First Step: Chapter 1

10 0 0
                                    

"Okay floral models prepare na, kayo na ang next mga bakla!" ayan nanaman ang nakakakabang cue ni Mader, well technically bakla siya kaya 'mader' tawag namin sa kanya.

Nasa backstage ako with the other models na nakabihis ng floral tops, shoes, skirts, cardigans and iba pang klase ng damit basta floral.

"Oh my we're next in line, girl!" maarteng sabi ni Kianna na may kasunod na hampas pa sa balikat ko.

"Oh my I freakin' know coz Mader already announced that. Like, I'm not bingi kaya!" ginaya ko ang tono ng pananalita niya at automatic naman kaming nagtawanan.

Si Kianna Charlotte Pascua, KC for short. Isa sa mga tinuturin kong kapatid. Ever since grade school magkasama na kami niyan, business partners kasi ang parents namin so ayon. We're like twin sisters na rin, she's the OLDER sister tho. Hihi.

"Hoy mga dyosa are you making gaya my voice again?" biglang lumabas sa changing room si Mavy.

"We're not making gaya. You're too assumera my dear sissy." bumelat pa si Kianna bago ipagpatuloy ang paglalagay ng blush on sa pisngi niya.

"Hoy Kianna Charlotte rarampa tayo hindi tayo pupunta sa kids party. Tama na yang make up mo daig mo na coloring book!" saway ni Mavy at akmang aagawin ang blush on kay KC.

"Hoy Maureen Anriya Villamin di kita pinapakielaman ha! Mind your own business." magsasalita pa sana si Mavy pero naunahan siya ni KC at ipinagpatuloy niya ang speech niya.

"Oopsie, marami ka nga palang business, mind lang pala ang wala ka. Hihi. Sorry not sorry Mavy wavy." pa-cute na sabi ni KC.

"Ugh, what? Excuse me--"

"O bakit dadaan ka? Okay you may pass." banat ni KC at inurong pa talaga sa gilid ang upuan niya.

"Why you little brat come here!"

And guess what happened next. Ayon nag habulan silang dalawa nagkukurutan na parang mga bata. Haaayy, when will they grow up?

I was about to wear my 5 inches gray pumps when my phone started to ring. Syempre sinagot ko, maganda ako e.

"Jam, can I talk to you for a second?"

"I'll talk to you later Kuya. Kami na kasi susunod e. Sorry I'll hang up na okay?"

I ended the call. That was my brother, well he's 3 years older than me. Close kami ni Kuya, lahat naman kaming magkakapatid close e. Actually para kaming mag syota niyang ni Kuya. We're tooooo sweet kasi. Sweeter than sugar and honey. Hahaha!

"Si Jasper ba yon?" lumapit sakin si Mavy. Ultimate crush kasi ni Mavy si Kuya. Kaya nga minsan pag no choice ako bina-blackmail ko siya na sasabihin ko kay Kuya na crush siya ni Mavy pag di niya ko sinamahan mag mall. Hahaha! Di pa kasi alam ni Kuya e, sobrang magaling magtago ng secret 'tong Mavy wavy na 'to.

"Yiiiiieeeeee. Si Fafa Jasper tumawag kay lil sissy. Inggit naman si Mavy. Huhuhuhuhuhu." at kumuha pa si KC ng malaking milk tea at iniabot kay Mavy.

"Oh ano yan?" mataray na tanong ni Mavy habang tinitignan ang tea.

"BIG TEA. Bigtea ka na friend." tumawa kaming dalawa  ni KC kaso nakatunganga pa rin si Mavy sa tea na parang shunga.

"What? I don't get it. Why are you laughing anyway?"  sabi na di niya maintindihan e.

"It's just that you're beautiful and at the same time you're so tanga. Like sobrang tanga. Hahahahahaha!"

"What is beauty if your brain is empty?!" dagdag pa ni KC.

"Ugh. You're so mean. I hate you!!!" padabog na nag walk out si Mavy at nag apir kaming dalawa ni KC.

Asar talo kasi yan si Mavy e. Makikipag asaran tapos pg wala ng masabi idadaan sa pagdabog. Haha! Pero kahit na ganyan kami sa kanya, love na love namin siya. She's also my oh-so-called-sister. Kaming tatlong ramp models. Pinaka bata samin si Mavy at pinaka matanda si KC samin. Pero mas matangkad si Mavy ng 2 inches kay KC at sakin. Kadaya ng puberty.

"Okay girls line-up! You're ready to go na ba?" sigaw ni Mader habang nakatingin sa list of models sa may kaliwang kamay niya.

"Okay ang lahat ng tatawagin ko mag form ng bagong line okay?"

"Yes mader!" sagot naming mga models. Nag bulungan yung iba kung bakit daw may pakulo pang ganon si Mader. E kasi nakakailang fashion shows na kami ngayon lang siya nagpauso ng ganyan.

"What's with the 'other' line thingy?" bulong samin ni Mavy.

"Baka ihihiwalay lang ni Mader yung tatanga tanga sa matatalino. For sure una kang tatawagin Mavy."

"Ugh. Will you just shut up KC? Stop calling yourself." inirapan siya ni Mavy at ito namang si KC nag inarte at hinampas ang mala little mermaid niyang buhok kay Mavy. Kaso lang..

"Araayyy!" natumba si KC. Nakaiwas kasi 'tong si Mavy e, ayon na out of balance. May utak rin pala si Mav. Hahahaha!

"Ayan, tatanga tanga kasi alam mo namang nakaheels ka tapos gaganyn ganyan ka." natatawang sabi ni Mavy.

"Whip my hair back and forth pa ha?  Ng ma-out of balance ka ulit kung di ka naman kasi tatanga tanga e."

"Ugh just shut up and help me you morons!" Inextend niya yung dalawa niyang arms samin ni Mav. Syempre tinawanan muna namin siya bago namin tulungan. Nahawa sa pagkatanga ni Mavy. Tsk tsk. Ang viral ng katangahan nowadays no?

Nagulat na lang kami ng tawagin yung mga pangalan namin ni Mader. Pinapapila niya kami sa kabiang line. Kinakabahan kami dahil wala kaming kaalam-alam kung para saan ang 2nd line.

"Okay, sa mga napunta sa second line.."

Silence filled na place. Lahat kami kabado.

"You are no longer part of the temp models."

Nagkatinginan kaming lahat ng nasa 2nd line. I was about to ask why but then nagsalita si Mader.

"You are now part of my official models! Congratulations!"

Ang tahimik na backstage ay napalitan ng tilian at kasiyahan. I can't believe it! After 1 year of being a temporary model magiging official models na kami ng mga best friends ko! Like I can't even. Hahaha!

"Now girls get ready for the highlight of this year's fashion show! Give your 101% okay? Walk with attitude and rock your outfits!"

After that reminder, isa isa kaming pumila at nag ayos ng mga itsura. Shocks, nakaka tuwa talaga. Di pa rin ako makapaniwala sa narinig ko! I'm zooo happyyyyyy :')

Jasha Azrielle Mori, job well done. Keep it up!


A/N: Hello! So this is me writing this story after 4 years? Nakipag laban pa ako sa sarili ko just to make myself write again. I know medyo kinakalawang na ako but eventually babalik rin ako sa dati. Hahahah! Yes, akala ko nag move on sa break up at nawala ang dating sarili :)) Anyway, I just hope you like this story and don't hesitate to comment your suggestions/corrections. Enjoooy!

Please stay with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon