Kabanata 1

1 0 0
                                    

Demonyo

Malalakas na tawa ang nagpahinto sakin sa korido ng madaanan ko ang silid ng mga basketbolista.

Pauwi pa lang ako galing sa library. Ginawa ko kasi ang research. Sigurado akong hindi ko iyon magagawa sa bahay. Hapon na at konti nalang din ang mga istudyante dahil kanina pa ang uwian. Siguradong mga nagpapractice nalang ang mga natira dito.

Hindi ko alam kung bakit naagaw nila ang atensyon ko. May ilan pa akong mga narinig. Nakukwentuhan. Nagtatawanan. May kung ano sa pinagkukwentuhan nila at nacurious ako.

" Grabe par, tinuloy mo talaga yung sinabi  namin ah." Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

" Oo nga. Ano mapapasakamay mo na ba ang puso ng mahal na prinsesa?" Kantyaw ng isa.

Tumawa naman ang iba.

" Wala pa. Lumalapit pa nga lang ako eh." Tatawa tawang sabi ng isang napakapamilyar na boses.

" Sasaktan mo talaga siya?" Maliit na tinig pero rinig ko parin.

Hmm. Napaisip ako bigla sa mga pinagsasabi nila. Boy thing. Ganyan ba lagi pinag uusapan ng mga lalaki? Puro babae.

Nawalan na ako ng interes pagtapos kong narinig ang mga sinasabi nila. Aalis na sana ako ng may nagsalita pa. Gusto ko pang makinig.

" Oo. Sa ugali palang no'n dapat sinasaktan 'yun para matuto."

Biglang napakunot ang noo ko.

" Tss. Oo nga, sa ugali palang ni levira sa tingin mo madali mo siyang masasaktan? Ewan ko nalang 'pag bumaliktad ang ihip ng hangin."

Ako ba ang tinutukoy nila?! Ang palagay ko ay ako lang ang levira sa batch namin! At wala pa naman akong naririnig na kapangalan ko!

Tumindig agad ang aking balahibo. Parang nagulo bigla ang sistema ko. Kakaibang kaba ang tumubo sa aking dibdib. Anong ginawa ko sa kanila? Ba't pinaplano nilang saktan ako? Physical ba? Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at napabilis ang lakad ko dahil sa sobrang kaba. What's happening?

Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Ang pagkakaalam ko. Habang pauwi ay ang mga iyon lamang ang nasa isip ko. Pagkapasok sa bahay ay isang tahimik na kapaligiran lamang ang tumambad sa'kin. Bago sa aking pakiramdam.

Umakyat na ako sa aking kwarto para makapagpahinga. Bakit kaya walang tao rito? Baka umalis lang. Sagot ng aking isipan.

Nakahiga lamang ako sa aking kama at nakatitig sa kisame. Inaalala ang mga narinig kanina.

Anong binabalak nila sakin?

"Sa ugali pa lang no'n dapat  sinasaktan 'yun para matuto."

Paulit ulit iyon sa aking utak!

Anong meron sa ugali ko? Nagpapakatotoo lang ako. Kailangan kong dipensahan ang sarili ko. Wala naman akong aasahang magtatanggol sakin kun'di ako lang. Anong aasahan nila sa akin? Mag ala anghel ang dating pag inaapi? WTF! Alam kong hindi ako mabait pero yung sila mismo yung gumanti sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila?! Hindi tama iyon!

Isang galit ang namumuo sa aking kalooban. Anong gagawin ko? Lahat nalang ba sila ayaw sa'kin? Dahil ba sa ugali ko? Wala akong pakielam sa mga hinaing nila sa'kin pero  kung gagalawin at sasaktan nila ako? Hindi ko mapapangakong hindi ako gaganti!

Inisip ko kung anong dapat kong gawin matapos kong malaman ang binabalak nila sakin.

Kaya pala panay ang lapit ng lalaking 'yun sakin. Dahil may binabalak na hindi maganda!

Naalala ko. Palagi niyang niyaya ang mga kaibigan kong manood ng praktis nila ng basketball o kaya'y sumabay palabas ng school.
Ayus lang sa akin dahil hindi naman ako ganoon kaarte para hindi makipagkaibigan sa kanila. Mga dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas simula noong napapasama sila sa amin.

Play And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon