Jamaica's POV
"HELLO! MAICA PWEDE BANG PUNTA KA NAMAN SA SP HOSPITAL NANDITO KASI KAMI NI PAULEEN EH! PLEASE NGAYON NA!! BYE"-sabi sakin ni Paul ano kaya nangyari dun hindi naman yun tumatawag sakin eh! tapos kinakabahan pa ako, kaya nagmadali akong pumunta sa garahe pinaandar ko agad yung motor wala ng paapaalam ngayon sanay na sila sakin eh! pagdating ko sa hospital nakita ko si Paul sa may E.R nakatayo paikot-ikot sa ng pinto
"Paul anong nangyari?, nasan si Pau"-tanong ko agad sa kanya
"nag tangka syang mag suicide eh!"-sabi nya naman
"ANO.. O_O hindi nya yun magagawa Paul wag ka naman magbiro oh! hindi ka nakakatuwa eh!"-sabi ko naman sa kanya
"nagawa nya na Maica wala na tayong magagawa hintayin na lang natin yung doctor"-sabi nya naman sakin, pero bakit? bakit naman gagawin yun ng bestfriend ko bato yun minsan eh!
"bakit hindi pa ba lumalabas yung doctor?"-tanong ko sa kanya umalis muna ako pumunta akong chapel para magdasal
"lord wag mo pong papabayaan si Pauleen mahal na mahal ko po yun eh!, hindi ko kayang mabuhay ng wala yun hindi ko po kakayanin dahil buong buhay ko nandyan sya sa tabi ko para damayan ako sa lahat ng problema at pagsubok na binigay mo, (sniff) tapos bigla mo na lang po syang kukunin, lord wag po muna hindi pa po ako nakakabawi(sniff) sa kabutihan na ipinamalas ni Pauleen, lord bigyan mo pa po sya ng second chance please!!, lord kahit ngayon lang po pagbigyan mo po ako (sniff), alam ko pong kinakausap lang po kita pag may gantong pangyayari, lord kahit ngayon lang po(sniff)"-sabi ko naman
"Jamaica tama na yang kakaiyak mo jan"-sabi ni Lex kasama yung iba kong ka group lahat sila nandito
"Lex nakakainis si lord (sniff) kung kailan maayos na ang lahat (sniff) kailan pa maiisipang magpakamatay ng bruhang yun (sniff) diba pwedeng magpakamatay sya pag malapit na talaga syang madedo (sniff)"-sabi ko habang nakayakap ako kay Lex
"Jamaica wag ka ng magalit kay lord dininig na ni lord yung request mo kahit hindi ka pa tapos magdasal"-sabi nya naman
"TALAGA!! nasan na sya halika na puntahan na natin bilis"-hila ko sa kanya
"nice, parang wala kami sa likod nyo, kayo lang ang nag uusap"-sabi naman nila
"sorry nadala lang ng emotion, tara na punta na tayo sa room ni Pau"-sabi ko naman sa kanila, bago ako lumabas na chapel sumigaw muna ako ng THANK YOU LORD
"Paul ano daw ang nangyari kay pauleen"-tanong ni Marianne sa kanya
"sabi ng doctor kaya nya nagawa yun dahil sa lungkot, tapos inatake sya ng sakit nya dahil sa amoy nung kwarto"-sabi ni Paul kay Marianne
"oh! tapos ano kinalaman nun sa pag susuicide nya"-tanong naman ni Marianne sa kanya
"ito na wait mo lang masyado kang excited eh!, umiinom sya ng gamot kaso yung gamot na nainom nya matagal ng expired tapos kailangan isa lang ang iinomin nya kaso ang ininom nya 7 piraso kaya ayan nandito sya ngayon"-sabi naman ni Paul
"ah! eh! tanga din yang kapatid mo hindi marunong magbilang eh!"-sabi naman ni Marianne nakakatuwa silang mag usap
"Paul ano sabi ng doctor pwede na daw ba syang umuwi bukas"-tanong ko naman
"hindi ko pa alam Jamaica eh! tinitingnan pa yung result sa dugo nya kung may natira pang poison na nakuha sa gamot"-sabi nya naman
"ah! sige umuwi na muna kayo ako na lang ang magbabantay sa kanya"-sabi ko naman sa kanila
"sige, dalaw na lang kaming lahat bukas"-sabi nila at umalis na
"Jamaica sigurado kang ikaw na mababantay kay Pau"-tanong sakin ni Paul
"oo sige na umalis ka na tatawagan na lang kita kung may balita na"-sabi ko naman sa kanya
"sige alis na ako"-sabi nya naman hindi na ako nagsalita pa kasi lumabas na ng pinto si Paul, naglakad-lakad muna ako sa loob ng kwarto ng hospital nalala ko yung sinabi ni bestfriend sakin na about sa arranged marriage pero diko alam kung kanino at sino, sabi nya kasi saka ko na malalaman kung aatras sya o yung lalaki ang aatras kung hindi naman ako daw ang bridesmaid nya kasi maganda daw ako kaya ganun hahaha....
"Maica, UY! MAI..CA"-sabi ni Paul
"oh! nandyan ka pala diba umalis kana"-sabi ko naman sa kanya bakit kaya to bumalik to
"ito oh! kumain kana muna baka malipasan ka ng kain, mapagalitan pa ako ng mama mo, sya nga pala tumawag sya kanina sa phone ni pauleen sinabi ko na rin sa kanya na nandito ka"-sabi nya,pero isa lang yung tanong ko pero ang dami nyang sinabi
"ah! okay thank you sa pagkain"-sabi ko naman wala na akong masabi eh!
"sige bye! alis na ako"-sabi nya naman
"hindi ka ba kakain muna"-tanong ko sa kanya
"baka kulang sayo yan eh!"-sabi nya naman
"mag thank you ka na lang kaya no! hindi yung nang-aasar ka pa"-sabi ko naman sa kanya
"oo na, anu ba yang binili ko"-tanong nya naman abnormal talaga to
"ikaw ba ang bumili nito o nagpadeliver ka lang"-tanong ko naman sa kanya habang tinatanggal ko yung pagkain sa plastic
"oo na nagpadeliver ako kanina pa"-sabi nya naman
"kahit kaylan talaga hindi ka bumibili ng pagkain pag alam mong ikaw lang ang kakain"-sabi ko naman ganyan talaga sya dati pa hindi na talaga siguro magbabago yan
"oo na sorry na po halika na nga kumain na lang tayo uuwi pa ako eh!"-sabi nya naman sabay kain na ng kain
"hay! ewan ko sayo sige na mauna ka ng kumain bibili lang ako ng softdrinks"-sabi ko naman sa kanya tsaka na ako lumabas, pero bago pa ako makalabas nakakita ako ng lalaki na nakasilip sa pintuan pero nung nakita nyang palabas ako umalis din agad hindi ko na tuloy kung ano ang pangalan nya lagi akong nakakita ng lalaking sumusunod samin ewan ko ba pero iba yung feeling ko sa sumusunod na yan samin parang gusto ko silang kausapin pero pagnakikita nila akong nakatingin sa kanila nagmamadali na silang umalis, wala naman akong nakakahawang sakit, maganda naman ako at mabait pa.
"excuse me, kilala mo ba yung lalaking nakasalubong mo kanina"-tanong ko dun sa nurse na nakita ko nung paglabas ko
"sory po ma'am pero hindi ko po yun kilala eh!"-sabi naman nya
"okay lang, thank you"-sabi ko naman at tiningnan ko pa yung lalaki pero ang bilis nyang nawala
"sige po ma'am"-sabi nya, hindi na lang ako sumagot dumiretso na lang ako sa labas para bumili ng softdrinks, pagdating ko
sa ministop nakita ko ulit yung lalaki na nakita ko sa hospital kaya dahan-dahan akong lumapit para makita ko kung sino pero umalis din agad nakakainis naman eh! bakit ba iniiwasan nila ako, panget ba ako, bakit????
AUTHOR NOTE
ayan guys madami na yan ha! thanks sa lahat
BINABASA MO ANG
Mr.Maniac married Ms.Gangster
RomanceAno kaya ang mangyayari sa dalawang tao na kinasal dahil lang sa paghihigantihan ano kaya ang magyayari sa kanila kung mag kaiba sila ng mundong nakasanayan maiinlove kaya sila sa isa't isa pano kung dahil sa mga pagkakamali nila ay marealize na lan...