Chapter 01

101 6 1
                                    

YELENA is going to be late again, she's sure of that. Gigisahin na naman siya ng mga bruha nyang kaibigan. Galing siya out-of-town from a photo shoot. Although may PA siya, she doesn't want him to be with her all the time. She likes to be independent kahit sa work niya.

As usual, sinisisi niya ang traffic sa lungsod. Lagi siyang nale- late sa mga appointments nya dahil dito.

‘Duh! Alangan namang sisishin ko ang beauty ko.’ She rolled her eyes as if to herself

Nang makita nyang nag orange light na, pinausad na niya ang kotse. Siya ang nasa unahan ng lane kaya inisip niya na bilisan.

Prente na siyang nagmamaneho ng makarinig siya ng police siren.

And she saw a gray sedan behind her with a siren on top.

Bigla siyang napamura. ‘Oh, crap! Mukhang mati-ticket-an pa ako.’

She pulled over the highway and readied her charming smile. Everyone loves her enchanting smile, sabi nga ng hilaw niyang Kuya Ethan.

Nangunot noo nya ng makita na naka- civilian yung lumabas sa kotse.

“That seems familiar.”

Nang ibaba niya ang salamin ng kanyang kotse, dumungaw ang pulis, at tuluyan nang nasira ang mood niya.

“Hey, Princess. Good morning.” Sebastian gave her a smile that always irritate her.

“Walang good sa morning kapag nakikita kita.”

“Isn't it too early to scowl? Smile, you know you're beautiful when you do.”

“Alam mo… Nevermind. Kelan ka pa ba naging highway patrol? At ano ang violation ko?” Tanong niya dito ng nakakunot ang noo. Gusto na niyang makaalis.

“Wala naman. Muntikanan lang. Gusto lang kita paalalahanan. Be careful, Yel. Kapag MMDA ang nakahuli sa ‘yo siguradong may ticket ka na o baka mas grabe pa.”

Lumapit pa lalo ang binata sa bintana niya at saka walang anuman na inikot nito ang mata sa loob ng kotse niya, sa lapit nito sa kanya, amoy na amoy niya ito. Alam na alam niya ang gamit nitong pabango. ‘Urg! Do not go there, Yelena’.

Inirapan niya ito, at di pinahalatang apektado siya sa paglapit nito sa kanya.

“Tinatakot mo ba ako? Pwede ba tigilan mo ako. Kung may violation ako, just give me a damn ticket so that I can go.” Pero mukhang balewala sa binata ang pagtataray niya.

"Bakit nga pala mag-isa ka lang. Nasaan ang PA mo?” Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

Nang tumingin ulit siya sa lalaki, seryoso ito. Iniwasan niya ang mata nitong seryosong nakatitig sa kanya. Hindi niya gusto kapag ganoong seryoso ito. Ayaw niya dito.

“You don't need to worry. Di naman sa lahat ng oras may kasama ako. I can take care of myself.” She made her voice firm and aloof.

She heard him sigh. “I care about you, Yel..”

“I said you don't need to worry, Kuya.” May diin sa pagsabi niya ng “Kuya”. Hindi niya na ito pinatapos, dahil ayaw na niyang marinig ang iba pa nitong sasabihin.  

“Hindi mo ako kapatid Yel, kaya wag mo akong tawaging kuya.”

She sensed disgust in his tone.

“Well, kaibigan ka ng Kuya ko at limang taon ang tanda mo sa akin. Kaya, Kuya, kung wala naman akong violation ay aalis na ako. You're disturbing me and I have an important meeting.” She said defiantly.

Tumitig lang muli si Sebastian sa kanya. Pagkatapos ng ilang segundo, na para kay Yelena ay sobrang tagal na. Pilyong ngumisi ito sa kanya.

“Okay. I won't keep you long for now. Pero, paalala, Yel, wag mo akong tawaging ‘Kuya’, dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko. Naiintindihan mo ba iyon?”

Lumayo ang binata pero nakatitig pa rin sa kanya.

“Ah, ewan. Whatever!” Nakairap siyang binuhay ang kotse at nagmaneho palayo dito.

Nasilip niya ang binata na nakatayo pa din at nakatingin sa papalayo niyang sasakyan.

Inirapan niya ito kahit alam niyang di na siya nito nakikita.

"You're still a brat, Yel. You're still My Brat." Bulong ni Sebastian sa hangin habang naka tingin sa papalayong sasakyan ng dalaga.

**********

NAKARATING si Yelena sa tagpuan nila ng kanyang mga kaibigan almost ten at hinanda na niya ang sarili sa pagsabon na mga ito sa kanya.

Favorite hangout nila ang Sweet Flo'ur, dahil sa bukod sa masarap na coffee at pastries, maganda ang ambiance ng lugar, loob at labas ng cafeteria.

Nandoon na nga sila. Sina Tessa at AC.

“Good morning, girls! Sorry late ako. Well, you know why.” She kissed and gave them her sweetest smile as she sat.

“Lagi naman, eh. Pero, sorry din, di na ikaw ang reyna ngayon.” Si AC, na nakangisi sa kanya.

“Oh, so Inna isn't here yet?” Mukha nga, dahil nadadalas na itong ma-late, minsan di nakararating sa usapan nila.

“What happened?” She asked them.

“Naku, ang bruha, mukhang may “writer's block” na naman. Nag text siya na malelate siya ngayon.” Si AC pa rin.

Bumaling siya kay Tessa na abala sa binabasa sa folder na hawak habang ang isang kamay ay hawak ang tasa ng kape nito.

“Teacher Tess. Akala ko ba wala kang work today, bakit parang meron naman? At bakit suot mo na naman yang pwet ng baso?” Eksaheradong pansin niya sa suot nitong salamin.

“I'm just checking this file for my students’ evaluation later. And with my eyeglasses, the last one broke. So, I'm using this… This ‘pwet ng baso’.” Tessa said nonchalantly.

"Ang old school mo talaga. We've been telling you use contacts. It'll emphasize more your pretty eyes." She said.

"Lena, alam mong di ako komportable sa contact lenses. Masakit sa mata at saka matrabaho." 

"Sus, eh wala namang grado yang mata mo." Bulong ni AC pero narinig ni Tessa na napakunot ang noo.

"What?" Mukhang di naman narinig ni Yelena.

"Hey, girls, so sorry, I'm late. Again." Biglang sulpot ni Inna sa harap nila na umupo na rin at mukhang pagod na pagod.

"Ano nangyari sa 'yo?" Sabi ni Tessa na wala ng hawak na folder at mukhang handa ng ituon ang pansin sa kanila.

"Chill, Inna. I'll get our breakfast. I'll get the usual, right?" Alok ni Yelena sa hiningal na dalaga.

"Yes, please. Thanks."

"You want to add more?" Tanong niya sa dalawang paubos na ang iniinom na kape.

"No more for me. Thanks." Tanggi ni AC na itinaas ang baso na may laman pa na kape.

"Me. One more white coffee, please. Thanks." Si Tessa na kilalang mahilig sa kape sa kanilang apat.

They've spent the late morning with talks about their work, Inna's apparent dilemma and eventually the plan for the upcoming event of a foundation that all of them support.

(Mukhang nakalimutan na ni Yelena ang encounter nila ni Sebastian.. hmn..)

※※※※※※※※※※

Im Yoona as Yelena Chiu Riviera

Ji Chang Wook as Sebastian Aragon 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Supermodel Yelena (The Single Ladies 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon