"Okay ka rin ano,,, tinotoo mo naman yung sinabi ko sa yo"
Nakasimangot na salubong ni Melissa ng magkita kami sa park kinabukasan.
"Siguro type mo rin yung tomboy na yon, kaya pinatulan mo! Tulad ka rin ng iba na walang alam kundi sex, hindi man lang
i-consider yung damdamin ng iba"."Pwede ba akong magpaliwanag"?
Nanlulumong sagot ko sa kanya.
Tumayo siya mula sa kinauupuan, at umalis ng walang paalam.
Tumuloy na rin ako sa work, at bago ako magsimula nag message ako.
"Hi" pasimula ko.
"No more messages from you. I am done with you. And leave me alone for good"
One week na hindi kami nag-usap, nawalan na rin ako lakas ng loob na mag message sa kanya. Gulong gulo ang isipan ko, at hindi ko alam kung paano ko malulusutan ang problemang ito
Minsan na mapasyal ako sa dating tagpuan namin, halos mapangalahati ko ang isang pakete ng sigarlyo sa tindi ng stress na inabot ko.
Wala akong maisip na paraan, upang makausap at makapagpaliwanag sa kanya. Hindi ko pa siya gaanong kilala, at ang mga katagang sinabi nya sa akin ang gumugulo sa isipan ko; na kaya nyang baguhin ang buhay ko. Noong una ay binaliwala ko ito, ngunit ngayon ay parang isang malaking katanungan, o isang pagsubok.
Pagkalipas ng tatlumpung minuto, nagpasya akong umalis at tumuloy na sa trabaho ko. Hapang binabagtas ko ang daan patungo sa aking kotse, nakita kong paparating ang sasakyan ni Melissa. Nagkatitigan kami, ngunit bigla siyang bumawi at humanap ng parking spot. Tumayo ako sa harapan ng sasakyan ko, at humarap sa kinalulugaran nya. Naghintay akong bumaba siya at lumingon sa akin. Bigo ako, nanatili sya sa loob, kaya minabuti kong umalis na lamang.
Pagkarating ko sa trabaho, nag send ako ng message sa kanya,
"Gusto ko sanang lumapit sa iyo sa park, ngunit naunahan ako ng takot; na baka galit ka pa sa akin, at mapahiya lang ako".
Lumipas muli ang ilang araw na hindi nya sinasagot ang aking text, minabuti ko rin na lumayo kay Jake.
Gulong gulo na ang isip ko, parang may kulang sa akin. Siguro miss ko sya, yung kakulitan nya, yung mga bagay na nagpapasaya sa akin sa tuwing kasama ko sya.
Halos araw araw at kada oras ay tinitingnan ko kung message sya. Sign seen sa fb nya, gamit ko ang ibang account, dahil naka block na pati ang phone ko.
Isang araw, naisipan kong mag message.
"May nakalimutan ka"
Biglang nag beep ang phone ko, dali dali kong tiningnan. Nabigla ako, dahil sumagot sya' sa message ko.
"Ano yon!!"
"Sorry sa mga nangyari"
"Hindi mo kailangang mag sorry at magpaliwanag, ano yung naiwan ko"
Na tila may sama pa ng loob na itinatagong sagot sa tanong ko.
"Wala kang nalimutan, iyon ang naisip kong paraan para mag kausap tayo".
"Okey, bakit nga ba ako magagalit. Kung si Jake lang ang dahilan. Sino ba sya, isang lousy na lesbian, na babae raw sya".
"Pwede ba akong magpaliwanag, at gusto ko ring malaman kung ano ang narinig mo kay Jake"
Hindi niya sinagot ang tanong ko,
"Hindi ko nga pala naikuwento sa yo, na tomboy ako"
Nabigla ako sa naging sagot niya, ginawa ko pa ring magpaliwanag, ngunit hindi ko na nagawang i send ang message. Tuloy tuloy na ang pag tunog ng aking phone, at humahahabol ako sa pagbasa sa bawat padala niyang mensahe.
"Kung si Jake lang, walang sinabi sa akin yan."
"Nung bata ako, may crush ako noon, Lorna ang pangalan nya"
"Iniyakan ko nga ang paghihiwalay namin, hinanap ko sya' ngunit hindi ko na nakita. Galit na galit nga si mommy ng malaman na tomboy ako"
"Lumaki ako ng puro lalaki ang kapatid ko, pareho ang interest tulad ng kalaruan at mga barkada"
"Hanggang sa nakilala ko ang first boyfriend at partner ko, na hindi nga naging successful. Mula noon ay hindi na ako naging seryoso sa lalaki, dahil mapagsamantala at sex lang ang gusto"
"Hindi naman lahat ng lalaki at Pilipino ay ganoon, mayroon pa namang matino at tapat"
Pagputol ko sa mga text nya, parang hindi kapani paniwala ang lahat ng message nya. Bakit ngayon lang nya sinasabi ang mga ito.
Inisa-isa nyang binanggit ang mga pangalan ng mga babaing ka trabaho namin,
"Si Loida gusto ko sya', type ko yung katawan nya, sexy"
"Si Cristine ang laki ng boobs nya, wow!
Para maputol ko ang message nya, at hindi ko rin alam kung nagseselos na ako.
"I love you" ang singit ko.
"Si Fe, nung una palang, may gusto na ako sa kanya"
"I Love You", muli kong sagot.
Hindi man lang sya' nagre react, at patuloy sa pag susulat.
" Si Jake, dambuhala. Kung liligawan ko si Lolita, siguradong makukuha ko"
" Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Gusto ko kasing malaman kung ano talaga ang dahilan kung bakit mo ginagawa ito sa akin"
"I don't like your attitude, para kang 12 years old kid. Kung hindi ka naturuan ng parents mo, I'll change your stupid behaviour"
"Sorry"
Na puzzle na ako, parang ang layo na ng nararating nang conversation. Wala ng linaw, at gulong gulo na ako. Matapos kong mag sorry, pinutol na niya ang aming usapan.
Sa araw ding iyon, na assigned si Jake sa aming branch bilang isang casual staff. Ipinaliwanag ko sa kanya angnangyari.
"Dadaan ako roon mamaya, dahil isasabay ko na si Lolita pag uwi. Kakausain ko siya at magpapliwanag"
Nanlulumong sagot ni Jake, hindi ko na siya tinanong kung paano ang pagkakasabi nya kay Melissa. Ayoko ko na kasing lumaki pa ang problema, at may tiwala naman ako sa kanya. Nagbilin na lamang ako, isang peace offering.
"Kung ganoon, dalhan mo ng sigarilyo. Siguradong stress na stress na sya'.
Bago matapos ang shift ko, may natanggap akong message mula kay Melissa.
"I am tired of your tactics. Ayoko ng niloloko ninyo ako ni Jake sa mga tactics mo and I hope that you move on and please do not send me messages anymore".
Ang kahuli hulihang message, naka block na ako sa Facebook at messaging . Kahit anong paraan at pakiusap ko, hindi na sya' sumagot, Hindi na rin natuloy ang planong bakasyon, instead na magka ayos kami. Nag file sya ng sexual harassment, ikinagulat ko ito ng kausapin ako ng aming manager.
Hindi makapaniwala ang aming manager, dahil ng tanungin nya ito kung hinawakan ko ang ano mang parte ng katawan nya, kung mayroong sexual invitation na nangyari. Wala at hindi ko naman daw ginawa ang mga iyon.
Panay ang apology ni Jake, halos gulong gulo siya sa pagpapaliwanag. Wala naman siyang idinagdag, ang pag-selosin at alamin lamang kung mahal rin niya ako, ang kanyang ginawa.
Minabuti ko na lang manahimik kahit ano mang masasakit na salita ang aking naririnig, lumayo at iwasan na lang siya ang dapat kung gawin. I really hate my self, not her. For all those stress na ibinigay ko sa kanya, hindi na ako umaasang maibabalik muli ang isang magandang relasyon.
Maa-aring mahal nya ako, at iyon ang tanging dahilan na naisip nya, upang mamunhi ako sa kanya.
Malaki ang ginawa niyang pagbabago sa buhay ko, kung ano man iyon, tanging panahon at pagkakataon ang dahilan.
The end
BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You
RomanceAt some point, we have to realize that someone can stay in our heart, but not in our life.