Halakhak niya'y rinig mula dito,
Hanggang sa dulo nitong pasilyo.
Mga biro niyang hindi maubos-ubos,
Boses niya na tila hindi napapaos.Umiyak ay hindi niya gawain,
Sa mga biro diyan siya magaling.
Tuwing papasok sa eskuwelahan,
Hindi p'wedeng sakaniya'y mawala ang kasiyahan.Pag-uwi sa kaniyang tahanan,
Para bang isang batang nawalan ng laruan,
Hindi niya na nga malaman,
Kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman.Mga kaibigan ang nagsilbing kaniyang lakas,
Ngunit kahit anong gawin niya,
Hindi niya malaman ang dahilan,
Kung bakit sa mga tawa at mga biro niya parang hindi niya ramdam ang tunay na kasiyahan.______
SnowIsOnFire
BINABASA MO ANG
Tala-An
PoetryTala-An Ang mga tala aking nagsilbing kaibigan, naging manonood, naging kaibigan na pwede kong malabasan ng aking mga naiisipan at nararamdaman. -Grupo ng mga letra, nakabuo ng isang makabuluhang salita. Mga Tula at Salita ni SnowIsOnFire-Acheloi...