Dinala ako ng bata sa loob ng lumang library.Marami pang libro dito maalikabok nga lang.Kumuha siya ng tela at naglatag sa sahig tapos ay pumasok sya sa isang kwarto na hindi ko alam kung ano ang nasa loob.Paglabas nya ay may dala-dala siyang pagkain at baso na sa tingin ko ay kape ang laman dahil sa amoy nito.
"Di ka pa kumakain diba?Heto oh"
"Sa'n to galing?"
"Prinepara ko yan.Wag ka na madaming tanong kumain ka na lang."
Makapagsalita to ah?.Baka may lason to?. Di bale kakain nalang ako,mabuti pa siya ang bait.Teka ano bang pangal-----
"Ako si Grout"
"Luh?Nagtanong ba ko?"
"Oo"
Nababasa niya ba iniisip ko?.Aish.
Nang matapos na akong kumain ay ininom ko na ang kape.Kinuha ko ang bag ko atsaka tumayo.
"Goodluck ate!"Pagkatapos ay ngumiti.
Ang weird niya ah?,Meh mabait naman.Ilang lakad lang at nakarating na ako sa school.Wala pa gaanong estudyante rito kaya umupo ako sa ilalim ng puno at kinuha ang aking sketchpad saka nagdrawing.
"Uy!Ano yan?!"
"Hoy!Ibalik mo nga sakin yan!!"
"Pano kung ayaw ko?"
"Binabalaan kita"
"AH?GANON AH?"
Tinapon ng kupal ang sketchpad ko sa bubong.AISH!!PUCHAK!UMULAN PA NAMAN KAGABI!!.Galit ko siyang tinignan at lumapit ako sa kanya at sinuntok siya sa mukha,natumba siya sa ginawa ko.Tatayo na sana siya nang sinipa ko ang betlog niya.Yan buti nga sayong anemal ka.Manigas ka jan.
××
"Ms.Harper Velez?Can I have a word with you?"Tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng room.Sinenyasan ako ni ma'am na sumunod sa kanya.
Principal's Office?
Pumasok kami at nandoon yung lalaki kanina kasama ang parents niya and nandoon rin si Auntie ko na mukhang basahan na kagwang na galit na napatingin sa akin.Sinenyasan ako ni ma'am na umupo.
"Nagreklamo itong lalaki dahil sinuntok mo raw siya.Is that true Ms.Velez?"
"Opo,pero di ko naman po siya susuntukin kung hindi niya kinuha ang sketchpad ko at tinapon sa bubong eh"
"Luh?Bakit may proweba ka ba ha?Diba wala?!"
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang bata kanina sa library,kumpara kanina nakauniform ito at naka glasses naka ayos rin ang buhok nito at pang nerd talaga ang datingan.
"Sir this kid approached me,nakita niya raw ang pangyayari kanina"
"Is that true young man?"
"Opo,nakita ko po na kinuha po nung kuya ang sketchpad ni ate tas tinapon sa bubong"
"Okay so wag po tayong kampante dahil pareho kayong dalawa na maglilinis.Ikaw Ms.Velez sa art studio at ikaw naman sa boys comfort room for 1 week.That's your punishment.Dismiss."
Gulat pa rin ako sa nangyayari kasi sino namang hindi kung yung batang pulubi naging estudyante?At ang linis niya pa tignan ah?.
Nakalabas na kami ng principal's office at galit pa rin akong tinitignan ni Auntie.Tinignan ko yung bata tas kinindatan niya ako pagkatapos ay umalis.
"Ba't mo siya sinuntok?"
"Eh yun na----"
"Alam mo bang customer ko yung parents non?!Eh pano kung di na yun bibili ng mga products ko?!EDI IKAW MAY KASALANAN?!SA KALSADA KA MATUTULOG MAMAYA!!O HETO MGA GAMIT MO!"
"Teka,parang sumusobra na ata kayo ah?"
"Che!Bwisit!"
Lakompake sayuuuu mukha ka paring basahan at mabaho parin hininga mooooo may pasigaw-sigaw ka pa?Aba pakyuoooww!.Antende mo rin eh no?!.Mabuti nalang talaga at art studio lang sa akin at sa lalaking yon ang cr.BWAHAHAHAHAHA!!
××
Uwian na at maglilinis pa ako sa art studio buti nalang at di ko na makikita ang mukha ng mga kagwang.Ay may sumulpot na kagwang."HOY!Ba't mo sinuntok si Chokie mah bebe kow?!Ang kapal rin pala ng mukha mo!Mabuti nalang at pinaalis ka ni Mommy!Hmph!"
Tumalikod na sya pero ay ang kagwang may pahabol.Binuhusan niya lang naman ako ng pintura,mabuti nalang at di nasama bag ko.
"O ayan!Mahilig ka sa mga ganyan diba?!Sige lasapin mo ang obra ko!BWAHAHAHAHAHA!!"
Pagkatapos non ay tumalikod na siya.Sa'n ko naman lalabhan to?Eh pinalayas na nga ako eh.Maglilinis pa ako sa art studio.Aish.
××
Matapos kong maglinis sa studio ay nandito ako sa kalsada dala-dala ang bag ko.Ang bigat na ang dumi ko pa tignan tapos nagugutom na rin ako.Tunganga lang ako dito nang may nakita akong sapatos sa harapan ko tumingala ako at bumungad sa akin ang bata kanina,si Grout."Hi ate,tara po!"
Hinila niya ako papasok sa library.Sinindihan niya ang lampara at inilagay sa gitna ng mesa,nilagay ko ang mga dala ko sa sahig tapos umupo.Lumabas si Grout galing sa kanilang kusina ata?Yung sinabi ko kanina na kwarto,may dala-dala siyang pagkain.Lumabas pa ang isang Grout-----Teka isang GROUT?!Ba't dalawang Grout to?!Siya yung pulubi kanina ah?Infairness ha?Luminis siya.
"Nagtataka ka po ata?Ahh alam ko na,ako si Groub at itong naka jacket ay si Grout.And oo kambal kami"
"Kaya pala.Ako nga pala si Harper"
"Alam namin"
"Ah tama nga pala,kanina sa principal's office"
"Hindi,matagal na namin alam"
"Luh?Stalker?"
"Di ah.Assumera"
"Ang harsh mo sa kanya Grout"
"Tsk."
"Ilang taon na ba kayo?"
"294"
"Ahh 294-----ANO?!294!?PAPANO?!LUH WAG AKO LOKOHIN NIYO AH,AMBABATA NIYO PA MASAMA MAGSINUNGALING"
"Luh totoo naman ah"
"Grout!"
"Eh!Kapagod na dito Groub!90 years na natin hinahanap ang Brushero!Kapagod na!Ideretsahan na natin to!"
"Teka!Ang gulo!Paano?Brushero?Ano yun?Tsaka...90 years?"
"Harper.."
"Sabihin mo na Groub!"
"Ikaw ang Brushero,ikaw ang magliligtas sa aming taga Obracemetia laban kay Chaser na gustong kunin ang Brush ng Obracemetia na siyang puso ng aming kaharian at IKAW ang itinakda na maging Brushero namin"
"At 90 years ka na naming hinahanap dito sa mundo niyong mga Mortal.Sumama ka sa amin para matapos na ang kaguluhan"
Di ko na alam ang sunod na nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko.
××
Hi po!Ang pag pronounce nga pala ng Groub at Grout ay; GR-AW-B at GR-AW-T di po GROOT AT GROOB.Hehe!Yun lang po!Please vote and add this book to your library thank you!