002
Present.
Napabangon ako sa kama habang pawis na pawis. Tumingin ako sa gilid ko at tinignan yung orasan. Nang bumalik na ang diwa ko ay dahan dahang lumaki ang mga mata ko.
'Late na ako!!'
Naku! Lagot nanaman ako kay Ms. Arellano! Nag-mamadali akong mag-ligpit ng higaan ko atsaka kuha ng t'walya at daretsong comfort room.
Pag-katapos ko mag ayos ay dali dali kong kinuha yung sapatos ko atsaka bumaba na. Hindi na ako nag-umagahan dahil late na talaga ako! Kinuha ko yung bag ko sabay punta sa pintuan at ready ng umalis.
Pag-labas ko ng apartment na tinutuluyan ko ay nag antay ako ng masasakyan. May humintong taxi sa tapat ko kaya sumakay na ako dun at di na kailangan pang mag inarte dahil ako'y late na late na.
Tatlong taon na akong naninirahan dito sa syudad para mag aral at makatapos ng kolehiyo at para ma-i-ahon ko na rin sa kahirapansila inay sa probinsya. Miss na miss ko na sila.
Naalala ko yung na panaginipan ko kagabi. Hindi ko na siya maalala. Sino siya? Ba't parang kilalang kilala ko siya?
"Ma'am andito na po tayo." Natauhan ako sa sinabi ng driver, kinuha ko yung pera sa wallet ko atsaka inabot sakanya. Nag pasalamat narin ako at bumaba na. Pinilit kong tumakbo kahit naka takong ako, Alangan namang mag pabebe ako dahil dun. Late na ako kaya wag ng mag patumpik tumpik pa! Jusko.
"
Aray!" Shet! Ansakit ng pwet ko! Sino ba kasi tong bumabangga?! Inangat ko ang tingin ko at dun ko nakita ang isang pamilyar na muka.
'K-keifer?'
Yan ang tumatak sa'king isipan ngmakita ko siya. Kamukang kamuka niya!
"Hey, get out of my way." Kalmadong sabi niya.
Dun na ako na tauhan. Hindi siya ang keifer na kilala ko. Akala ko naman makikita ko na ulit siya. It's been 5 years since we see each other. Sad to say, nag lumipat din siya dito sa syudad upang mag aral.
Bumuntong hininga ako bago muling lumakad ng nakababa ang mga balikat. Binuksan ko ang pintuan ng aming silid aralan at dun ko nakita ang naka busangot na muka ang aming guro.
Hindi ko na lamang 'yon pinansin at nag tuloy tuloy sa paglakad patungo saking upuan. Alam kong sesermonan nanaman ako niyan. Sanay na ako.
"Astral Vane Costaves!"
Galit na tawag sa'kin ng aming guro. Sinulyapan ko lamang siya bago muling ibaling ang aking paningin sa bintana. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa'kin.
"Hindi ka talaga marunong rumespeto 'no?! Nasa harapan na ako kanina at tinawag pa kita! Anong ginawa mo?! GO TO THE DETENTION ROOM! Ayaw na ayaw ko ang ugali ang estudyanteng tulad mo! Now, Go out!"
Hindi na ako nag pa bagal kinuha kong muli ang aking mga kagamitan at dumeretso ng pintuan. Mas gusto ko pa dun sa detention room. Matutulog nalang ako dun. Mas masaya pa.
Pag-dating dun ay naabutan ko ang nag-babantay dun. Pinapasok niya ako at dun ko nasilayan ang malawak na silid. Umupo ako sa gilid atsaka yumuko.
Ilang minuto ang lumipas at ako'y kinain na ng kadiliman.
--
BINABASA MO ANG
When the sun goes down.
AcakA sad story:) I hope you'll support! Thanks. Started: April 15, 2019 Ended: