"Narito na yung lipstick mo. Alam mo, you look younger at your age mula ng naglagay ka ng lipstick, at bagay sa yo ang kulay pula"
Habang inaabot ko ang bilin niyang sigarilyo, at matapos nyang magsindi ng isa.
"Akalain mo bang, pinatulan ni Lolita si Jake"
Si Jake ay isang lesbian at si Lolita naman ay matagal ng hiwalay sa asawa, pareho silang kasama ni Melissa sa branch.
"Wala naman sigurong problema, lalo na kung mahal nila ang isa't isa"
"Anong walang problema, paano na yung fiannce ni Jake na ini apply nya papunta rito"
Habang panay ang scroll ng kanyang cp.
"Maganda ba ako sa picture kong ito"?
Iniharap sa akin ang hawak na phone, at ipinakita na rin ang isang tambak na solo picture niya.
Gusto ko kasi gawing profile sa FB".
"Nice, ang ganda mo riyan"
"Paano nga pala mag transfer ng music o picture sa desktop, puno na kasi itong phone ko".
" Kung gusto mo ng madali at mabilis, download mo ang Airmore".
Iniabot sa akin ang phone,
"Ikaw na kaya ang mag download, hindi naman kasi ako masyadong marunong sa cp".
Pagka abot ko, "anong password mo"?
"7586"
Nabigla ako, hindi ko rin alam kung bakit ko nakuha agad ang acronyms nito. Sabagay dati ko nang ginagamit na password ang pangalan at apelyido ko, ngunit ito ba ay pagkakataon lang o sinadyang gawin. Sa madaling salita, ang mga numerong ito ay katumbas ang bilang ng pangalan namin.
Hindi na ako nagtanong, dahil baka ma offend ko sya. Ginawa ko na lamang ang hiling niya, at ituro kung paano ito gamitin.
Nagpaalam na rin ako, dahil lumalalim na ang gabi.
"Goodnight! Ingat "
Tumalikod at tinungo ang pintuan, lumingon sya ng sumagot ako ng,
"Goodnight rin sa yo"
Pagdating ko ng bahay, nag beep ang aking phone. Pinadalhan nya ako ng picture na may kalakip na,
"Kuha yan ngayon gabi, bago ako mag meditate. Yan yung room ko sa may attic"
"Ibig mong sabihin, separate kayo ng room".
"Matagal na, parang companionship na lang kami at isa pa lasengo sya. Pag nalalasing maingay at sumisigaw, kaya minabuti ko na lang na magsolo. Sige na, gusto ko ng magpahinga, matulog ka na rin".
"Sabagay, ala una na ng madaling araw "
At tinapos ng isang goodnight ang mahabang conversation.
"Sobra namang maglampungan sina Lolita at Jake. I think Jake will gets thru someone heart mess thru sex".
"Hindi naman siguro siya ganoon , dahil bago lang ang relationship nila kaya matamis pa. Ang problema baka langgamin sila, Lol".
Ang sagot ko sa message nya, habang busy ako sa paghahanda ng dinner ng mga client. Kung minsan hindi mo alintana ang mga bagay na maa aring pumutol sa abalang oras, ang mahalaga ay yung iparating ang presence mo sa isang kaibigan sa pamamagitan ng pagsagot sa message nya.
Habang binabasa ko ang bago nyang message, iniisip ko kung bakit naging negative ang iniisip nya sa dalawa. Bakit hindi ang maganda at successful relationship, yung sana maging maganda ang resulta sa pasya ni Jake, yung ipagpalit nya ang dalaga nyang fiance sa isang hiwalay sa asawa.

BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You
RomanceAt some point, we have to realize that someone can stay in our heart, but not in our life.