Promise Me that I'll be the Last | one-shot |

30 1 0
                                    

| Naranasan niyo na bang sabihin kayo ng mahal niyo na, "Promise, Ikaw na ang huli ko. Ikaw na ang ipapakilala ko sa aking mga magulang. Ikaw na ang aking dadalhin sa harap ng altar." Pero tinupad ba nila yan o ipinako nila? |

I'll promise you, Nicole that you'll be the last girl I'll love. I'll be faithful to you and love you 'till eternity.

     Yang mga salita na yan ang binitawan sa akin Jhoven nung 1st Anniversary namin after niya akong sopresahin ng isang bonggang romantic dinner. Mayaman kasi sila samantalang kami ay may kaya lang kaya yun. Pinakilala na rin pala niya ako sa mga magulang niya. Okay naman sila sa akin and they want me to be his bride. They say we're a perfect couple. Comment din yan ng mga tao at mga kakilala sa amin. We really really love each other. I thought we'll have a happy ending kaso iba ang nangyari.

   Nung second anniversary kasi namin, I was about to suprise him pero ako ang nasuprise. May kahalikan siyang babae at wala na rin silang mga saplot nung mga oras na yun. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natagalan din bago nila napansin na may nakakita sa kanila. Jhoven was really really shocked at that time and so is the girl.

"Jhoven, ano 'to?" sabi ko habang tumutulo na ang mga luha ko.

"Nikki, wala yun. Pampalipas oras lang siya. Please, maniwala ka sa akin."

//SLAP

"Hindi ko ba kayang ibigay ang kaya niyang ibigay ha, Jhoven?! Babae naman din ako ah! Hindi ka ba marunong mag-antay?! Di ba pagmahal ng isang babae ang lalaki ay kakayanin niyang mag-antay? Kasal lang naman ang inaantay natin Jhoven bago mo ako maangkin at maranasan ang langit kaso nandito ka ngaun na hubo't hubad kasama ang babae na ito?! Jhoven ano ba! You promised me na ako lang! I hate you! Break na tayo!" sabi ko sa kanya at umalis na ako. Di pa rin tumitigil ang pagdaloy ng mga luha ko. I believed him. Akala ko may happy ending. Akala ko magiging masaya siya sa piling ko pero bakit ganun? Nakuha pa niyang maghanap ng iba. 

    Nagluluksa rin ang langit. Ayaw kong gamitin ang payong ko. Gusto kong mabasa ng ulan. Gusto ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko! Gusto kong sumigaw at magwala. Ang sakit talaga. NAPAKASAKIT. Ano bang mali ang nagawa ko?

"ANG SAKIIIIIIT! Ayaw ko na!" sana naman mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

"Miss, ilabas mo lang ang sakit. Tsaka wag ka namang maligo sa ulan oh. Halika nga." sabi ng isang lalaki. Isang gwapong lalaki. Pinayungan din niya ako. Ang bait naman niya.

"Te-teka, sino ka?"

"Adrian nga pala. I can be a friend. Pwede mo rin akong iyakan. Kung gusto mo, resbakan na rin natin yung nanakit sayo. Dapat iniingatan ang mga babae at minamahal. Hindi ginagawang ewan at hindi rin dapat sinasaktan. Ano nga pala pangalan mo?"

Sa totoo lang, nakakatuwa siya. Buti pa siya...

"Nicole nga pala. Nice meeting you, Adrian and thank you nga pala. Sorry ah kung pinapayungan mo ako ngayon.. Baka pagod ka na, okay lang sa akin kahit na wag mo na akong payungan.."

"Haha, okay lang, Nicole. Don't worry, kahit na mapagod ako, papayungan pa rin kita kesa naman mabasa ka ng ulan at magkasakit ka pa. Ayy, malapit nga pala ang bahay ko dito kung gusto mo doon na lang tayo para makaligo ka na rin at makapagpahinga. Pwede rin nating ituloy ang pag-uusap natin doon." sabi niya habang nakangiti.

"Naku, Adrian, nakakahiya eh. Masyado na kitang naabala. Okay lang ako."

"Basang-basa ka kaya! Anong okay ka diyan. Tara na. Baka gutom ka na rin. Kukulitan talaga kita hangga't di ka pumapayag." haha, ang cute naman niya.

"Sige na nga kesa kulitin mo naman ako. Nakakahiya kaya!" sabi ko ng pabiro.

"Tara!" tuwang-tuwa siya. para siyang bata. :)

Nandito na nga pala kami sa bahay niya. Ang laki. Mga mayayaman talaga.

"Asaan na yung mga magulang mo at yung mga kapatid mo kung meron man?" tanong ko sa kanya habang umiinom kami ng kape.

"Nasa London sila. Only child lang ako. Kahit na labag sa kalooban nila, pinayagan nila ako na magstay muna dito sa Pilipinas. Susunod naman din ako sa kanila pero matatagalan pa naman siguro."

"Wow, ang yaman niyo talaga noh. Ikaw na, haha."

"Eh, ikaw? Nasaan na yung mga iyo?"

"Only child lang naman din ako at nasa States sila kasama yung iba kong mga kamag-anak. Parehas lang naman tayo except na nasa London yung iyo habang nasa States naman yung akin."

"Ang astig naman. Parehas lang pala tayo. Para siguro tayo sa isa't isa, ano? sabi niya ng pabiro.

   Akala nga ko nga biro nga lang yun eh. Pero as time passes by, napatunayan ko na hindi yun biro. Nahulog kami sa isa't isa.

"Nicole, I know na baka di ka maniniwala pero you are my last and forever. Sana ako na rin ang last mo. I will always love you, Nicole."

"You'll be my last, this I promise you. I will always love you, Adrian."

|| END ||

||| Our experiences teach us how to cope up with our lives. Kahit anong gawin natin, masasaktan pa rin tayo pero kahit na ganun, it teaches us a lesson. Na hindi puro kasiyahan ang nararamdaman natin. Pero kahit na ganito ang buhay, makakaranas pa rin tayo ng kasiyahan pagkatapos lahat ng sakit. Matatagalan nga lang siguro pero it's worth the wait. Marami tayong matututunan. Pain can help us change for the better or for worse. Nasa sa atin lang yan kung ano ang pipiliin. Kung magpapaapekto ba tayo. Lahat naman may happy ending. Pero di natin agad agad mararamdaman yun. Wag ka agad susuko. |||

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promise Me that I'll be the Last | one-shot |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon