18

2.3K 91 25
                                    

Hinatid ako ni Papa para sa IU entrance exam. Hinintay nya rin matapos ang tatlong oras kong exam.

Pinagbutihan ko ang bawat sagot ko. Gusto kong mapasaya si Papa at Mama. Kahit sa ganitong paraan lang ako makakabawi sa kanila.

"how's the exam?" sinalubong ako ni Papa ng ngiti.

Umiling ako at ngumuso. "papa kung hindi ako makapasa sa abroad nalang ako mag-aaral?"

Napangiti sya at inayos ang takas ng buhok ko.

"makakapasa ka, kung nakaya ng mama mo dati, kaya mo rin" nakangiti nyang sabi.

Napatango ako.

Dumiretso kami ng Mall, magtatrabaho si Papa habang ako sa cafe didiretso para samahan si Mama don.

Habang nasa byahe kami papunta, inikot ko ang instagram ni Dutch. Nitong huli nawalan na ako ng gana sa social media binuhos ko lang ng oras ko sa pagrereview.

May dalawa syang bagong post, isang picture niya na nakatayo sa isang football field at isang picture na may mga kasama.

'Finally saw his account!'

'your so gwapo 😍'

'sana makalipat kana ng Azkals para
Pilipinas kana maglalaro'

'@eliesaSP you look together'

'were just friends'

Marami pang komento pero napatigil ako sa account ni girl. Lakas loob kong binuksan ito at inikot. Halos lahat ng pictures nya puro related sa fashion, mga beauty products at bags. May isang picture silang dalawa ni Dutch. Halatang nasa club at may hawak na bote ng inumin. Nakangiti si Dutch habang nakasandal si girl sa kanya.

'miss you Treyerrr☹️'

May humaplos sa dibdib ko pero pilit kong dinedma. Okay kami ni Dutch, bakit ako magpapaapekto?

Ako:
Tapos na pop. Nasa cafe ako now... U?

Nanatili ako sa kinauupuan ko habang hinihintay ang reply nya.

"maam Pau snack ka raw muna" sabi ni Wendy, isa sa mga waiter ng cafe.

Tumango ako at nagpasalamat. Kinuha ko ang tinidor at sinimulang haluin ang sauce ng carbonara habang sinusubukan ko rin buksan ang youtube account na pinasa sa akin ni Shai last week.

Unang bungad palang, mukha agad ni Dutch na umiling habang lumalayo sa harap ng camera.

I said no Elle

Hinarangan nya ng palad nya ang camera.

Say hi first trey! They want to see you here in my vlog.

No!

Umiling sya at tumalikod at lumayo.

Nagpaliwanag ang babae kung bakit ayaw ni Dutch humarap.

He's tired and sleepy. Sorry guys. My boy is not in the mood today.

Sabi nya. Pinakita nya si Dutch kasama ang ilang mga lalaki na nasa isang tabi at may pinag-uusapan.

Lumapit sya at pinakita ang skateboard sa gitna nilang lahat. Nahagip ng camera si Dutch na nakatitig sa may hawak ng camera.

Are you hungry?

Umiling si Dutch.

Do you miss me?

Napatawa lang si Dutch. Hindi sya sumagot ng oo o hindi.

Secretly EngagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon