"When I look into your eyes
It's like watching the night sky""And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are"Ang mga bahagi ng awit na nagpapa alaala sa akin, ang mga tanong na kung saan ba ako nagkulang.
"I am tired of your tactics. Ayoko ng niloloko ninyo ako ni Jake sa mga tactics mo and I hope that you move on and please do not send me messages anymore".
Ang kahuli hulihang message, na pumutol sa isang magandang relasyon. Nagdulot ng pilat, matapos humilom ang sugat.
Bakit kinakailangan tayong masaktan at magwakas ang lahat, kahit anong pag iingat ang ating gawin sa pag handle ng isang relationship,
***Give me a minute
To read the stars
Lamenting in their stories
Their laboured twinkling far and sparse"Naniniwala ka ba sa ibig sabihin ng mga bituin, ang kahulugan nito sa bawat ikot ng ating buhay".
Pabulong niyang nasabi habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalaliman ng gabi.
Siya si Melissa, sa unang araw naming nagkakila, at magkasama sa work na aking pinapasukan.
Masayahin, makuwento, kalog, maganda at balingkinitan, ngunit may pagka tomboy kung kumilos.
"Do you smoke"?
"Stress lang ako, at sigarilyo lang katapat nito. Breath in breathing out lang, parang ganoon"Patuloy nya habang nakatingin sa kalayuan, sa mga bituin ng nagbibigay kulay sa kalaliman ng gabi.
Matagal na akong tumigil sa paninigarilyo, at kung hindi ako nagkakamali, 3 years na rin siguro yung last na nanigarilyo ako.
"Wala kasi ako, puwedeng pakibili" habang iniaabot sa akin ang $20.
Hindi ko na tinanggap ang pera, lumabas ako at bumili ng bilin niyang menthol cigarette.
"Tanggapin mo ito, mahirap kitain ang pera at hindi napupulot. Ang bawat cents na aking kinikita ay pinagsisinupan ko, hindi ako maluho tulad ng iba".
May pagka pranka ang babaeng ito, napapangiti na lamang ako habang nakikinig sa pangaral nya.
"Matanong nga kita, Ilokana ka ba?
Pabiro kong tanong, "dahil yan ang motto nila"."Masuwerte ang makapag asawa ng Ilokana, dahil lahat ng kikitain mo ay mapupunta sa maganda at tama"
Pagmamayabang pa niya."Engage ka na ba? What i mean is kung may asawa kana".
Matapos kong tanungin, humarap siya sa akin at nagtama ang aming tingin. Bumawi siya at humugot ng upuan.
"May boyfriend ako, isang banyaga. May edad na siya at matagal na rin naman kaming nagsasama"
Wala pa akong nasasabi, sinundan na agad ito ng mga katagang ikinagulat ko.
"Ayaw ko ng pumatol sa mga pinoy, liligawan at bobolahin ka tapos sex lang pala ang gusto".
"Meron nga akong nakilala, super bait at maalalahanin. Tapos nalaman ko may asawa pala, so ano ang gusto nya,,,,,di ba sex lang".
Pambihirang babae itong si Melissa, sobra. Unang araw pa lang naming nagkausap, wala ng preno ang mga sinasabi. Para bang napakatibay niya, na kaya niyang harapin ang lahat ng pagsubok sa pananalita niya. May dalawampung taon na raw silang nagsasama, niyaya na raw siyang pakasalan nito ngunit siya lang ang umaayaw.
Nang sumunod naming pagkikita sa trabaho, sinalubong niya ako ng isang ngiti.
"Kuya kumusta na?
Nabigla ako, dahil halos 4 na taon lamang ang pagitan ng aming edad. Sabi ko sa sarili ko, okey lang. sasakyan ko na lamang ang kanyang trip.
Lumapit sya sa kitchen. at sumilip sa niluluto kong adobo para sa dinner. Maging ang mga banyaga ay sanay ng kumain ng lutong Pinoy, lalo na ang chicken adobo.
"Ang bango ng niluluto mo, paborito kong ulam yan. Minsan magluluto ako ng pinakbet, para matikman mo naman yung pinagmamalaki ng mga ilokana".
Sa pagdating ng hapon, kaming dalawa na lamang ang naiiwan sa aming work. Matapos naming maghapunan at sa ibang gawain. Kami ay tumuloy muli sa balkonahe, upang bumalik na naman sa dati kong bisyo, ang paninigarilyo. Sinabayan ko na rin sya, habang kami ay nagpapahinga.
"Maa ari ba akong magtanong, kasi parang na puzzle ako sa sinabi mo kahapon. Siguro may dahilan kang iba kung bakit ka namumuhi sa mga Pinoy".
Sa batang edad, nasa kolehiyo pa lamang sya ng unang umibig. Hindi biniyayaan ng anak, nagkahiwalay at hindi na muling nagkita.
"May minahal ako, kababata ko siya at iisang baryo ang aming inuuwian. Tumigil ako sa aking pag aaral, upang sumama sa kanya. Ngunit ano ang napala ko, saktan sa tuwing magseselos siya sa akin. Kaya ng makakuha ako ng pagkakataon, nangibang bansa ako bago ako tumuloy dito sa North America".
"Maraming hirap na rin ang dinanas ko, ang suportahan ang aking pamilya. Minsan pagod na rin ako, at nais ko rin namang maging masaya. Mababaw lang naman ang pangarap ko, Yung may magyaya sa aking magpakasal, yun bang mahal ko".
"Sayang! Kung binata sana ako, liligawan kita at pakakasalan kahit saang simbahan".
Tumingin sya sa akin, na para bang inaalam kung seryoso ako sa sinabi ko. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit ko nabanggit yon, sinundan ko pa ng "seryoso talaga ako, kung binata lang ako liligawan kita. At para malaman mo ring hindi lahat ng Pinoy katulad ng iniisip mo"
Naging malapit kami sa isa't isa, palitan ng message ng walang halong malisya, at doon nga naging serious ang friendship namin. Kahit nalipat sya sa ibang branch, patuloy pa rin ang communication namin. minsan bago pumasok, dumadaan muna kami sa park, nag kukuwentuhan habang inuubos ang oras.
"Naniwala ka ba sa nagpaparamdam? Dahil ng huli akong nagbakasyon sa Pilipinas, pinasyalan ko ang puntod ng aking asawa. Habang nagdarasal ako at humihingi na rin ng sign ng pagpapatawad sa pag iwan ko sa kanya. May isang puting paru paro na umaligid sa akin, gusto ko lamang malaman ang ibig sabihin nito"
"Kung ako ang tatanungin mo, maa aring pinalaya ka na niya sa mga gumugulo sa isipan mo. At naniniwala ako na gusto rin niyang lumigaya ka".
"Punta ka sa grocery bukas, yung malapit sa inyo, mura kasi ang gulay doon. magluluto ako ng pinakbet. Narito ang listahan at pera, kunin mo yung resibo at ibalik mo yung sukli"
Napangiti ako at nasabi ko na lang sa sarili ko...si manang biday, kuripot lukano.
Kinabukasan;
Idinaan nya sa aking pinapasukan ang ulam, bago siya tumuloy sa kanyang work.
"Nagustuhan mo ba yung ulam na niluto ko?"
Habang binabasa ko ang message nya, nang may napansin ako sa upuan.
"Oo naman, masarap at hindi na nga ako nagkanin. Naiwan mo nga pala yung lipstick mo rito"
"Pinakbit pa lang yan, hayaan mo sa susunod iluluto kita ng nilaga. Idaan mo na lang dito yung lipstick, sa totoo lang sinadya kong iwanan yan para dumaan ka rito, dahil may ikukuwento ako sa yo. Dalhan mo nga pala tuloy ako ng dalawang stick ng smoke".
To be continued.
Part 2 : "Approaching Though"
BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You
RomanceAt some point, we have to realize that someone can stay in our heart, but not in our life.