panimula?

23 1 0
                                    

Ang sumunod na programa ay R-18 reader's who are eighteen yrs. Old and above are allowed to read.

Kung mapilit Ka Bala Ka jan

Opening

Black screen

Playing: I love penny sue piano version

Transition: wedge

Narrator
(Mr. Gus Abalegas voice)

One day isang araw presents
"Chosuey Empire"

Fade smoothly

Patuloy pa rin tumutugtog Ang musikang I love penny sue sa background habang pinapakita Ang mga babaeng aristokrata na naka-postura
habang nakaupo at masayang nagts-tsa-a sa malawak na Hardin na Puno ng mga makukulay at mababangong orchids samantala
Ang kanilang mga tagapagsilbi ay naka stand by sa gilid.

Unti-unting magzo-zoom out. Makikita Ang kabuuan Ng engrandeng ancestral house. Ang malaking fountain na nasa harap Ng manor, horse stable, tubuhan,palayan
At Ang polluted na dagat dahil sa mga
Pabrika/pagawaan.

(Aerial view Ng hacienda)

Match cut

EXT. CityScape. Tanghali

Playing: unleash to the top instrumental

Agad na magzo-zoom in sa isang mataas na modernong building na yari sa super silver glass. Sa loob nito to be exactly sa 49th floor ay makikita Ang isang babae na abala sa pagre-review at pagpirma ng dokumento. Inayos niya kaagad Ang kanyang eyeglasses ng may kumatok.
Tumikhim Lang Ito atsaka pumasok Ang sexytarya niya este secretary at kaagad na inabot nito sa amo ang puting folder na may tatak na classified.

Pagkabasa pa Lang ng first page agad na umasim Ang kanyang mukha na ikinatayo ng balahibo ng secretary.
Tumayo Ito sa kanyang pinakamamahal na swivel chair.
Doon mo lang mapapansin Ang magandang kurba na nakatago sa itim nitong corporate attire na binagayan ng kanyang pale complexion at chinky eyes na minana sa kanyang ina na may lahing intsik.

Sumisigaw talaga Ng pawer Ang kanyang get up with matching red lipstick, palibhasa tricenarian na. Pabagsak na isinirado niya ang double leaf door Ng kanyang opisina.

Magzo-zoom in sa pangalang

Ms. Pecunia exousia ocampo
Vice president

Match cut

INT. HOSPITAL.HAPON

Internship is the most rewarding experience in life of a practitioner.
It promotes self growth and you'll
Encounter critical real world situation.

Naantala Ang kanyang pagsusulat sa kanyang diary ng tawagin Siya Ng kanyang kasama. Inayos niya ang pagkakalagay ng kanyang ID at dali-daling pumunta SA psychiatric ward ng hospital.
Binati niya ang kanyang supervisor saka tiningnan Ang pasyenteng natutulog sa reclining chair may IV na nakakabit dito. Inabot sa kanya ng supervisor Ang profile Ng patient.

Doktor

(Seryosong nakatingin sa pasyente)

I'd like you to study the case of ms. Chen. Observe and make a report regarding her condition and don't forget to write down on the last page your own analysis.
After this we'll have a round.

Playing: ship and the globe

Habang naririnig Ang music ay ipapakita Ang mga mukha Ng iba't-ibang pasyenteng naroon. May nagwawala,nasa lounge area/recreational area, kumakain sa canteen, pinapainom ng gamot, nasa observation room, at mga doktor na nakasuot ng lab coat na nagr-rounds animo'y mga kapanalig ni boy abunda dahil sa Hindi maubusan ng tanong.

Match cut

INT.HIGH END CLUB SAMWER.GABI

Playing: upbeat music

Busy Ang lahat sa pagindayog at paglaklak ng mga mamahaling alak. Meron pangang-nag-m-make out sa pool at Kada sulok ng club. From lavish decor up to furniture and dashing night club equipments Hindi mo aakalaing Ang luxurious nightclub na Ito ay lungga Pala ng mga wild na anak mayaman ng Alta sociedad.

Zoom in

Sa babaeng wavy Bob Ang buhok na nakasuot ng lace crop top at naka-fitted skirt. Bagay na bagay sa nasira niyang mascara kakaiyak Ng mahuli niyang may kalampungang lalaki Ang kanyang fiancè.

Oo confirm. Bakla Ang kanyang fiancè parehas nilang type Ang mga boylets.

Fiancè

Hon- I'm sorry
(Sabay hawak sa kamay ng babae ngunit nabigo Ito)

Karat

K-kailan pa?

(Napahawak sa dibdib sapagkat Di kinayanan ng ate niyo Ang sakit dulot Ng kataksilan ng kanyang soon to be husband)

Fiancè

(Napayuko at Di makapagsalita)

Karat

(Deadly stares)

BE FREAKING HONEST WITH ME!!
Kailan Ka pa naging Bading ha!?

Fiancè

(Napahinga Ng malalim at sinalubong Ang mga nagbabagang tingin ni karat)

S-since birth

(Napaluhang pagkakasabi niya)

Karat

(Agad na nanghina Ang kanyang tuhod Ng marinig niya ang sinabi ni Stan. Nang tutulungan Siya ni Stan tumayo ay agad niya itong pinaghahampas dibdib)

HOW COULD YOU DO THIS TO ME !!

Alam niya SA sarili na kahit anong gawin niyang paghampas sa lalaki ay Hindi nito mapapawi o maiibsan man Lang Ang sakit na nadarama niya.
Bakit paulit-ulit na Lang Ito nagyayari sa kanya. Ang maloko.
Hindi niya namalayan na nahinto na Pala ang kasiyahan sa buong club at Ang lahat Ng atensyon Ng mga Tao ay nakatutok sa kanilang dalawa pati na din ang kanilang smartphones kasabay ng mapanghusgang mga tingin.

_____________________________________

How was it guix ??? Is it nah or yay ??
Should I continue this story??

Chosuey EmpireWhere stories live. Discover now