"This is the second time, Kade." Ani Sylver na nakahalukipkip sa gilid. Nagpasundo siya kay Sylver mula sa paaralan kanina at agad siyang dinala sa condo. Naroroon na pala si Suxy na inaayos ang mga gadgets na dala nito.
"I know." Binatukan naman siya ni Suxy na abala sa paglalagay ng cooling bandage sa kaniyang namamagang hita.
Loris Sux Bataglia, Filipino-Taiwanese, ang tech specialist at sniper sa kanilang tatlo. Ito ang madalas nagkakampo sa tuktok ng isang gusali habang ginagabayan silang dalawa ni Sylver sa mga target nila sa pamamagitan ng high-end comms na ito mismo ang gumawa.
"I know, i know ka pa diyan. Bakit hindi mo kaagad sinabi?"
"I lost the techs Sux." Bumuntong hininga siya.
Kasalukuyan siyang nasa condo kasama ang buong grupo na kinabibilangan ni Sylver at Suxy. Tinawagan niya ang dalawa gamit ang telepono ni Ravi Sotomayor upang masundo siya at mapag usapan ang mga mangyayari sa kaarawan ng kanilang pakay.
Speaking of..
Umiling siya. Pinipilit niyang kalimutan na lang niya ang ginawang kahihiyan sa kaniya ng asungot na iyon. Hindi niya talaga inaasahan ang galaw nito, at dahil doon ay mukhang tinraydor siya ng katawan at isipan sa mga oras na iyon.
"Done." Tumayo na si Suxy matapos nitong asikasuhin ang binti niya. She mumbled a soft thank you.
Nilapitan naman siya ni Sylver na kanina'y naka-krus lang ang mga braso habang tinitignan silang dalawa.
"You really okay?" His hands reach up to her neck, and she can't help but to freeze up.
Napansin iyon ni Sylver kaya agad niyang pinigilan ang kamay. Napahinga naman siya ng maluwag.
"Sorry." Lumayo ito at kinuha ang isang bote ng tubig at ibinigay sa kaniya.
Tumango lamang siya.
She can't bear it when someone is touching her. Her body will automatically move to block, stop or freeze up when someone reach up to touch her.
And she can't help but to name it her father's curse.
Inilabas ni Sylver ang isang communication device na hugis bilog. Pinindot nito ang gitna saka ipinatong sa sahig.
"The boss wants to talk to us." Sa pagkakasabi niya'y lumitaw ang hologram ng isang nakatayong lalaking nakamaskara.
The founders, also known as The Bosses have their identity hidden from them. Sa ilalim nila'y ang mga tinatawag na Head, sila ang madalas na nagbibigay sa kanila ng mga misyon, kahit hindi pa sila ganap na espiya.
There are five bosses in total, overseeing the world's activities and issues. At kapag ang problema ng isang bansa ay hindi na kaya solusyunan ng gobyerno nito ay saka pa lamang sila manghihimasok.
They are an anonymous intelligence group afterall.
Sabay-sabay naman silang tumayo at iniyuko ang ulo bilang pagbibigay galang.
"At ease, children." Agad nila itong tinugon at piniling tignan ang hologram.
"I will personally give you your permissions regarding this case. I've deployed thousands of spies everywhere since the sales of the drugs by the Rodriguez sky-rocketed. Many people are suffering right now, and the government of the victims needed assistance. I have no other spies to deploy for this matter but you, Alphas. As usual, only neutralize the enemies. This will be your final test. Good luck."
Agad na naglaho ang hologram, kasabay ng paghinga ni Suxy ng maluwag.
"He gives off that kind of aura, kahit sa hologram lang. That's scary." Komento ni Suxy.
![](https://img.wattpad.com/cover/185392219-288-k182417.jpg)
BINABASA MO ANG
His Enigmatic Schoolmate
Novela JuvenilShe was a spy in training, at kabilang sa kaniyang misyon ang pumasok sa isang paaralan, kaibiganin ang isang lalaki saka alamin mula rito ang kaniyang pakay. Magawa kaya niya ang kaniyang misyon kung may isang asungot na pumipigil sa kaniya? Copy...