Pag uwi ko sa bahay nakita ko sila mom and dad na masayang nagkwekwentuhan, may company kami sa Manila at nakaleave sila ngayon.
Kinabukasan.....
Ang aga ko nagising ngayon kasi nga maaga ako natulog kagabi, lagi kasi akong nagbababad sa laptop at sa phone ko kaka Wattpad, YouTube, Facebook and Messenger hehe. Bago ako maligo manonood muna ko ng Music Videos ng IV Of Spades hehe pampasigla ko hihi Labyu Tita Zild.
Pagkatapos ko maligo at magbihis, bumaba na ako sa kitchen nakita ko si Mom, siya ung nag prepare ng breakfast ko yieee kilig naman ako.
Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay mom and dad, then sumakay na ako sa car ko. Binilan ako nila Dad ng car kasi nga nag rank 1 ako nung first frading at with high honors pa ayie naman diba, tas nag hire din sila ng driver ko.
Pagdating ko sa school ay dumiretso na agad ako sa room, tas nakita ko si Dave, nakita den niya ko, bff ko na kaya siya haha dahil don sa nangyari sa first day diba, sabi niya sabay na daw kame pumuntang room.
Magkatabi paren kami hanggang ngayon sa room, ayaw daw niya magpalipat, gusto niya daw akong katabe dahek ewan ko dun baket ayaw nya magpalipat pft.
May bago na den akong kaibigan parehas din silang bago dito ni Dave transferee kumbaga. Siya si Maven Diaz, sabay kami laging magrecess at maglunch pati na den umuwi pero hanggang labas lang kasi may kotse den siya at dun siya sumasakay, mayaman den kasi sila.
At nung recess na ay nagpunta kami sa Main Canteen, madami kasing tao dito sa canteen na malapit sa amin, dun kasi sa Main Canteen ay maluwang at madaming tindera kaya maaasikaso ka nila agad.
Pagkatapos naming magrecess ay dumeretso na kami sa room, at kinuha na ang aming notebook dahil pupunta na kami sa next subject namin, sa computer room kami nag ru-room, lagi kaming pumupunta don pag time na ni Maam, pag may activity, gagamitin namin ung computer, pwede din dung mag search online.
Pagkatapos ng time namin sa subject na un ay babalik na kami sa room, pero dahil nga may pag ka shonga ang lola niyo, muntikan na akong masubsob sa lupa dahil natalisod ako sa bato wtf buti nalang nasalo ako ni Dave kasi nasa harapan ko siya tapos sakto humarap siya sa likod dahil kinalabit siya nung kaibigan niya.
At nung uwian na ay bumili muna kami ni Maven sa labas ng fishball at hatdog hehe favorite namin un tapos lagi na kaming kumakain sa labas pag wala pa ung mga sundo namen, pagkatapos naming kumain ay bumili naman kaming palamig sa akin ay Mango at sa kanya naman ay Gulaman. Maya maya lang ay dumating na ang sundo niya pero sa akin ay wala pa, nauna na siya at ako naman ay nakaupo lang dito sa bench sa labas nang may biglang tumabi sa akin at si Dave pala iyon. Naka pag usap lang kami ng mga ilang minuto dahil maya maya lang ay dumating na den ang pinakahihintay kong sundo haha nag paalam na ako sa kanya na mauuna na ko.
Pagdating ko sa bahay ay umakyat na agad ako sa room ko dahil umalis daw sila mom and dad. Nung nakahiga na ako sa kama ko ay nakaramdam ako ng antok kaya nakatulog ako. Nagising ako ng 11 PM, hindi na din ako kumain kasi tinatamad ako bumaba kaya nag laptop nalang ako at pag bukas ko sa Messenger ay nagchat pala sa akin si Dave at tinuloy namin ang pag uusap namin. 3 AM na nung sinabi niyang matutulog na siya dahil inaantok na daw siya, ako din naman pero mamaya pa ako matutulog dahil 8 pa ang pasok namin kaya gigising nalang ako ng 7 AM haha.