Pawisan mula sa kanilang soccer practice, naunang bumalik sa clubroom si Ravi upang makaligo at makabihis. Dala ang kaniyang maliit na puting tuwalya ay naglakad siya pabalik habang pinupunasan niya ang kaniyang basang buhok.
Sikat sa kanilang paaralan si Ravi dahil sa taglay na kagwapuhan at galing nito sa paglalaro ng soccer, kaya habang naglalakad siya pabalik sa kanilang clubroom ay panay ang sulyap at tili ng mga kababaihan.
"Hi Ravi!"
"Ang bango mo kahit pawisan ka, hihihi."
"Ang galing mo talaga maglaro, Ravi."
Komento ng mga babae.
Katulad ng kaniyang nakasanayan ay nginingitian niya lang ang mga ito at ang iba ay kinikindatan niya pa. Hindi kasi siya snob.
Nang marating niya ang clubroom ay kataka-takang hindi nakalock ang seradura. Ang alam niya'y palagi iyon nilolock ng kanilang coach bago magsimula ang kanilang practice.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Madilim ng silid, ngunit dahil sa nakabukas na pinto ay nakapasok ang katiting na liwanag mula sa paalubog pa lang na araw.
Natulos siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang isang babaeng nakatayo sa gitna ng silid.
Agad niyang nakilala ang babaeng iyon dahil sa maikli nitong buhok at sa kakaibang aura na inilalabas nito.
Masamang tingin ang ibinibigay ng babaeng iyon at mas lalong sumama nang banggitin niya ang pangalan.
"Andrea."
Sa isang kisapmata'y nawala si Andrea ag mabilis na natunton ang kaniyang pwesto. Naramdaman niya ang mainit nitong kamay sa kaniyang suot na jersey saka itinulak siya nito nang malakas sa dingding malapit sa kanya.
Napadaing siya dahil sa gulat, ngunit kinalaunan ay napatawa ng mahina. Dumiin tuloy ang pagkakahawak sa kaniya ng babae na agad nagpatigil sa kaniyang pagtawa.
"I am warning you, Mr.
Sotomayor. Huwag mo akong haharangan sa ginagawa ko."Mababa ngunit madiin ang pagkakasabi nito na tila nagpipigil ng emosyon.
Napataas naman ng kamay si Ravi na parang sumusuko sa pulis. Nakapaskil pa rin sa mukha nito ang tuwa na tila naaliw siya sa nangyayari sa kaniya ngayon.
"Bakit ako titigil, Ands?" Pang uuyam niya sa babaeng umaabot lamang sa kanyang tenga ang tangkad. Sa katunayan ay namamangha siya sa taglay nitong kalakasan at kaangasan. Akalain nitong sa tangkad niya'y nagawa siyang maitulak sa dingding.
"Ang lakas mo naman, Ands." Komento niya pa.
"Stop calling me that. Hindi tayo close kaya huwag mo akong gagawan ng mga pangalan!" She hissed.
Ravi chuckled again. Hindi niya talaga makuha ang takbo ng isip ng babaeng kaharap niya.
Hindi niya maisip kung bakit sa kaniyang kaibigan pa ito mukhang nagkagusto, hindi sa kaniya na halos dumugin na ng mga babae kanina.
Isang masamang tingin ang nagpatigil kay Ravi na tumawa. Binitawan naman ni Andie ang jersey niya at mabilis na lumayo.
Tumatama tuloy ang liwanag sa mga mata nitong kulay dark grey.
"May gusto ka ba sa kanya, Ands? Bakit kailangang kaibiganin mo siya at—"
"I told you to stop meddling with my business!"
"Bakit nga, Ands? May gusto ka ba sa kanya o balak mo ba siyang—"
"Do you really want to know?"
BINABASA MO ANG
His Enigmatic Schoolmate
Teen FictionShe was a spy in training, at kabilang sa kaniyang misyon ang pumasok sa isang paaralan, kaibiganin ang isang lalaki saka alamin mula rito ang kaniyang pakay. Magawa kaya niya ang kaniyang misyon kung may isang asungot na pumipigil sa kaniya? Copy...