"Okay class,dismiss"
Kinuha ko na ang bag ko na medyo sira na dahil matagal ko na rin pinagtitiisan to simula pa nung elementary ko pa kasi to ginamit.Tinignan ko ang orasan at 4:30 na pala,siguradong magagalit na naman si Auntie neto hindi pa ako nakapaglinis ng bahay.Sa kanyang poder na niya ako nakatira matapos mamatay ang aking mga magulang noong 5 years old pa lang ako maaga ako natuto magbanat ng buto dahil malupit ang Auntie ko sa'kin,ginagawa akong maid nung gaga eh mukha namang basahan ng aming bintana na mukhang ilang dekada na hindi nililinis.
Paglabas ko ng eskwelahan ay halos magsitakbuhan ang mga tao para lang makasakay ng jeep habang ako relax lang dahil maglalakad lang naman ako eh kulang yung pera sinusweldo sakin bilang dishwasher sa karenderya ni Aling Monay na mukhang naglalakad na gasul dahil maliit sya at mataba.Bago kasi mawala sila mama lagi nilang advice sa akin na kailangan daw dapat honest ka.
Habang naglalakad may nadaanan akong lumang library,sayang may library sana rito malaki pa naman siya para walang mga pavovo rito sa lugar namin.Eh paano ba yan honest po ako,kaya ko sila natatawag na pavovo eh naglalagay ng dalawang pintuan sa mga bahay nila eh isa lang naman binubuksan.Aish.
Mabuti pa to dito kay Auntie na mukhang basahan ang mukha isa lang pintuan pero yung gate maliit mukhang matatalunan ko lang eh,pavovo rin pala si Auntie.
"Oh?!Ba't andyan ka pa babae?!Maglinis ka na doon!!Palagi mo nalang ako pinapasigaw!Sinisira mo lang beauty ko!"
"Try nyo wag sumigaw baka hindi masira beauty niyo,ay mali pala sira na pala-----"
"Anong sabi mo?!"
"Ang sabi ko po try nyong wag sumigaw baka hi----"
"Aba't inulit mo pa!!"
"Pinaulit mo po kasi ako"
"NAPAKAPILOSOPO MO!ABA'T!!HINDI KA KAKAIN NG ISANG LINGGO DAHIL SA GINAWA MO!"
"Mamamatay ata ako nyan auntie"
"Aba't!Oo talaga!"
"Dapat St.Peter auntie ha?"Hi not sponsored nga pala.
"MAGLINIS KA NA NGA DOON!!"
Aish.Minsan na nga lang ako mag request buti nalang talaga at bumili ako ng pastil kanina may kakainin pa ako mamaya.Kinuha ko na ang basahan,walis at dustpan at sinimulan ng maglinis.
××
Natapos rin sa wakas.Magluluto pa ako ng hapunan nila,eh hindi marunong magluto ang mga kagwang.Kumuha ako ng embutido at hiniwa at pagkatapos ay niluto ng bonggang bongga."Mabuti at nakaluto kana.Hala!Sige!Punta kana sa kwarto mo dahil wala kang hapunan!,Alice!Anak kain na!"
"Maya na!Nagtitiktok pa ako!"
"Okay!Titirahan kita!Para LANG to sayo!"
"O!!"
Luh.Wala talaga akong lavut kung di mo ko bigyan tumaba ka sana para parehas kayo ni Aling Monay.Kinuha ko ang pastil sa bag ko at sinimulan ang paglamon.Nagtoothbrush ako pagkatapos at naghilamos syempre may skin care ako no,di parehas sa dalawang yun mukhang mga lapok.
××
♪Pag pinakikinggan ko mga kantang sinulat mo♪
Gi atay masyado uy!Ba't ba kasi di marunong gumising ng maaga ang mga kagwang na yun.Alas 4 palang pero mulat na mulat na ako mga dzae.Nagluto ako ng itlog pagkatapos nagluto rin ako ng ham nagsinangag na rin ako dahil may tirang kanin pa kagabi.Naligo na ako at nag prepare na ayaw ko kasing malate di katulad ng anak ng kagwang tulog mantika.
Bahala na sila dyan.Mag-aalas 5 pa ng umaga pero papasok na ako ang aga pa mga dzae.
"Psst!"
Luh.Sabi ni Jungkook wag daw tayo lilingon pag may sumutsot kasi 'I'm a lady not a dog' ayan gentleman kasi ang birada ng Jungkook natin diba?.
"PSSSSSSTTTTT!!!!"
Jusko santimaan!Panabangi!Maniwala na talaga ako na maligno sumusotsot.
"Ate"
"JUSKO SANTIMAAN!!PITO KA GINOO SA KALANGITAN PANABANGI!!"
"Ay?"
Aish.Batang pulubi lang pala,infairness sa batang to ah ang cute nya.
"Ay hehe.Ano yun?"
"Sama ka sakin dali"
"Luh---"
××