Estduyante: "Para, manong drayber." [Akmang hihinto ang sasakyang dyip sa tabi ng tulay. Sinumulan kong bumaba sa siksikang at dikitang grupo ng estudyante sa dyip.]
Estudyante: "Salamat, manong." [Ibinigay ko sa dyip ang aking bayad.]
Drayber: "Hoy, bata! Kulang ng piso itong bayad mo." [Sabay biglang galaw ng dyip, tila ayaw muna akong pababain.]
Estudyante: "Manong, tama naman iyan eh, estudyante po ako. Iyan po ang nakalagay sa prankisa mo, na nakapaskil sa dyip mo." [Sabay hawak sa mga hawakan ng dyip. Hindi na naman ako makakababa sa tamang babaan. Perwisyong dyip. Tama naman ang bayad ko, nagpapakatotoo sa nakapaskil na prankisa.]
Drayber: "Di mo ba binabasa ang paskil? Kulang ka ng piso, bayaran mo ako bago ka bumaba." [Sabay karipas ng takbo.]
Estudyante: [sa sarili] Nakakainis ang hayop na dyip drayber na ito. Lampas na ako, pinapahiya pa ako.
Estudyante: "Sige na nga po manong, ito na ang lecheng piso. Kahit na nilampas mo ako, at kahit na nakapaskil na dyan sa prankisa mo ang lecheng tamang pamasahe na dapat kong bayaran." [Tumigil ang drayber sa pagmamaneho, at tinigil ang kanyang sisiraing dyip.]
Drayber: "Ikaw na nga ang kulang ng bayad, ikaw pa ang may ganang magmura. Putanginang kabataan to o!" [Sabay senyas ng pagpapababa sa akin.]
Estudyante: "Oo, manong. Estudyante po ako at sapat lang ang bayad ko sa inyo. Walong piso ang sinisingil niyo pero ang tamang pamasahe ay anim na piso para sa estudyante. Sino naman ang di magagalit, bayad ko na nga ay pitong piso. At syempre, sagabal ang ginawa niyo, maglalakad pa ako sa tamang babaan at pinahiya niyo pa ako sa mga tao. Para lang sa piso."
Drayber: "Aba, ang lakas ng loob mong bata ka. Wala ka bang modo? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na igalang ang mga matatanda?"
Estudyante: "Manong, tinuruan po ako ng aking magulang ng respeto. Pero sa simula pa lang, paano mo rerespetuhin ang isang taong katulad mo, na isang ganid sa pisong pamasahe at nanpapahiya ng tao. Hindi karapatdapat na ikaw ay respetuhin."
Drayber: "Leche kang bata ka! Hindi na lang tumahimik at umalis, ayan na kanina ko pa itinigil ang aking dyip. Baba! Walanghiyang bata!"
Estudyante: "Aba, manong. Salamat sa pagbaba sa akin sa tamang babaan ha? Siguro naman sa piso mong nakuha sa akin ay magiging milyonaryo ka na. Yaman man lang na nagmamalaki ka at humihingi ng respeto kung sa simula ikaw ang nagargabyado sa tao. Sige po, ayoko na pong makipagtalo sa isang drayber na tulad mo."
Narrator: Bumaba na ang estudyante sa dyip.
Estudyante: [Ang sama ng tingin ng drayber sa akin sa kanyang salamin. Ipinapakita lamang ang kawalang-hiya ng drayber. Buti na lamang ay yung mga kapwa-pasahero ko sa dyip ay ipinapagtanggol ako at sinasabi sa dyip na ibalik na sa akin ang piso. Di pa rin ito ginawa ng drayber. Biglang kumaripas ng takbo ang dyip.]
Estudyante: [iniisip] Nakita ko ang tulay sa malayo. Malayo-layo pa ang lalakarin ko.
Nang maabutan ko na ang hagdanan sa tabi ng tulay papunta sa squatter's area kung saan ako nakatira, naabutan ko ang isang eksena: isang tatay na hinahampas ng sinturon ang kanyang anak. Kawawa ang bata, buto't balat ang kanyang itsura. Puro pasa ang kanyang katawan.
Tatay: "Gago kang bata ka, sabi ko sa iyo manlimos ka nang isang daan ngayong araw na ito. Paano ko naman mapantataya sa tong-its at sa jueteng itong tatlopung pisong nilimos mo?"
Estudyante: [iniisip] Ayoko naman makisawsaw sa away mag-ama ng pamilya. Dinaanan ko lang ang kawawang bata. Siguro mamaya-maya ay bibigyan ko ng pagkain ang bata.
Pag-uwi ko sa aming tagpi-tagping bahay, nalaman ko na wala pala ngayon si Inay. Siguro naglalaba na naman iyon kina Don Mariano, sa kanilang malapalasyong bahay sa di-kalayuan sa tulay. Si Tatay ay siguradong nasa trabaho pa, sa construction diyan sa kabilang kanto.
Naiwan na naman akong mag-isa. Tumingin ako sa lamesa at inalam kung mayroon pang natitirang pagkain. Kumakalam na ang aking tiyan. Isang pirasong tuyo at sinangag na lang ang natira sa lamesa.
Naalala ko bigla ang balingkinitang bata sa tabi ng tulay. Siguro ay nanlilimos na naman iyon. Kumain ako ng kaunti, at ibinalot ko ang natitra para ibigay sa bata.
Pagbalik ko sa tulay, wala na siya at ang kanyang ama.
