Chapter 4: Thy Neighbour

28 1 0
                                    

-4-

She baked cheesy mac for breakfast at naisipan na rin niyang dagdagan upang bigyan ang kapitbahay niya.

Maybe it won't harm her kung mag bibigay siya rito and besides she want to create a harmonious relationship with her neighbour.

Hindi na siya nag abala pang mag palit ng damit o mag ayos pa she just put her long hair into a messy bun.

Right after she prepared the tupperware na naglalaman ng baked mac at mailagay ito sa wooden basket ay nag punas lamang siya ng pisngi niya na namumula pa dahil sa init.

Wearing her fitted cotton sando, nike cycling shorts and nike rubber shoes from her morning jog ay nag lakad na siya palabas ng pinto.

Ilang metro lamang ang tinawid niya upang marating ito. Now that she's focused on the whole area, she will give the credit to the owner of this house. American inspire ang bahay na combination ng gray at white ang kulay. Maganda rin ang landscape ng kulay brown na mga bato sa harapan nito. She can clearly see every details of the house at masasabi niyang ginastusan ito talaga.

Nang makarating siya sa harap ng pinto nito ay agad niyang pinindot ang doorbell. Nasa ikalawang pag pindot na siya ng may mapansin siyang kulay ginto na nakaukit sa itaas na bahagi ng Gate.

'DC'?

Pilit niyang inalala kung saan niya nga ba nakita ang simbolong ito.

Oh!

Huli na para umatras dahil sa gitna ng kanyang pag iisip ay tsaka bumukas ang pinto.

Mistulang itinulos siya sa kanyang kinatatayuan ng tumambad sa harapan niya ang hubad barong lalake na nag bukas ng pinto. May kalakihan ang maskulado nitong katawan subalit ang mas nakatawag ng pansin niya ay ang malaki nitong tribal tattoo sa kaliwang bahagi ng dibdib nito na umaabot hanggang sa pagitna ng kaliwang braso nito and when she met his gaze ay parang may bombilyang umilaw sa ulo niya na nag sasabing mali ang desisyon niyang pumunta dito!

Subalit huli na para umatras.

Geez! It was Rameses fresh in flesh!

He's sweating all over at dahil tanging black shorts na karaniwang gamit sa gym ang suot nito ay kitang kita niya kung pano tumulo ang mga butil ng pawis nito mula sa magkabila nitong balikat pababa sa malapad nitong dibdib hanggang sa perpektong hulma ng anim na pandesal nito na tumuloy sa flat na tyan nito pababa sa v-line at hanggang sa----

Hmmmkay.... Hindi siya sigurado kung mainit lang ba talaga o dahil sa kaharap niya kaya siya lalong pinawisan. Geez!

Hindi siya madamot sa papuri so she would admit it ---only to herself. By the mere look at him she can clearly see a man that full of confidence, perfection and dignity. His skin color was in between of moreno and mestizo, kaya naman may mga pagkakataon na vissible na mamula mula ang pantay na kulay ng balat nito na sa tingin niya ay dahil sa init, just like now. Another asset of De Chàvez's.

Muling napabalik ang tingin sa mukha nito. She saw him smirked. Yabang!

'Well may dahilan naman' usig ng isang bahagi sa isip niya.

Napaiwas agad ang kanyang mata at hindi na nag abala pang ibalik ang kanyang tingin sa hubad baro nitong katawan. Baka akalain pa nito na pinagnanasaan niya ito. Seriously Yvanna? Pinagnanasaan? Where the hell did you get that term? Lihim niyang kinastigo ang sarili.

''What do you need?'' Literal na bilang lang ang mga salitang lumalabas sa natural na mapulang labi nito, yun ang napansin niya mula ng una niya itong makaharap sa hotel room niya liban na nga lang nung gabing nag kasagutan sila.

Beneath Him (R18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon