Laro
Kinabukasan ay ginising ako ni mama.
" Bumaba ka na at mag almusal, anong oras na oh"
May kislap ang mata ni mama. Mukhang masaya siya. Ayos na kaya sila ni papa?
"Opo ma, mag aayos lang ako."
Chineck ko agad yung phone ko at may message doon sina Jules at Alex tinatanung kung nakauwi ba ako ng ligtas.
Nagreply ako at nag ayos na rin. Mahuhuli na ako sa klase.Pagtapos ko ay bumaba na agad ako. Pero wala na si mama. Nakita ko sa tabi ng almusal ko ay may papel at nakasulat na umalis na siya dahil mahuhuli na raw siya sa trabaho.
Napangiti ako. Sana ayos na ang lahat.
Pagtapos kong kumain at dumiretso na agad ako sa school.Matapos ang dalawang subject ay dumiretso ako sa cafeteria kung saan naghihintay na sila Jules at Alex.
" Oyy girl, bigla kang nawala kagabi. Magkwento ka!" Utos ni Jules. Akala mo may nangyari kagabi.
Naalala ko bigla si Dylan. Hays, pinilig ko ang ulo ko para makalimot.
Umupo ako sa harap nila at sumubo ng fries.
"Wala namang nangyari kagabi. Umuwi na ako kasi tumawag si mama. Hinahanap ako." I lied.
Tumango tango naman si Jules. Bumaling ako kay Alex na ngayon ay parang lutang. May hang over ata.
"Alex? Okay ka lang? Mukhang sabog ka ah."
Tatawa tawa kong sabi."Huh? A-ano? Anong sabi mo?" Kunot noong tanong at mukhang nagising sa reyalidad.
"Ayiee! Ikaw ah. Nako Alex." Pang aasar ko kaya mas lalo siyang nataranta at kala mo may nalaman kaming sikreto niya.
" Ano ba kasi yung sinabi mo? Hindi ko narinig eh. Kaasar ka talaga Levi!" Inis niyang sabi.
Pinagtawanan namin siya ni Jules. Mukhang napapraning eh.
" Ang lalim kasi ng inisip. Nako alam mo ba Levi..." Sabay bulong kunwari sa akin ni Jules " tawa ka dali" bulong niya.
Nagtawanan kami dahil nababaliw na si Alex sa kakatanong kung anong sinabi ni jules sa'kin. Kahit wala naman.
Tawa kami ng tawa sa ekspresyon niya. Napakamasikreto talaga ni Alex. Siguro kaya siya nagkakaganyan dahil kagabi. Hmm. Ano kayang nangyari. Mukhang pareho kaming may tinatago.
Pagtapos naming kumain ay dumiretso na kami sa aming klase. Hindi ko sila kasama dahil magkakaiba kami ng course.
Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko na naman ang demonyo. May kausap siyang babae. Biglang nagawi ang mata ng babae sa'kin at bumalik rin sa kausap niyang demonyo.
Saglit ko pang tinitigan ang babae. Maganda at pitit. Mahaba ang buhok at machick bone.
Parang isang ihip lang ng hangin ay makakalas ang buto niya.Natawa ako sa iniisip ko.
"Sa ugali palang no'n dapat sinasaktan 'yun para matuto."
Napawi agad ang ngiti ko. Dire-diretso akong naglakad with confidence. Kala nyo mas matigas pa 'ko sa butong pinakuluan ng ilang linggo. Hindi ako ganon kadaling masaktan.
Tinatak ko na yan sa isip ko.
Mukhang hindi naman ako napansin ng demonyo o hindi lang talaga pinansin dahil may kasama siyang magandang babae. Girlfriend? IDC.
Pagtapos ng klase ay dumiresto ako sa library. Kailangan kong manghiram ng libro para sa Activity. Tinext ko sila Jules at Alex para sabay sabay na kami umuwi.

BINABASA MO ANG
Play And Pretend
Ficção AdolescenteSabi nila, Love is the most powerful thing in the world. Pero papaano kung laro lang naman ang lahat. Kaya mo ba'ng pigilan ang nararamdaman mo para manalo sa larong habang buhay mong daldalhin. PLAY AND PRETEND ••Yramystic••