Danger 1

3 1 0
                                    

I was studying in my room when I first saw him.

Nasa tapat ng bintana ko ang bintana ng kwarto nya.

Napanganga ako ng bigla nyang hubarin ang suot nyang puting t-shirt. Tumambad sa akin ang mala adonis nyang katawan. Binilang ko pa sa isipan ko kung ilang abs ang meron sya.

Natampal ko bigla ang sarili ko.

Kailan pa ako naging manyak?

Napasimangot ako. Sino ba ang lalaking to? Bigla bigla nalang magpapakita sa harapan ko tapos maghuhubad pa ng damit ng walang pasintabi.

Padabog akong lumapit sa bintana para isara yun at mapagtuonan ko ng pansin ang pag-aaral.

Napatingin ulit ako sa gawi ng lalaki. Nakatingin din sya sakin at may bahid ng ngiti ang mga labi nya. Sinimangutan ko sya at marahas na sinarado ang bintana ko.

Halos mag-iisang oras na rin akong nag-aaral at tila nawala na sa isipan ko ang lalaking yun ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Y/N, bumaba kana kakain na tayo. Tsaka magbihis ka ng maayos may bisita tayo ngayon."

Masiglang sabi ni Mama. Natigilan ako. Tinitigan ko ang sarili sa salamin.
Nakasuot ako ng jogging pants na kulay pula at malaking t-shirt na kulay itim. Inayos ko pa ang eye glasses ko at tinirintas ang mahaba kong buhok.

Nang sa tingin ko ay maayos na ang sarili ko ay bumaba na ako at nagtungo sa dinning table namin.

May isang babaeng kaedad marahil ni Mama ang nakaupo doon at may kasama syang lalaki.

Nanglaki ang mata ko ng makitang ang lalaking yun ay lalaki kanina sa may bintana. Nakangiti sya sakin na para bang nakapainosente nyang bata.

"Y/N halika kana dito kakain na tayo." yaya ni Mama.

Mabilis akong naupos sa lamesa kung saan nakaupo sa harapan ko ang lalaki.

"Naku Y/N. Ito ang Tita Nely mo. Bestfriend ko yan noong high school kami. Nagulat nga ako kanina na nakasalubong ko sya at sila pala yung bagong lipat sa kabilang bahay." tuwang tuwa si Mama. Nginitian ko si Tita Nely na nakangiti rin sakin.

"Ako din naman nagulat. Akalain mo after so many years magkikita pa tayo."

"Paano ba naman pumunta kang korea at doon na nakapagasawa. At ito nga pala ang kaisa isang anak nya si Jungkook. Jungkook nga ba iho?" tanong ni Mama sa nakakabatang lalaki.

"Opo." nakangiti nyang sagot kay Mama.

"Ito pala si Y/N, anak ko." pakilala ni Mama.

"N-nice to meet you." sabi ko.

"Same." sabi nya sabay ngisi. Nangunot ang noo ko. Ako lang ba ang nakakita noon or nagiimagine lang ako ng mga bagay bagay.

Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay marami akong nalaman tungkol sa kanya.

Mas bata sya sakin ng dalawang taon. Nasa 4th year college na ako ngayon samantalang sya ay nasa 2nd year college.

Pero kung ikukumpara sa kanya ako pa ata ang magmumukhang mas bata dahil sa maliit na nga ako pandak pa. Minsan nga napagaakala pa nilang highschool student pa lang ako.

"Deans lister lagi tong si Y/N. Tsaka marami syang achievements sa school. Sa ngayon sya ang supreme student President sa school nila."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Pilit na inayos ang eye glasses ko.

Proud ako sa mga achievements ko at plano ko pang madagdagan yun bago ako gumaduate next year.

Dahil sa pagiging competitive ko ay lahat ng gusto kong makamit nakukuha ko.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon