i'm what ?" Bumulagta sa sahig ang dalawang bodyguards ng kanyang ina na umakmang pipigilan siya sa pagtayo matapos niyang bigyan ang mga ito ng tig-isang flying kick .
Walang kakurap-kurap na pinagmamasdan ni Ina ang kanyang mommy habang nagpapalakad-lakad ito sa kanyang harapan. Tahimik lang na nakamasid sa kanila ang ama ngiting-ngiti lamang sa ginagawang pagpapabalik balik ng asawa.
"Yes , Hija . you're getting married. Soon ."
"I am ?" halos pabulong na tanong niya ." Bakit hindi ko alam?"
"Kaya nga sinasabi ko na sa iyo , hindi ba ? Now you know."
Napangiwi siya sa kapilosopohan ng nanay niya.
Isadora Rialde-Cuevas , The Most Sought After Actress In Her Early Days , Looked sophisticated even in her early fifties .
Isadora , Dear , pahingahin mo muna ang anak mo . Mukhang masyado siyang nabibigla sa mga ibinabato mo ," kalmanteng anang kanyang ama.
"Norman , tumahimik ka na lang diyan. Hayaan mong ako ang dumiskarte rito. Panira ka , eh." Buong lambing pang ngitian ito ng ina.
Nakanganga lamang siya habang titig na titig sa folder na nasa ibabaw ng mesa.Napabalik siya sa mga pagkakaupo. She could not believe what she was hearing.
Kanina lang ay tahimik siya sa cafè ng pinsan niya nang bigla na lamang siyang' damputin ' ng mga bodyguards ng mga magulang mang walang dahilan. Ang akala niya , may masama nang nangyari sa mga ito , iyon pala , heto't iwinawagayway sa harap niya na ikakasal siya .
"Hija , alam mo namang matagal na naming gustong makitang nasa maayos ka. Ang sabi mo noon , magpapakasawa ka lang sa pagdadalaga bago ka mag-entertain ng manliligaw. Pero naman , Hija ,dalawang taon na lang , wala na sa kalendaryo ang edad mo ."
"I'm only twenty-eight , 'Ma."
"You're already twenty-eight." Bumuntong-hininga ang kanyang mama. "I'm sorry, Ina. Magalit ka na kung gusto mo. Pero ginagawa namin ito para sayo. Hindi na kami bumabata ng papa mo . Hindi ka namin kaya pang bantayan at alagaan."
"Kaya ko naman ang sarili ko."
At paanong hindi niya maaalagaan amg sarili niya ? Mula elementary ay nag-aaral na siya ng karate at aikido.
"Hindi kami mapapanatag ng papa mo hangga't hindi ka namin nakikitang nasa maayos , Hija." Naupo sa tabi niya ang ina .
"'Ma naman . Alam kong nag-aalala kayo na baka tumandang dalaga ako. Pero kailangan ba talagang kayo pa ang maghanap ng lalaking pakakasalan ko? That's invading my personal life , 'Ma. At alam na alam n'yong ayaw na ayaw kong pinakikialaman ang personal na buhay ko."
"This is the only way we know." Biglang sumeryoso ang matanda saka tumayo. "Listen , Ina. Hindi mo makukuha ang mana mo unless magpakasal ka sa anak ni Alfonso Kintalez."
"What !" Tama ba ang narinig niya? Ang mana niyang kaytagal na panahon niyang hinintay , mapupurnada? Hindi puwede iyon ! Marami siyang planong gawin sa perang iyon. Ang perang iyon ang gagawin niyang stepping stone para makapagsimulang tumayo sa sarili niyang mga paa at hindi na umasa sa mga magulang.
"That's unfair , Ma!"
"No , It's not ," mariing anito. "Iyon na ang napagkasunduan namin ng papa mo. Hindi mo makukuha ni cinco sa mana mo hanggang hindi ka nagpapakasal anak ng Tito Alfonso mo."
"Ma, my private life has nothing to do with my inheritance."
"Our decision is final." Tinalikuran na siya ng ina.
"Hindi ka naman dehado. You will be married to a fine man and you will get your inheritance. Mapapanatag pa kami ng papa mo."
Gusto niyang magtampo ngunit hindi niya magawa. Alam kasi niyang para rin sa kanya ang ginagawang iyon ng mga magulang. Naiintindihan din naman niya ang mga ito. She was their only daughter. Natural lang na maghangad ang mga itong makita siyang nasa mabuti nang kalagayan.
"I want to meet him." Biglang napatigil sa paglalakad palabas ang kanyang ina. "Gusto ko lang siyang makilala. Ayoko namang basta na lang humarap sa dambana nang hindi ko man lang kilala ang groom ko."
Nagniningning ang mga mata ng ina nang muli itong lumapit sa kanya saka ginagap ang kamay niya. "Oh , Ina ! I'm sure you'll like him." May dinukot ito sa bulsa ng suot nitong slacks saka iyon ibinigay sa kanya. "Here. Ito ang address ng opisina niya."
Napapailing at napabuntong-hininga na lamang siya nang tanggapin ang calling card.
"Ina," pahabol ng kanyang ama. "Be genyle on him."
"YES?"
Tinapatan ni Ina ang pagtaas ng kilay ng receptionist ng Kintalez Building nang tawagin niya ang pansin nito para magtanong.
"I' m looking for Mr.A-B-C-D Kintalez."Napakunot-noo pa siya sa nabasang pangalan sa calling card na ibinigay sa kanya ng ina. A-B-C-D? pinagti-trip-an ba siya ng nanay niya? "Err... basta kay Mr. kintalez."
Lalong umangat ang kilay ng receptionist. Sinipat nito ang kanyang kabuuan.
She knew she should have worn a skiry. kaya lang, sa sobrang pagmamadali niya, hindi na niya napalitan pa ang damit niya. She was wearing loose, six-pocket pants and a white shirt na may print ng mukha ni Mickey Mouse.
"Do you have an appointment with Mr. kintalez?" mataray pang tanong nito.
Bruhang 'to. "I don't. And I don't think an appointment is necessary."
Inirapan siya nito saka binulungan ang katabing receptionist. Kung hindi lang siya nakapagpigil , pinag-untog niya ang ulo ng mga ito nang magbulungan at magbungis-ngisan habang panaka-nakang sumusulyap sa kanya.
"Name?"
"Ina Rialde-Cuevas."
Napatanga na lang sa kanya ang malditang receptionist. Hanggang ngayon pala, may pakinabang pa rin ang mga kasikatan ng ina dahil nagagamit pa rin niya ang kanyang pangalan.
Ooopppsss ..!!! bitin muna pa follow naman po :')