Warning: Pagpasensyahan. Hindi po Filipino/Tagalog ang mother tongue ko. XD***
Dahil sa Isang Kabit
Hiwaga ng pag-ibig.
Habambuhay na pagmamahalan.
Happy ever after.
Si Jessa ay naniniwala sa hiwaga ng pag-ibig, sa habambuhay na pagmamahalan, at happy ever after.
Ang kanyang mga magulang ang dahilan kung bakit matibay ang kanyang pananalig sa tinatawag na “pag-ibig”.
***
Dalawang taon niligawan ni Mang Serge si Aling VIvian bago ito napasagot, bukod pa iyon sa mahigit sampung taon ng kanilang pagkakaibigan buhat ng pagiging magkababata. Apat na taon naging magkasintahan bago ikinasal at ipanganak si Jessa ng kanyang ina.
Tama. Nasa “teenage years” pa lamang si Aling Vivian noong ipinagbuntis niya si Jessa. Katatapos lang nila ni Mang Serge ng hayskul noon. Nagsisimula pa lamang sila bumuo ng mga pangarap sa buhay. Ngunit pinanindigan ng mga ito ang naging bunga ng kanilang pagiging mapusok. Hindi tinakasan ni Mang Serge si Aling Vivian at pinakasalan bago pa man lumaki ang tiyan nito. Nagsama sila at bumukod sa kanilang mga magulang upang magsimula ng sariling buhay. Bagamat mahirap, kinaya nila ang mga pagsubok. Itinuloy ni Mang Serge ang pag-aaral ng kolehiyo kasabay ng pagtatrabaho sa iba’t ibang maliliit na establisimiento habang pinagbubuntis ni Aling Vivian ang panganay. Bumalik sa pag-aaral si Aling Vivian noong naipanganak na si Jessa. Nakayanan nilang mag-asawa ang hirap ng buhay ng maagang pag-aasawa. At ika nga, the rest is history. Isa nang empleyado ng gobyerno ang ama ni Jessa, guro naman ang kanyang ina, at mayroon na siyang dalawang nakababatang kapatid.
***
Noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ng kanyang mga magulang ang ika-20 taon ng anibersaryo ng kanilang kasal. Sa dinami-rami ng mga napagdaanang problema at nalagpasang mga pagsubok ng kanyang mga magulang, ang kwento ng pag-ibig ng mga ito ang, para kay Jessa, isang perpektong halimbawa ng hiwaga ng pag-ibig, habambuhay na pagmamahalan, at happy ever after.
***
Ngunit ang paniniwala ni Jessa sa tinatawag na “pag-ibig” ay nangambang magunaw. Pebrero ng may natuklasan siyang tuluyang nakapagpabago sa pagtingin niya sa ama.
Noong papunta siya sa paaralan ay dumaan muna siya sa isang tindahan ng mga bulaklak upang bilhan ng isang palumpon ng rosas ang kanyang mga magulang dahil Valentine’s Day noong araw na iyon. Noong nakasakay siya sa taxi ay nakita niya ang kanyang ama sa kalapit na restawran. Pinara niya ang taxi, bumaba roon at akmang papasok sa loob ng naturang kainan nang mapansin niyang may kasama ang ama. Hindi ang kanyang ina o mga kapatid. Isang babaeng may tuwid at maitim na buhok hanggang balikat at may suot na salamin na nakapatong sa buhok nito. Suot nito ang bulaklakin at walang manggas na pang itaas at kulay itim na pantalon na hapit sa kanyang mga mahahabang binti. Kung tatantyahin ay mga limang taon lamang ang pagitan ng edad niya at ng naturang babae.
Ang ama ni Jessa ay nakasuot ng uniporme ng kanilang opisina kaya naisip ni Jessa na hindi nito katrabaho ang babaeng kasama. Sigurado rin siyang hindi ito kaibigan ng ama dahil wala namang magkaibigan ang nagbubulungan at naghahagikgikan habang magkahawak ang mga kamay.

BINABASA MO ANG
Dahil sa Isang Kabit (One-shot)
Truyện NgắnHiwaga ng pag-ibig. Habambuhay na pagmamahalan. Happy ever after.