"Ano Nico? Ano itong nabalitaan ko?Bagsak ka na naman sa mga summative test mo! Diba sinabi ko na sa'yong ayusin mo na 'yang pag-aaral mo?"Rinig hanggang kapit-bahay ang ingay na nagmumula sa kanila.
"But Mom, ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para mapasa 'yang mga test na iyan. Nag review ako, nag research ako pero bagsak pa rin talaga ma, sadyang bopols lang talaga ko." Sagot ni Nico sa nanay niya.
"Bahala ka sa buhay mo! Pero pag naulit pa ito, Nako! Humanda ka talaga sakin. Sige na! Mag review ka na sa kwarto! Ayusin mo ah dahil bukas na yung final test nyo!" Sambit ng nanay ni Nico.
"Yes ma!" Sambit ni Nico at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto para magreview na.
Ni-lock niya ang pinto at binukas na ang laptop niya para makapanood ng anime.
"Hayts tatapusin ko lang muna ito at pagkatapos nito ay magrereview na ko" sambit ni Nico.
At maya-maya ay may kumatok sa pintuan na malakas.
"Kuyaa! Kuyaaa! Matutulog na ko! Papasukin mo na ako!" Sambit ng bunso niyang kapatid.
"Doon ka nalang sa kwarto nila Mom matulog!" At muling bumalik sa panonood.
At lalong kumatok ng malakas ang kapatid niya kaya napilitan siyang pagbuksan nalang ito.
"Teka bunso!" At agad-agad ni Nico binuksan ang pinto para papasukin ang kapatid niya.
"Bakit ba ayaw mo ko pagbuk-" napigil ang pagsasalita ng bunsong kapatid ni Nico nang makita niyang hindi nagrereview ang kuya niya.
"Kuyaa! Bakit hindi ka nagrereview? I-susumbong kita kila Mom and Dad." at agad itong tumalikod sa'kin at nang papalabas na ang kapatid ni Nico ay hinatak niya ito.
"Hoy Carl! Huwag kang maingay! Hayaan mo bukas bibigyan kita ng paborito mong pagkain." Sambit ni Nico sa kapatid niya para hindi ito magsumbong.
"Sige kuya! Asahan ko yan ah" sambit ng kapatid ni Nico.
"Sige matulog ka na dyan" utos ni Nico sa kapatid niya.
At patuloy nang nanood si Nico ng Anime magdamag.
Hanggang hindi niya namalayan na nakatulog na siya.
"Nico gising na! Alas-10 na! sambit ng nanay ni Nico sa kanya.
"Opo ma! Ito na tatayo na." sambit ni Nico sa mama niya.
At nagulat siya dahil nakita niyang natulugan niya ang mga dapat niyang i-review.
"Patay, bagsak ako nito! Yari na naman ako.Hayts bala na nga si Goku" masayang sambit ni Nico Habang naka-Chin Up.
"Hashtag Stock Knowledge." sambit ni Nico.
THANKYOU FOR READING
FOLLOW "GinoongPusa" FOR MORE UPDATES.
BINABASA MO ANG
Bye for now, Alexa
RomanceMinsan, may mga bagay talaga na dapat nating tanggapin na wala na, hindi na muling babalik pa? Pero kahit ganon ay nananatili parin sila sa ating puso't isip magpakailanman. Please read "Bye for now, Alexa" writen by "GinoongPusa". I hope that you'l...