Sabi nya ayaw nya sa babaeng maingay, pala mura, mahilig makipagbarkada at may bisyo. In short ayaw nya sakin.
Kim Namjoon.
Matagal ko na syang gusto since highschool palang kami pero kahit kailan ay hindi nya ako pinansin .
Hindi pa sya nagkaroon ng girlfriend dahil mas importante sa kanya ang pag-aaral.
Palagi akong nagpapapansin sa kanya. Minsan nga tinutukso na ako ng mga barkada kong abnormal ako dahil bakit sya pa daw ang nagustohan ko eh napakalayo namin sa isa't-isa.
Matalino sya, bopols ako.
Talented sya, ako parang sa pagkain lang may talent. Kung talent bang matatawag yun.
Kinagigiliwan sya ng lahat samantalang ako kung di kinaiinisan ay galit naman ang karamihan sakin.
Pero may isang bagay naman kaming magkapareho. Gwapo sya at ako maganda. Paano ko nalaman? Sabi ng Mama ko at syempre bukod pa doon ay yun din ang sinasabi ng mga manliligaw ko.
Mga manliligaw kasi marami sila.
I love the attentions they giving me and I love the game.
I love toying them and breaking their heart in the process. Kaya maraming galit sakin eh. Mostly, mga babae at minsan mga bakla dahil daw inagaw ko mga boyfriends nila or inakit ko ang mga crush nila.
I don't care. Kasalanan ko bang
But everything changed when I met him.
Aminado ako. Nacutetan na ako sa kanya dati pero ayaw kong aminin sa sarili ko yun dahil nga alam ko din namang malabo yun kasi magkaiba kami ng pananaw at magakaiba ng ugali.
Pero narealize ko talaga na nahulog na ako sa kanya noong minsang nahuli nya akong naninigarilyo sa likod ng school kasama ang mga barkada ko.
Sya ang president ng student counsil at sya pa mismo ang nakahuli sa amin. Nagsitakbohan ang mga kasama ko pero ako naabutan nya kasi nga nasa likod na pala sya ng sitahin nya kami.
"Let go of me." mataray kong sabi.
"Alam mong bawal ang ginagawa mo." malamig nyang sabi sa likod ko habang hawak pa rin ang mga braso ko.
"I don't f***ing care. Anong gagawin mo? Isusumbong ako sa principal? Ipapatawag ang parents ko? Tsss. Sinayang mo lang oras mo kasi wala namang silang pake sakin." galit kong sagot. Sa pagpupumiglas ko ay nasagi ko ang salamin nya. Nalaglag yung sa lupa. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit namangha ako ng lubosan sa mukha nya. Bakit hindi ako nainform na napakagwapo nya pala sa malapitan lalo na pag wala syang salamin??
Naramdaman kong napabuntong hinga sya. Binitawan nya ang braso ko. Agad akong lumayo sa kanya at sinipat ang braso kong medyo namula. Pinulot nya ang nalaglag nyang salamin.
Nagulat ako ng lumapit sya sakin at tila gustong hawakan ang blazer ko.
Sh*t! May pagkamanyak pala ang isang to!? Kahit gwapo ka sasapakin pa rin kita pagpinagtangkaan mo ako.
Sisigaw na sana ako ng mabilis nyang hinablot mula sa bulsa ng blazer ko ang isang pakete ng sigarilyo.
"Go. May next subject ka pa diba? "
Natulala ako sa sinabi nya. Hindi nya ba ako isusumbong sa principal? Anong nangyari? Did I missed something?
Bago pa ako makasagot ay tumalikod na sya at naglakad palayo pero bago pa sya nakalayo ng lubosan ay ay nagsalita na naman sya.
" Pagnahuli pa kita ulit sa principal kana magpapaliwanag."
I was stunned. Ewan ko kung bakit pero sa mga oras na yun bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Euphoria
HorrorTagalog Short stories and the main characters are BTS. <3 P. S some parts may contain mature scenes that is not suitable to readers below 18.