Beware, mahangin ang storyang ito.
--
Lumabas ako ng mansion namin, pumunta ako sa may garden. Nagpahangin. Masayadong boring dito, kailangan ko ng babae. Oo, babae. Paki mo? Tsk. -_-
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nagdrive papunta sa isang lugar na hindi ko alam.
Habang nagdri-drive ako, sumagi sa isip ko ang magsigarilyo muna saglit. Traffic e.
Binuksan ko ang salamin ng kotse ko at nagyosi ako. Sakto namang may mga babaeng sexy and dumaan. Magaganda pero hindi ko tipo.
Pwede na 'to. Isipisip ko.
Binati ko sila at kinindatan ko.
Binati rin nila ako. Mga babaeng kinilig. Tsk.
Umandar ng konti, may tumawag sakin. Isang binabae, kinindatan ko nalang.
May nakatapatan ako ng kotse, lalaki ang nagdri-drive. Binuksan niya yung bintana ng kotse niya. Nag-nod siya sakin. Sino ka pre? Gusto ko sanang itanong. Kaso, ayokong aksayahin yung oras ko sa mokong na to.
Maya-maya nagsalita yung lalaki, "Hi." Bati nito sakin. Bakla pala. Tsk. -_-
Hindi ko siya pinansin at pinaandar ko na yung kotse. Dumaan ako sa isang parke.
Ang daming babae. Tamang! Tama!
May nadaanan akong magkasintahan. Kumindat sakin yung babae. O'cmon! I know she likes me kaya kinindatan ko rin. Ngumiti siya. Nginitian ko rin. Ah so, pampalipas oras niya lang yung lalaking kasama niya. Sus. Nginitian ko nalang ulit siya at umalis na ako.
May nakita akong matandang babae na naglalakad, nagtitinda ng sampaguita.
Tinanong niya ako kung gusto kong bumili, ang sagot ko. "Ayoko po."
Sa halip ay binigyan ko nalang siya ng pera. Nagpasalamat ito tapos may tinanong ulit siya sakin. "Iho, may cellphone ka ba?" Tanong nito.
Sumagot naman ng, "Opo, bakit?" . Tumawa ng bahagya ang matanda sabay sabing, "Pwede bang makuha ang number mo?" Loko rin ha. Isip-sip ko.
Biruin mo? Matanda, nahagip ng charms ko.
Binigyan ko siya ng number. Pero hindi sakin, number ng isa sa mga babae sa bar. Aalis na sana ako ngunit tinawag niya ako ulit, "Iho, pwede ba tayong magpicture jan sa camera mo?" Tanong nito.
Umo-oo naman ako at nagpicture kami. Matapos nun ay umalis na ako ngunit may babaeng humabot ng kamay ko at hinalikan ako sa labi. Ayos ha! Sinabahan ko lang yung ginagawa niya. Tumagal ng halos apat na minuto ang halik na iyon.
Babaeng nanghahalik? Ayos.
Hahalik pa sana siya ng isa pa ngunit may isa pang babaeng humila sakin at hinalikan niya rin ako.
Anong meron sa mga tao? Lol.
Habang nageenjoy ako sa ginagawa niya ay may lalaking humablot sa babaeng humahalik sakin at ako sinuntok ako nito.
PAnay ilag lang ako ginawa ko dahil ayoko siyang pag-aksayahan ng panahon.
Umalis na ako doon at may nakasalubong akong batang babae.
Tinanong ko siya kung anong pangalan niya at ang sinabi niya ay "Chai." Nagulat ako nung sinabi niya sakin na, paglaki niya daw ako yung papakasalan niya. Whoa!
Bata, na hagip ng charms ko? Lol.
Ang daming babaeng nagkakadarapa sakin.
Ang gwapo ko kasi, bow.