Chapter 3

493 17 0
                                    

Third person's POV

Tumatak na ang Alas otso nang nag sama-sama ang lahat sa iisang kwarto.

"Siguro naman 'pag magkasama tayo rito at walang may namatay, ibig sabihin kasama natin ang killer." Saad ni Karl.

Tahimik lang silang naghihintay nang may biglang kumalabong sa kusina sa baba at nag brownout.

"Mapaglaro naman! Talagang ngayon pa ha!" Saad ni Catherine at sumiksik ito sa mga kasama.

"Sandali.. titignan ko lang. Dito lang kayo." Agad namang tayo ni Bryan.

"Sasama ako! Hindi pwede na ikaw l-lang." Paiyak naman na wika ni Lovely, ang kaniyang girlfriend.

"Kung ganoon, sasama rin ako." Tumayo naman si Creziel at nagsitinginan lang lahat.

"Oh ano? Pagdudahan nanaman ninyo ako? Edi sumama rin kayo! Ayokong makulong dito at maging takot!" Agad naman nagsitayoan ang lahat.

Ngunit kapansin-pansin ang isa na ngumiti nang patago.

"Nakaka-excite naman pumatay sa ganitong oras." Saad niya sa isip niya.

Sama-sama silang lumabas kahit madilim. Nagkakapa lang sila sa dingding nang biglang may sumigaw.

Si Karl. Siya kasi ang nasa likuran nagbabantay sa kanila kaya agad silang napatingin.

"Karl?!" Sigaw ni Jerol.

"Karl nasaan ka??!" Si Catherine.

"KARL!!" Sigaw silang lahat at nataranta na. Wala silang may makita. Masyadong madilim.

Nagsihiwalayan ang lahat nang may biglang pumasok na paniki sa hallway. Takbo doon, takbo roon. Hindi na nila alam kung saan sila dinala ng kanilang mga paa sa kakatakbo nila.

Pero isa lang ang pinagtataka nila, saan nanggaling ang paniki?

--

Creziel's POV

Kasama ko na sila ngayon Jadie, Jerol, Gerrold, Ice and Catherine. Dalawang oras kaming nagtago sa kung saan, umalis lang kami sa pinagtagoan namin nang nag ilaw na. Pero sa dalawang oras na 'yon tatlo ang namatay. Ewan, hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Nakita na lang namin silang tatlo dito sa kusina, duguan. Karumaldumal ang pagpatay.

"Grabe talaga yung killer, prepared. Hahaha" biro kong saad habang tinitignan si Karl na may tahi ang kaniyang bibig may saksak sa leeg. Habang si Bryan at lovely naman ay walang mga mata at duguan ang mga kamay at sa iba pang parte. Kita sa mga galos nila na nanlaban.

"Oh, uminom kayo muna ng tubig.. para makalma kayo." Saad ni Jadie saka binigyan kaming lahat isa-isa.

Tinignan ko siya at ang tubig.

"Malinis 'yan. Inumin mo na." Saad nito.

Nagdududa ako.

"Dapat may panlaban na tayo. Mag-iisip tayo ng magagamit para panlaban sa killer." Jerol.

Tinignan ko ulit ang mga kaibigan ko na nakahandusay sa sahig. Grabe talaga ang may gawa nito. Ang lakas, imaginin mo nakaya niya silang tatlo?!

Wait--

Walang mga mata?

"Bagay sa kaniya mabulag ng literal eh. Silang dalawa."

"Bagay sa kaniya mabulag ng literal eh. Silang dalawa."

"Bagay sa kaniya mabulag ng literal eh. Silang dalawa."

Paulit-ulit tumatakbo 'yan sa isipan ko.

SPIN THE BOTTLE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon