prologue

10 3 0
                                    

Tumingala ako sa kalangitan at kasabay noon ang pag hipan ng hangin sa aking uniporme kong palda, hanggang ngayon di parin ako nag sasawa sa aking nakikita kahit na halos ilang taon na akong dumadaan dito pauwi sa amin

I'm on my way into our house, at nakita ko si Tatay na nag lalakad habang suot ang kaniyang uniporme patungo sa aming bahay.

Mukhang masaya siya?

Kaya naman agad akong nag madali sa pag lalakad dahil sa curious ako sa ibabalita ni Tatay

"Inay nandito na po ako"

May narinig ako na may nag uusap sa aming maliit na kusina kaya doon ako dumeretso, at tama nga ako nandoon nga ang aking mga magulang

"Talaga? Mukhang masaya yan, kailangan ko na atang bumili ng magandang maiisusuot ng ating mga anak para bukas" Ani ni Nanay

Dahil sa kuryusidad ko tinaning ko siya

"Nanay ano pong meron?"

"Anak! Nandiyan ka na pala"

Nag lakad ako patungo kina Nanay at agad nag mano

"Tutal at sabado naman bukas ay sumama kayo ng kapatid mo sa palengke sa nanay nyo" sabi ni tatay

"Bakit po?"

"Inaanyayahan lahat ng trabahador sa Casa De Fuentes na isama ang kanikanilang pamilya sa Christmas Party na magaganap sa isang araw anak, kaya naman kailangan nating makabili ng maayos na damit nakakahiya naman kung mag mumukha tayong basahan doon anak" sabi ni Nanay

Sa pag kakaalala  ko ang Casa De Fuentes ay ang lugar kung saan nag t-trabaho si Tatay para mabuhay kami ni Nanay at ng kapatid ko, isa itong resort ngunit ang alam ko ay hindi lang ito resort.

Nang sapat na ang nalaman ko ay nag punta na ako sa silid namin ng kapatid kong Wael, lumapit ako sa kapatid kong naka upo sa higaan namin habang nag kukulay at hinalikan ko siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti

"Ate! Tignan moo! Hindi na ako lagpas lagpas mag kulay!" Sabi ng kapatid kong Grade 2

Agad na may sumilay na ngiti sa aking labi ng mapag tanto ko na mukhang magiging matalino itong kapatid ko, kitang kita sa kanya kung pano siya mag pursigi sa pag aaral kahit na sa ikalawang baitan lamang siya

Naalala ko na may assignment nga pala ako, kaya inilabas ko ang aking lapis at ang pang grade 4 kong papel

Oo, grade 4 palang ako pero marami na akong alam sa buhay. Mahirap lang kami at trabahador lang si Tatay sa sikat na Beach Resort dito sa El Puerto at sapat lang ang kinikita ni Tatay na pang taguyod sa amin araw araw. Parehas kami na sa pam publikong paaralan ni Wael kaya naman wala na kaming masyadong binabayaran sa paaralan.

Sabado bukas at maaari kong gawin ang aking assignment bukas o sa isang araw pero gusto kong tumulong kay Nanay sa gawaing bahay.

Kinabukasan, pumunta kami ni Nanay sa Palengke at pumili ng mura pero maganda na damit. Napili ni Nanay ang isang dress? Maganda siya kulay puting spaghetti strap dress na may mga disenyong bulaklak pababa sa dulo

Kay Wael naman ay Cargo Shorts na pambata at polo shirt. Mura lang ang mga damit namin pero maganda

"Isla! Paniguradong ang gaganda at ang g-gwapo nyo bukas!" Sabi ni Nanay habang nakangiti, napangiti nalang din ako sa walang dahilan.

Ano kayang itsura ng pinag t-trabahuhan ni Tatay? Alam kong resort iyon at paniguradong maganda ngunit, ano bang itsura ng resort? At bukas sa unang pag kakataon makikita ko na din ito. Maganda kaya iyon?

Sumapit ang kinabukasan at suot na namin ni Wael ang pinamili namin ni Nanay sa palengke kahapon. Ang ganda nitong bestida na napili namin ni Nanay sa akin! Bagay na bagay sa maputi kong balat. Kay Wael naman ay bagay na bagay rin

Trail Of Her Dreams | Fuentes Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon