*Chapter 6* (First Meeting)

188 6 1
                                    

(A/N: Please po sa mga silent readers, vote naman po dyan. Hehe. Sige na po please. Thank you. Tapos, eto na po yung first meeting ng mga bida. Ahihihi. :"> ENJOY po! <3)

--------------------------------------

First day ko ngayon sa pagiging college. CommArts ang course ko. Wala lang. Yun ung nagustuhan ko eh.  XD

Nga pala dito ako sa Calder University nag-aaral. Andito rin sila Stephanie, Stephen, Lizette, Bianca, Ashley, Mavic, Matilde, Christopher, TJ, Rosalie at Sharina.

Pareho kami ng course nila Lizette,Bianca, Rosalie, Stephanie, Christopher at Stephen. HAHA. Oh dba? Together  forever ang peg! =D

Di mo naman kasi kami mapapaghiwalay nila Stephanie. Di mo rin mapapaghiwalay ang kambal. Di mo rin mapapaghiwalay ang LOVEBIRDS. Naks. Haha. Tapos sila Rosalie, Lizette at Bianca eh parang bestfriends ko na din. :D

Ang course naman ni TJ, Matilde at Sharina ay ComSci. Magaling sila ehh.

Si Ashley at Mavic naman ay sa Tourism. Bagay beauty nila don :))

Sabay kaming pumunta ni Steph sa school. Pagdating namin sa may parang isang building don, nakita namin sila Chris, Lizette, Bianca at Stephen.

Si Rosalie? Mukhang wala pa. Late siguro. HAHAHHA.

“Uyy! Long time no see. :D” –Lizette

“Oo nga eh. HAHA.” – Bianca.

“Balita ko may gwapong ka-course natin na freshman din ah.” -Rosalie.

Teka? Andito pala to?

“Salie? Andito ka pala? Kanina ka pa dyan? HAHAHA.” – Stephanie

“Kakarating ko lang. Pero di nga, may gwapo daw eh! :D” - Rosalie.

Nakng. Hahaha! Makita nga yan kung gwapo ba talaga! XD 

Yan ang gawain ng lahat ng kababaihan pag nasa bagong school eh. HUNTING NG MGA GWAPO AT CUTE. Dba? Aminin! Gawain ko rin yan at namin ng mga kabarkada ko. Hahahaha! ;D

“Sus. Eh kumusta naman ung ugali? LOL” -Ako

“Di ko alam eh. Basta Drew Richard ata ung name?”- Rosalie

“Gwapo ng pangalan ah. :”> ” Tiningnan naman ni Chris si Steph at nagpout pa. HALA! Kay tatanda na nagpapa-cute parin. Anak ng tinapa! HAHAHA

Infairness,I agree. Gwapo nga ung pangalan niya. :D PERO! Ung ugali kaya niya, ano? Kasi para sa akin, kung ang fes niya ay HAVEY, at yung ugali niya ay WALEY... Nako. Wag nalang. Hahahhaa!

“Pero ung pangalan lang. Mas gwapo parin si babe.” Napangiti naman si Chris sa sinabi niya at tumango siya na parang satisfied siya sa narinig niya. Possessive much? Haha. Pero cute nilang tignan. J

Babe. Tawagan nila ni Chris. Kaderder. Parang BABOY lang no?

Kami nga ni Kevin dati, nung kami pa eh wala kaming tawagan. Hindi kasi ako pumayag na meron kami nun. Parang masyadong kadiri pakinggan eh. SA OPINION KO LANG PO! Haha. Tsaka di ko feel. Yuckieee.

Naalala ko tuloy nung nagdate kami sa park nun. Tapos inakbayan niya ako tapos sabi niya sakin.. “Babe, alam mo ba na ma—“ Hindi ko siya pinatapos. Siniko ko siya. Sabi ko sa kanya na ayoko ng tawagan kasi parang masyadong—ah basta! Hindi ko talaga feel.

Napailing na lang ako. ANOBAYAN! Bat ba kasi nagreminisce pa ko? XD Pero naka-move on na ako eh. :D

“Everyone na nasa Section 1, please gather up because we will tour you around the Calder University. Thank you and please cooperate para next time, di kayo maliligaw pagdatingsa building niyo. Okay?”

He's a Conceited JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon