001
June 1, 1990
Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo habang nag hahanap ng matatambayan. Tumakas muna ako kila inay upang mag pahangin. Sa 'di kalayuan may natanaw akong isang lugar. Mukang payapa't tahimik. Hindi ko namalayan na ang mga sarili kong paa'y naglakad patungo sa lugar na 'yun.
Umakyat ako sa may bangkang nakataob atsaka nadama ang sariwang simo'y ng hangin. Napaka tahimik dito. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang pag lubog ng araw, napakaganda nito sa paningin. Napaka payapa.
Ilang minuto pa ang lumipas, Napagpasiyahan kong umuwi na para hindi na ako maabutan ng gabi. Ngunit sa 'di inaasahangmag kakataon nakarinig ako ng isang iyak ng bata. Boses lalaki. Natakot man, Pinilit kong tignan ang ilalim ng tulay. Nagbabakasakaling dun namula ang mga munting hagulgol.
Dun ko nakita ang pigura ng isang lalaki. 'Di man 'to kilala, naglakas loob akong tawagin ito.
"Bata! Bata! Anong ginagawa mo riyan? Halina't umalis na sa lugar na ito sa pagka't mag gagabi na! Baka hinahanap ka na rin sainyo! Tara na!" Nakita kong tumingala siya at dun ko nasilayan ang mugto niyang mga mata.
"Sino kaba?! Haya'n mo akong mag isa! Wala akong pakialam!" Balik sagot sa'kin nung batang lalaki. Sumimangot ako at pinagkrus ang aking mga braso.
"Bahala ka bata. 'Di mo ba alam ang bali-balita dito sa baryo natin? Na may mga gumagala daw na kaluluwa dito sa pagpatak ala sais ng hapon. Kaya, umakyat kana at tayo'y umalis na dito! Ayokong mamaabutan ng masasamang espiritu dito!" Panakot ko sakanya. Muli siyang tumingin sa'akin at nakita ko ang pares ng mata niya na naglalakihan.
"M-mga gumagalang kaluluwa?" Tanong niya. Tumango ako bilang tugon sa kanya. Nakita ko naman siya natakot at umakyat papuntang tulay. Lumapit siya sa'akin at ngumiti ng malaki.
"Ano pang ginagawa natin dito? Tara na! Baka maabutan tayo ngmga kaluluwa dito!" Takot na sabi niya. Tinawanan ko nalamang siya atsaka tumango. Nag pakilala siya sa'akin at nalaman kong keifer ang kanyang ngalan.
Nag kwentuhan kami tungkol sa isa't isa, naging magkaibigan at napagusapan naming dun na kami mag kikita t'wing alas kwatro ng hapon. Nangitu nalamang akobilang tugon at namalayang nasa tapatna kami ng bahay.
Nagpaalam na ako sakanya at siya'y ngumit lang. Nakangiti akong pumasok atnakita ko si inay na nag wawalis sa loob ng bahay.
Lumapit ako papalapit sakanya atsaka ko kinuha ang kanyang kamay upang mag-mano.
"Sa'n ka nag punta astral? Kanina pa kita hinahanap." Tanong ng aking inay.
"Diyan lang po inay. Nag-laro lang po." Tugon ko sakanya.
"Pumasok kana sa loob at kumain. Mag-gagabi na. Matulog ka narin ah?" Paalala sakin ni inay. Tumango lamang ako sakanya bilang tugon atsaka pumasok sa loob ng bahay.
Dun ko nakita si itay nanakaupo sa upuan namin. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Lumapit ako sakanya at nag mano.
"Saan galing ang unica-iha ko?" Malambing na tanong ni itay.
"Nag-laro lang po sa labas itay! Kayo po? Kamusta na po kalagayn niyo?" Tanong ko kay itay.
"Maayos na anak. Mag hapunan kana pala. Nakaluto na riyan. Nauna na kami ng inay mo." Tumango at ngumiti ako kay itay bago pumunta ng kusina.
Pag katapos kumain, dumiretso muna ako sa aking inay at itay. Nakita ko silang dalawa na nasa sala't naguusap. Lumapit ako sakanilang dalawa.
"Inay, Itay. Kailan po ako mag-aaral?" Nakangiting tanong ko sakanila.
"Ngayon rin anak. Nitong pasukan mag-a-aral kana! Gusto mo yun anak diba?" Nagulat ako sa sinabi ni inay, lumawak ang ngiti ko.
"Talaga ba inay?"
"Oo anak! Gusto ko pagmag aaral ka pagbutihin mo ah? Galingan mo anak!"
"Oo naman po inay! Hinding hindi ko po kayo bibiguin! Dahil matutupad po lahat ng pangarap ko!" Ngumiti sa'kin si inay, tumingin ako kay itay at nakita kong nakangiti rin siya.
"Kaya, matulog kana at bukas na bukas ay i-e-enroll na kita." Nakangiting tugon ni inay.
"Opo!"
Hinalikan ko sila sa pisngi atsaka dumiretso na sa aming kwarto.
ıllıllı Thanks for reading ıllıllı
ʟᴇᴛ ᴍᴇ ᴋɴᴏᴡ ʏᴏᴜʀ ʀᴇᴀᴄᴛɪᴏɴ ᴀʙᴏᴜᴛ ᴛʜɪs ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ.
ıɬ ıʂ ɧıɠɧƖყ ą℘℘ཞɛƈıąɬɛɖ.

BINABASA MO ANG
When the sun goes down.
RandomA sad story:) I hope you'll support! Thanks. Started: April 15, 2019 Ended: