Isang boring na umaga ang bumungad kay Alaine. Walang magawa, walang makausap, at yung taong akala niya ay para sa kanya, nawala na rin na parang bula.
Hawak-hawak niya ang kanyang mobile phone, pa-scroll-scroll na lang sa Facebook. Wala naman kasing pasok ngayon at Sabado. Kaya naririto sya, bored.
May papansing ad na napansin niya naman.
Near group Philippines
Chat persons nearby
Install now!Dala yata ng sobrang pagkabugnot ay agad niya itong pinindot, dinala naman sya nito sa Playstore and after a few clicks, intalling na ang app na ito.
Marami namang pwedeng gawin sa App na iyon, pwede kang magsulat ng mga kwento at magbasa ng mga suggestions at review tungkol sa kwento mo, pero ang pinaka purpose ng App na ito ay ang ihanap ka ng makakausap.
Sa bagay sa 7 bilyong tao sa mundo, malamang sa malamang ay hindi lang sya ang bored. Lalong Hindi lang rin sya ang utu-uto na nagpadala sa simpleng advertisement sa FB.
Agad niyang pinindut ang MENU.
Do you want to chat now?
Yes No
Natural, Yes ang pinindot niya dahil iyon naman talaga ang reason kung bakit niya iyon pinindot eh.
At nagsimula na nga syang makipag-usap, makipag-kwentuhan, makipag-landian, basta kahit anung term pa ang gusto niyo eh depende kung anong level ng pagiging judgmental niyo yan.
Ilang araw din syang nag-Neargroup at na-bored din sya.
Kaya naman ay Hindi na sya ulit naglaro nito.
Ilang araw, buwan, taon ang lumipas... Nakatagpo sya ng "pag-ibig". At sya ay itatago natin sa pangalang Rey.
Mabait, maganda ang katawan, hindi naman pogi pero malinis naman tingnan. Nanligaw ito, pinayagan ni Alaine, at sinagot niya rin agad. Jowang-jowa na yata ang lola niyo.
Tatlong araw matapos niyang sagutin ang lalaki...
"Babe, punta ka naman dito sa Sabado." Sabi ni Rey sa kanya.
"Bakit? Sucat yan di ba? Ang layo." Sagot naman niya.
Hindi naman kasi galang tao si Alaine. Di nga sya marunong tumawid eh, pero ang gunggong niyang jowa pinapapunta siya sa Sucat.
"Sige na Babe, gusto na kasi kita mayakap eh, saka susunduin naman kita sa Bababaan." Sagot naman ng demonyo este ni Rey.
"Pero ang layo nga, taga-Bacoor ako di ba? Tas papapuntahin mo ako sa Sucat?" Nakakunot-noo nang nagta-type ang lola niyo.
Pero tama yan girl,naku. Wag kang papauto sa gagu na yan. Nako titikman ka lang niyan kaya ka pinapapunta.
"Di mo ba ako namimiss? Susunduin naman kita babe."
Ilang pamimilit ang ginawa ng lalaki, at ang sagot ni Alaine sa huli ay...
"Sige na nga."
>< Nako! Wala na. Ang bobo ng bida ko sa kwentong ito. Ipatapon yan!
Joke lang. Totoong buhay nga pala ito. Ahahaha
Dumating ang araw ng Sabado, nagkaroon ng biglaang pasok sa OJT si Alaine kaya di sya nakapunta.
Hayyyy. Buti na lang.
Sabi naman ni Rey ay okay lang daw iyon, naiintindihan naman daw niya.
Lumipas ulit ang isang linggo.
"Babe, nilalagnat ako. Walang tao dito eh. Sakit ng katawan ko, di nga ako makagalaw." Sabi ni Rey sa Messenger.
Bilang isang mabuting girlfriend, agad naman siyang pumunta sa Sucat kahit takot pa siya, buti na lang may ipon siyang pera non at nagtaxi pa sya para mapuntahan ang jowa niya.
"San ka banda?" Iyon ang reply niya sa sinabi ng jowa.
Gulat naman ang lalaki dahil pinuntahan pala sya ng jowa niya, dahil lang sa may sakit siya! Wow! Kung ako yan, keep ko na iyan.
Agad namang tinuro nito ang daan patungo sa bahay nila.
Totoo naman ang sinasabi ng binata, may sakit sya at nilalagnat, mag isa lang din siya sa bahay, pero kaya niya naman gumalaw, di pa nga lamg siya kumakain.
Nang malaman ito ni Alaine ay nag-ala Chef si Ateng, at pinagluto ng sopas ang jowaer niya.
Sinubuan niya rin ito, at binantayan.
Biglang tumitig sa kanya ang lalaki, titig na kakaiba...
"Alaine..." tawag nito sa pangalan niya. Sa isang buwan nilang relasyon ay ito ang unang beses na tinawag nito ang pangalan niya.
"Bakit?"
"Ang ganda mo." Sabi nito.
Lol. Alam naman ni Alaine na hindi siya maganda.
Kung pagbabasehan ng standard ng society, hindi siya maganda, pero she's beautiful in her own way.
"Wag mo nga akong binobola. Magpahinga ka na at aalis na rin ako maya-maya baka kasi gabihin ako babe. " sabi naman niya.
Bigla siyang hinila ng lalaki. Muling nagtama ang kanilang mga mata, napahawak rin si Alaine sa dibdib ng kasintahan. In all fairness ah,masarap hawakan ang katawan ng jowa niya dala na rin siguro ng pag-jigym nito.
"Rey... Ano ba?" alanganing tanong ng dalaga sa nobyo.
Lalo pa siyang nilapit nito, at kakaunti na lang ay mahahalikan na siya nito.
Buti sana kung halik lang, take note nasa ibabaw sila ng kama. Jusmeyo.
"Babe, mahal kita..." sabi nito sa kanya.
Mahal niya ang binata kaya naman ay tumitig siya sa mga mata nito at ngumiti, "Mahal din kita babe." Buong puso niyang sabi.
Doon ay tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi.
Umangat ang kamay ng binata sa kanyang batok at mas diniin ang paghalik sa kanya na siya niya namang tinugon.
BINABASA MO ANG
Romance Book: EDITED
RomancePeople live because of love, People live to love, People live for love. With that being said, people look to life with the purpose of loving someone, and to be loved by someone in return. But not every romance is bound by love. NOT everyone is bo...