Katanungan

15 3 2
                                    

-korizir & me.-


Ningning o liwanag
Parehas na panlinlang
Hindi ko maalam
Kung saan hahadlang

Nakadepende sa tao
Kung ano ang mapipili
Wag lamang ituring
Maganda lahat mga binhi

Tumalikod ka na lang
Humarap sa kaliwa
Umalis sa lansangang
Nang walang larangan

Wag mag-alinlangan
Ginusto mo iyan
Saan ka pa tutungo?
Alam kong hindi mo nais mabigo

Tignan natin kung manalo
Sa labanang ito
May mananalo kaya
Sa lipunang ito?




_____
Korizir & SnowIsOnFire

Tala-An Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon