12

2.6K 74 4
                                    

Nasa waiting area kami ng airport, nakawheel chair kasi si Angkong kaya kailangan ng alalay. Sina Tita Seina and Uncle Brandon ang sumama sa byahe nila pauwi.

Nakatayo kaming lahat para salubungin sila. Nang makita namin sila, nagtakbuhan kami para
mag-unahan kung sino ang unang makayayakap sa grand parents namin.

Napuno ng hiyawan at masayang tawa nina Ahma at Angkong ang kinatatayuan namin.

"Mom" niyakap ni Papa sina Ahma at Angkong. Pansin ko ang higpit pagkamiss ni Papa sa kanila.

Sumunod si tita Seina na talagang pinaliguan pa ng halik si Papa. Amazing how siblings do that.

Masayang lumapit si Mama at niyakap sila. Nagmano pa kay Angkong na kinangiti ni Papa. Masaya ako sa tuwing nakikita ko gaano nya kamahal si Mama. Kung gaano nya pinapahalagahan at pinoprotektahan. Masaya ako na ang mga magulang ko nagmamahalan, hindi katulad ng ibang chinese parents na nagsasama lang dahil sa negosyo, dahil sa pera.

"Angkong!" lumapit ako at niyakap sya, simula pagkabata nakaupo na sya sa electric wheel chair nya. Kahit nahihirapan sya, hindi nya parin kami iniiwan.

Hinagkan nya ang magkabilang pisngi  ko at hinalikan ako sa noo.

"Ni hao ma? (How are you?)" Tanong nya.

Ngumiti ako at hinalikan ang kamay nya. "Im always fine Ang kong"

"look how big you are" si Ahma. Niyakap nya ako at pinaliguan ako ng halik sa pisngi. "maganda parin ikaw"

Napatawa ako sa mapabiro nyang accent.

Napalingon ako sa tabi ni Tito Brandon. I greeted Tito first bago ako lumapit sa pinsan kong ubod ng pagkamahiyain. She's Tiny. But we call her Tin-Tin.

Mas matanda ako ng tatlong sa kanya.  Kaya i treat at her like my little sister. Laging tahimik at pili ang taong kinakausap nya. Only her kuya ang para sa kanya ang pinakatrusted nya.

Niyakap ko sya. "i miss you Tin" naramdaman ko ang galak at saya nang niyakap nya rin ako. "i miss you too achi"

Nilingon ko ang maingay na si King na parang kinakain ang mga salita nya sa pagchachinese sa kausap nyang si Zen-zen ang bunsong anak nina Tita Seina. Si Xian naman kausap  agad ang LDR best friend nyang si Jai. Mas bata sa kanya ng dalawang taon pero mas magaling sa online games kesa sa kanya kaya napapawow nya si Xian.

Maingay kami sa loob ng family namin, puro chinese ang usapan.

"do you still know how to speak tagalog?" tanong ko kay Tiny.

Ngumiti sya, pero si tita Seina ang sumagot. "nagtatagalog kami sa bahay  ate Pau, pinapractice nya lagi kasi she wants to go to IU"

"talaga?" si Mama. "anong plano mong major Tin?"

"arts po" tunog slang.

Napatango kami. "si ate Pau mo dun din mag-aaral" si Mama.

Napatingin si Tin-Tin sa akin. Ngumiti ako at tumango kahit sa isipan ko, hindi yun ang gusto kong mangyari.

"maganda sa IU, mataas ang standard nila" si Tito Brandon. "i hope my Tiny girl will pass the entrance"

Napangiti ako, "oo naman po tito, Tiny is a smart girl. Kayang kaya nya yun"

Sa Mansion sila titira, sa bahay nina Tita Siena.

Sa Singapore sila pansamantalang tumira para maalagaan sina Angkong at Ahma. Only girl si Tita Seina kaya sya ang sasalo sa pag-aalaga sa kanila, habang si Papa naman ang bahala sa negosyo, si tito Patrick naman ang para sa ibang properties abroad.

Secretly EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon