Una At Huli

21 0 0
                                    

Author's POV

Nang mapanood ko yung conjuring 1 nagulat ako kasi halos umpisa na pala yung nangyari sakin.

Wanna know why?

Continue reading...
-------------

Taong 2015 nang lumipat kami sa St.Benedict, yan yung name nung school pero dyan din kami lumipat.

Ganito kasi, sa baba school at yung bahay nung may ari then sa pang 3rd floor, dalawang pinto na paupahan, kami yung nasa isang pinto. Sa isa wala pang nakatira, I mean walang tumira dun habang nandun kami, in short wala kaming nakasama dun pero naiwan dun yung kama nung asawa nung may ari pero patay na.

Nang lumipat kami, even nung nag ha-hanap palang kami ng bahay, wala namang ka-kaiba or wala ka ding mararamdaman na negative vibes, in fact nakaka excite lipatan, ewan pero that was my feeling upon seeing the house.

So ayun lumipas yung days, months okay naman, wala akong naramdaman na iba.

But it was all started ng gustuhin kong maiwan mag isa. Hindi ko po kasi hilig na sumama, kahit na family party, except na lang kapag important occassions, like debut, kasal, mga ganern pero yung simple occassion/s lang, mas gusto kong maiwan na lang.

Then ayun, nung first time kong makaramdam, simple lang nangyari, may kumalabog lang sa loob ng bahay, nandun kasi ako sa may terrace.

As expected wala lang. Hindi ko pinansin.

Then nung sumunod na mga araw, normal lang. Aalis, uuwi.

Madalas lang talaga mag isa ko sa bahay.

Meron akong kuya kaso yung schedule nya ay pang gabi, call center agent kasi sya.

So ayun obviously, madalas pati gabi mag isa ko.

Hanggang sa may maramdaman na din yung mother ko, kadalasan din kasi wala sila sa bahay, talagang ako lang naiiwan dun.

Kapag tumatambay sila sa may terrace, parang may nakatingin sakanila mula dun sa may baba, sa may school.

Hanggang sa nalaman din yun ng may ari, matandang babae yung may ari. Minsan nakakapag kwentuhan sila ni mudra, minsan din kasi, si mudra yung pinag kakatiwalaan nung may ari kapag mag ba-bayad dun sa mga in-order nya online.

Nalaman namin na meron pala talagang multo sa bahay na yun. Dati pa nga daw may naririnig yung may ari na paang may bolang kadena, hila-hila daw.

So ayun though madami ng kwentong nakakatakot yung may ari, still, nag papa iwan pa din ako mag isa, ewan, pero hindi lang talaga ko natatakot.

Dumaan ang mga araw, wala na kaming nararamdaman, akala nga namin okay na.

Not until one night came, nag simula na naman kaming makarinig. May gumagalaw sa loob nung kabilang pintuan, yung wala pang nakatira.

Kinabukasan, tiningnan namin kung anong meron, wala namang nag bago, ganun pa din ang lahat.

Hindi na namin sinabi sa may ari kasi hindi naman big deal.

Matapos yung pangyayaring yun, nag simula na ang lahat dun.

Isang gabi, habang natutulog kami, dahil isa lang yung gumaganang electric fan, sama-sama kami sa sala.

Si mudra tapos yung dalawa ko pang kapatid pero mga bata pa yun then ako.

Sa lapag sila tapos ako sa sofa.

So ayun nga, natutulog na kami nang bigla akong magising, ewan, hindi ko alam kung bakit, basta nagising ako.

Nakatulala ako pero hindi naman ganun katagal, mga 1minute siguro. Tapos bigla kong napansin yung kurtina hinahangin, well bumabagyo kasi nun.

But then sinundan ko yung kurtina hanggang sa pag abot ko sa may bintana, may nakita akong babaeng nakatingin sa labas ng bintana. Nasa may paanan ko, may ilang segundo ko din tiningnan yung babae.

Sabi ko pa nga, what if hindi si mudra yun?! so para masigurado ko kung sino or ano ba yung nakikita ko, dahan-dahan kong nilingon sila mudra and the efff! mahimbing silang natutulog!

So muli kong tiningnan yung babae kaso wala na.

Dahil wala na yung babae, natulog na lang ulit ako, wala na eh.

Kinabukasan...

Mi, may nakita akong babae dyan sa may paanan ko, nakasilip pero nakatalikod sakin, nasa loob sya ng bahay -author

Ha? eh bakit hindi mo ko ginising? -mudra

Eh hindi naman yun tao tsaka baka kapag ginising kita mawawala na -author

Dapat ginising mo pa din ako para dalawa tayong nakakita -mudra

But I doubt na magpapakita saming dalawa yun.

So pumunta ko ng kwarto para mag suklay and pagkita ko ng suklay ko, merong makapal at nakabuhol na buhok dun, pinag hinilaan ko na si mudra kasi may kulay yung nakabuhol na buhok.

Sobrang inis pako kay mudra kasi hindi nya tinanggal yung mga buhok, eh ayoko ng ganun.

Mi! ginamit mo ba tong suklay ko? -author

Ha? hindi! bakit ko naman ga-gamitin yan? -mudra

Eh kaninong buhok to? sinong gumamit? sigurado kang hindi mo ginamit? may kulay kaya yung buhok -author

Hindi nga, alam mo namang hindi ako nag su-suklay -mudra

With that napa-isip ako and yes, hindi talaga nag su-suklay si mudra, as in once in a blue moon lang po sya mag suklay and natutulog po kami nung gabi diba and kinabukasan yun nangyari, eh halos sabay sabay lang kaming nagising.

Pero pinabayaan ko na lang, hindi pa din ako natakot, instead namangha ako, kasi nag su-suklay pala ang mga multo? if ever na multo nga yun.

Then the following days naiwan na naman akong mag isa sa bahay.

Hanggang isang gabi ulit, I was waiting sa kuya ko na bumangon, kasi pa-pasok na sya and medyo bored nako, that was 6 or 7pm.

Habang nag hi-hintay, asusual nag la-laro ko sa phone ko, habang nag lalaro ako, I heard footsteps, mabigat yung bawat hakbang pero medyo mabilis na lakad, siguro mga 3-4 steps.

Nung narinig ko na yun, na excite nako kasi I thought gising na yung kuya ko, so I stopped playing and nakatitig lang ako sa pintuan, nakabukas lang kasi yung pinto, hinihintay ko syang sumilip or at least dumaan pero siguro about 2-3 minutes na pag hi-hintay ko, walang kuya ko ang nag pakita.

So I decided na tumayo at tingnan yung sa may sala kasi baka hindi ko lang napansin but then pag lingon ko sa kwarto, nakasarado pa yung pintuan at walang tao sa sala.

Dalawa kasi yung kwarto.

But then hinayaan ko na lang ulit. Hindi pa din ako natakot.

Again, nag daan ang mga araw. Naiiwan akong mag isa.

So dumako na tayo sa worst part of all lol pero hindi pa naman worst na as in worst, eto lang yung pinaka worst sa lahat na naranasan ko.

One night, hindi umuwi si kuya pero nandun naman sila mudra.

Patulog na kami, actually ako palang. Pumasok nako sa loob ng kwarto, syempre sinara ko yung pinto, ayoko kasing natutulog ng nakabukas yung pinto.

So okay naman yung tulog ko but then muli akong nagising.

At first nakakunot yung noo ko naiingayan ako at naririnig kong may MGA bumubulong sakin.

Then nung napalingon ako sa may pintuan. Nakakita ako ng MGA paa, nag la-lakad sa loob ng kwarto pero nandun lang sila sa tabi ng pintuan.

But then hindi ko na lang pinansin even yung bumubulong sakin, pinabayaan ko na.

Natulog na lang ulit ako.

Wala namang nangyari na sakin kasi nasaktuhan din na lumipat na kami, kasi hindi na nagkaintindihan si mudra at yung may ari.

Simula nun, nakakita at nakakaramdam na po ako. Hanggang ngayon 2019.

The End...

Thank You.

The Infestation(One shot)Where stories live. Discover now