CHAPTER 3

384 9 0
                                    

Hindi siya kaagad nakagalaw sa kinatatayuan. She was totally shocked! It was a first time that a strange man acted like that in front of her that she wasn't even able to move. Nagbagong bigla ang anyo nito matapos siyang tanungin kung ilang larawan ang kinuha niya. Mali ba ang sinabi niya? Isa lang naman ang naaalala niya. Were there more? But it seems impossible. Once lang niya nadinig ang click.

A few more seconds and she was able to pull herself together. Isa man o dalawa o ilan pa, hindi dapat nito tinangay ang kamera niya. "I need to go after that bastard." At humakbang siya papunta sa hotel. Lumulubog ang mga paa nya sa buhangin sa bawat hakbang na ginagawa papasok dito. She is now equally mad!

Galit ang nagbabadya sa mga mata niya. "Bastos na lalaking 'yun! I will charge him of theft sa ginawa niya sa akin." At higit pa niyang binilisan ang paglakad. Binati siya ng isang staff pagpasok niya subali't hindi na niya ito napansin. Magkasalubong ang magaganda niyang kilay  na ang mga mata nama'y iniikot ang paligid.

Karamihan sa mga guest ng hotel ay nasa loob dahil halos katanghaliang tapat na. Nagpalinga-linga siya. Hinahanap ng mga mata ang lalaki. Pumunta siya sa hotel lobby subali't wala ito roon. Agad siyang dumiretso sa lift lobby kung saan naroon ang elevator paakyat sa mga guestrooms. Sigurado siyang isa ito sa mga guest ng hotel. She saw a few more people waiting na magbukas ang pinto ng lift pero wala rin ito roon. Damn!

Nag-isip siya ng mabilis. Sa ilang malalaking hakbang ay nakarating na siya sa reception counter. Naroon ang apat na receptionist, dalawang lalaki at dalawang babaeng sa palagay niya ay Western pagka't maputi ang kulay ng mga nito. Nilapitan niya ang babaeng receptionist.

"Hi. Excuse me." Kinuha niya ang atensyon nito na agad namang nag-angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa screen ng computer katapat nito.

"Good afternoon Ma'am. May I help you?" Magalang na bati nito sa kanya.

"Yes. Please. Have you noticed a guy who went here inside just a few minutes ago? He came from the beach side of the hotel. He is wearing sando and shorts and holding a camera." Walang patumpik-tumpik niyang tanong dito. Hindi na niya naiwasang gumamit ng intensed na tinig na siya namang ikinagulat din ng babaeng receptionist. Subalit agad din nitong naitago iyon at kalmado pa ding ngumiti.

"I'm sorry Madam but the guests have started arriving so I cannot really say." Paghingi ng paumanhin nito. "May I know why?"

Huminga muna siya ng malalim. Muling pumasok sa isip niya ang mukha ng lalaking iyon at higit na inis ang nadama niya.

"He has something that belongs to me. He took my camera." Tumaas ang dalawang kilay ng receptionist at ang tanging nasabi na lang nito ay "Oh."

"Can you help me find him?" She asked her with a firm determined voice.

Agad din siya nitong isinama sa security office ng hotel upang doon siya asikasuhin. Sandali siyang naghintay sa loob nang bumukas ang pinto at  iluwa nito ang isang lalaki. Nakasuot ito ng uniform na kulay maroon na katulad ng suot ng mga staff dito subali't naiiba ang disenyo ng suot nito. Sa hinuha niya ay ito ang manager ng hotel. Sinabi niya roon ang mga detalye ng mga pangyayari matapos itong umupo sa swivel chair sa likod ng desk kaharap niya.

"I was just taking photos outside the beach when I accidentally took a photo of him. He saw me and in a flash he was already in front of me. He took my camera and found there his photo. I already apologized and told him to just erase the picture but he did not listen and ran away with it." She paused for a second to justify her statement.

"Well, 'technically', ran. Cause I no longer saw him after. He's like the Flash and suddenly disappeared." Tuluy-tuloy na lintanya niya.

"That camera is important to me. That was my mom's gift." Hindi niya naiwasang maging sentimental sa parteng iyon. Hindi niya na din alam kung bakit pati iyon ay nasabi pa niya. Maybe out of so much embarrassment.

Book 1: Finally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon