nakakarating dahil diyan. Minsan nga sa kakameet ko sa kanila ay napapahamak pa ako. Hinahamon ako ng kung anu-ano bago ko makuha ang bagay na pinakuha sa akin ng magulang ko."
Medyo naawa naman ako para sa kanya. Kahit may pamilya siya ay hindi naman nila pinaparamdam na parte siya nito. Parang pareho lang kami, pero sa kanya ay nakakasama niya at araw-araw pinapaalala sa kanya ang masasakit na mga bagay na yun.
"Kaya nga andito ako ngayon, nag-ipon, tumakas, at ngayon nagsisimula ulit ako. Hindi ko na kaya sa pamamahala nila kaya bahala na rin sila sa kalokohan nila." Hinihimas ko lang ang likod niya habang nagsasalita siya.
"Swerte ka pa rin sa Tita mo, Amaya. Napakagaling niyang Ina kasi kahit hindi ka naman nanggaling sa sinapupunan niya ay nagawa ka pa rin niyang mahalin at ituring na parang sarili niya. Pahalagahan mo yan, Amaya. Sa panahon ngayon, napaka-unti na ng taong may magandang loob. Swerte ka at napunta ka sa maliit na porsyento ng mga tao na yun." Diretso siyang nakatingin sa akin habang nagsasalita. Ramdam na ramdam ko ang mga sinasabi niya.
Maging masaya na lang ako dahil may Nanay pa rin ako na nagmamahal sa akin.
Tumayo siya, at inalalayan rin akong tumayo. Pinagpag namin ang buhangin na natira sa mga damit namin.
"Sige na, mauuna na 'ko. I'll see you tomorrow, Amaya." Sambit niya bago tuluyang umalis.

BINABASA MO ANG
The Hidden Truth
FantasyAmaya Mercado is a 19 year old girl na hindi nakilala ang kanyang magulang simula pagkabata. Ayon sa kwento ng Tita niya ay hindi daw siya kayang buhayin ng kanyang magulang kaya naisipan nilang ibigay na lang siya sa kanya. Simula nung tumira siya...