MPS101

38 0 0
                                    

MPS101

My Professor

Ang sarap talagang maglakad sa beach! A peaceful afternoon. White sand. Seashells in the shore. Cool wind that is slightly blowing my gorgeous floral dress. My oh-so-pretty straw hat, with a red ribbon, that I'm holding cause it might also be blown away. My flipflops-less feet. What more can I ask for?

Ah! I see. A man that I love so much walking by my side.

Well, I really could not ask for more because I already have that. In fact, he's holding my hand right now. He's looking straight ahead when I stared at him. In just a few seconds, he noticed me staring at him so he lowered his gaze at me. Then he innocently smiled! That one-in-a-million smile that I can't trade to anything.

"Why are you staring at me?", He asked.

"Masama? Ang gwapo mo kasi eh!" I cheerfully replied. "Try mo kayang magpapangit?" Sabay kurot sa pisngi nya.

He frowned. "Bakit ako magpapapangit? Wag na. Baka iwan mo pa ko."

Pinisil nya ang ilong ko which is very natural to him. Pangganti nya pag pinipisil ko ang pisngi nya.

"Aray!" Tinabig ko ang kamay nya. "Which is never gonna happen."

Ngumiti sya muli sa akin. "Swear to God?"

"Swear to God!" I smiled back.

He faced me then I caught a clear view of his perfect face. We stared at each other with a smile on our faces.

I'm so lucky to have him in my life. A gorgeous and intelligent boyfriend. My one and only man. My professor in Accounting. YES. I'm inlove with my PROFESSOR. Mr. Santi Lee.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Teka. Bakit parang umingay? At unti-unting nawawala sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Sir? Paglipas ng bawat segundo ay napapalitan iyon ng pagkunot ng noo at simangot.

Napabalikwas ako kasabay ng pagtayo. Napatingin ako sa paligid ko at narealize kong nasa classroom pala ako. Tumatawa ang mga hayop kong kaklase habang kinakabahan ako.

I slept in class. AGAIN! Shit! Now where is HE?

Naramdaman kong may mainit na awra sa likod ko at parang nakatitig ito sa akin. Lumingon ako ng sobrang bagal habang nagdadasal sa utak ko ng kung anu-anong dasal para sa sitwasyon ko ngayon.

Pagkaharap ko ay di parin ako natinag sa itsura nya. Kahit na ang sama ng tingin nya sakin, na para bang makakapatay sya ng tao, humahanga parin ako sa kakisigan nya. Wala eh. Mas gwapo talaga sya pag galit!

"What did I said, repeatedly, when you slept last time in this class?" Naka-kunot noo parin sya nang itinanong nya yan sakin.

Pero what-the-hell! He still looks perfect! In my eyes, perhaps.

Pero kahit na ganun, natatakot parin ako sa presensya nya. Hello! Nakakaintimidate kaya sya!

"Y-you'll kick my a-ass off of this c-class?" Nangangatog kong sagot.

He smirked! "And?"

"A-and you'll never want to see my face a-a-again?"

"EXACTLY!!!"

Nagulat ako nang hinampas nya ang desk ko. Kung may sakit lang ako sa puso, baka nagcollapse na ko dun!

"So, ano pang ginagawa mo? Get out!!" Inilapit nya ang mukha nya sakin at halos 3 inches nalang ang layo nito sa mukha ko. "Or you still want me to kick you outside?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Professor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon