Chapter 1

621 6 0
                                    


MADALI akong nakarating sa hospital at agad kong pinuntahan ang kwarto kong nasaan si mama.

Pagkarating ko sa kwarto nakita ko syang nakaupo sa hospital bed

"Mama!"-saad ko at niyakap sya

"Aray anak di ako makahinga"-saad ni mama kaya bumitaw ako sa pagkakayakap

"Sorry po mama!salamat naman at ok kana ngayon"-saad ko at niyakap sya ulit

"Buti nakapunta ka agad dito!"-saad ni mama

"Actually marami pong reporter sa labas,pero alam nyo naman may pagka ninja ako kaya ayun natakasan ko sila"-saad ko

"Ikaw talagang bata ka"-saad nya

"Tara na ma!!hinihintay tayo ni manager sa labas"-saad ko at inalalayan na syang tumayo.

Dumaan kami sa exit ng hospital kaya di kami nakita ng mga Press.at malaya naming narating ang van.

"Good to see you tita"-saad ng baklang manager ko na si Anthony

"Good to see you din Anthony"-saad ni mama at umupobsa back seat

"Eww tita naman.Antonete po sabi hindi Anthony"-maarteng saad ni Anthony

"Whatever Anthony!mag drive kana baka abutan tayo ng press"-saad ko

"Isa kapa"saad nya at pinaandar na ang van.

Habang nasa kalagitnaan kami ng daan ng

"Ano nga palang ginagawa mo dun sa condo ni Iurixz?"-tanong sakin ni Anthony

"Mag drive ka na lang"-saad ko

"Naku Girl ha!sinasabi ko sayo kakaayos ko lang ng issue mo kay Brickxz"-saad nya sakin

"Di ko naman talaga kasalanan yun!di porket mag love team kami ay may karapatan na syang bastusin ako"-saad ko

"Grabe naman kasi yung ginawa mo anak.Hanggang ngayon ba Anthony nasa hospital parin si Brickxz?"-tanong ni mama kay Anthony

"Nakalabas na po kahapon tita"-saad ni Anthony

"Buti lang sa kanya yun.Ang kapal ng mukhang tsansingan ako"-saad ko

"Asus!pag si Iurixz yun tuwang tuwa ka"-saad ni Anthony

"Shut up Anthony"-saad ko

"Ano ba talaga ang relasyon nyo ni Casper huh Sheyn?"-tanong ni mama sakin

"Ma Alam nyo namang mag bestfriend kami ni Iurixz at bukod dun wala na"-naiiritang saad ko

"O bat ka nagagalit??pinapaalalahanan lang kita na yang bestfriend mo may Girlfriend na.sa huli masasaktan at masasaktan karin"-saad ni mama.wow sapul ako hoo ang sakit

"Ano ba masyado kayong judgemental.magkaibigan nga lang kami,MAGKAIBIGAN"-pagdidiin ko

"Magkaibigan? O magka ibigan??ay
Mali,di pala ma coconsider na magka ibigan kong isa lang ang nagmamahal"-panunukso sakin ni Anthony.Tama sya.Sa huli ako at ako rin ang masasaktan dahil sa aming dalawa ako lang ang nagmamahal.

"Isa pang salita Anthony,sisipain kita kahit na Manager kita"-pananakot ko

"Ay guilty si Ateng"-saad nya kaya ayun sapol ulo nya sa sipa ko

"Aray!"-maarteng saad nya

"Binalaan na kita diba?"-saad ko

"Di ka ba papasok Anak?"-tanong sakin ni mama

"Kakalabas nyo palang ma,kaya sasamahan ko po kayo sa bahay"-saad ko

"Eh pano ang work mo?"-saad nya

"Mama!!!family first po"-saad ko

"Ok lang naman ako anak!Anthony!"-tawag ni mama kay Anthony

"Ano po yun tita?"-ani ni Anthony

"Ano ano ang gagawin sa araw na to ni Sheyn?"-tanong ni mama

"Ahm may fan signing po,photoshoot,at party po mamayang gabi.actually late na nga po Si Sheyn sa fan signing"-saad ni Anthony nagulat nalang ako ng batukan ako ni mama

"Aray ma!"-saad ko habang sinasapo sapo ang ulo ko

"Wag mong masyadong ini istress ang manager mo.Mahirap mag alaga ng alagang matigas ang ulo"saad ni mama

"Eh mas mahirap ang mga pinag gagawa ko"-saad ko

"Eh yan ang pinili mo eh.sige na punta na kayo sa fan signing na yan"-saad ni mama

"No!!pano kayo?"-saad ko

"Ihatid nyo nalang ako sa Trisanta Cafe.malapit lang yun sa bahay"-saad ni mama

"Di ako papayag"-saad ko

"Pag di mo ako susundin Sheyn makikita mo,kukurutin kita sa singit"-saad ni mama

"Itigil mo sasakyan Anthony.Ayaw kong makurot sa singit"-saad ko na ikinatawa ni Anthony.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa Trisanta Cafe at bumaba na si mama.At dumiretso na kami sa Mall kung saan ang fan signing.

THE FUCK BUDDYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon