"Mika! Gising na! Malelate ka na!" Sigaw ng nanay ko. Hay. Ang aga aga, ang ingay na. Tumayo ako sa kama ko.
"Opo, ma. Gising na ako!"j Sigaw ko naman. Naligo ako at nag bihis. Sinuklay ko ang buhok ko, di ko na tinuyo. Ang haba kase e, nakakatamad. Bumaba ako, dala dala na yung green na shoulder bag ko.
"Mika, kumain ka muna bago ka pumasok." Sabi ni Kuya Marco. Siya pinaka matanda sameng magkakapatid. Apat kase kame.
"Oo nga tsaka magdala ka ng payong, baka umulan." Sabi naman ni Kuya Myles. Siya naman ang pangalawa.
"Opo." Sabi ko na lang, sabay upo at kain. Nilapag ni Kuya Myles yung payong dun sa tabi ko.
"Oh, makalimutan mo pa eh." Sabi niya. Sumimangot ako. Grabe, di namn ako ganun ka makalimutin.
"Okay." Sabi ko na lang. Inubos ko na yung pagkain ko, sabay tayo at kuha ng bag. Paalis na sana ako e. Kaso sabi ni mama, "wait."
"Baket po?" Tanung ko. May binigay saken si Mama. Tinignan ko, AY!!!
"AY! ID KO!! Thanks ma!" Sigaw ko sabay hug.
"MIKA! MALELATE KA NA!!" Sigaw ni Kuya Mac. Yan ang pangatlo at ang pinaka close ko. Tingin ako sa oras, 7:30 na. OMG!!!
"GEH, MA, KUYA, ALIS NA KO. BYE!!" Sigaw ko tas labas na ng bahay. Buti na lang malapet lang ang lrt dito.
-----------------
"AHH. Made it on time!!" Sigaw ko saktong pagkabukas ko ng pinto. Tinginan mga kaklase ko saken. Biglang may umakbay saken.
"Oh. Bespren, aga mo ata." Sabi niya. Tinignan ko nga. Si Patrick. Bestfriend ko since grade school. Sinimangutan ko nga siya
"Bespren naman ee. Muntikan na nga malate e." Reklamo ko. Natawa siya sabay patong ng kamay sa ulo ko. Pinigilan ko nga. "BESPREN! Magugulo ipit ko!"
"Nako, nako. Di yan." Sabi nya naman, di pa ren tinatanggal yuung kamay nya. Pinalo ko nga yung braso. "ARAAAY!"
"BLEH!" Sabi ko sabay dila sa kanya. Babatukan nya na sana ako e kaso takbo kagad ako dun sa loob at upo dun sa tabi ni Lyka, sya naman ang bestfriend ko na babae. Syempre,
kung may lalake, may babae.
"Lam nyo nakakatawa talaga kayo tuwing umaga." Sabi niya habang tumatawa. Nag-hmph ako.
"Lyka naman ee. Mang-asar pa." Sabi ko. Tumawa lang siya. Umupo na sa tabi ko si Patrick. Pinagtitinginan sya ng girls. Hay nakuu. Yan nanaman ang pagiging Mr. Popularity nitong lalakeng to. Yep. Hot kase e. Para sa iba... HAHA.
"Hay nako. Patrick. Dami mo nanamang chix." Sabi ko tas tawa. May sasabihin ata siya kaso dumating na si Ma'am ee.
"Goodmorning class!" Sabi ni Ma'am Rodriguez. Tumayo kameng lahat.
"Goodmorning Ma'am." Sabi namen tas upo. Homeroom namen ngayon ee. Kaya nga lang pag nalate may bayad. Kaya kailangan di ako malelate lalo na't si Ma'am ang first periond namen.
"III- Cattleya, May bago tayong transferee." Sabi ni ma'am. Ha? Transferee? Ngayong second grading? Wao. Anyare? Umingay tuloy ang klase. Mid year kase mag transfer. Nu kaya pumasok sa kokote nun?
"Ang unusual naman nu Mika?" Sabi saken ni Lyka. Tumango ako.
"Onga e. Bakit kaya?" Sabi ko naman. Tingin ako kay Lyka.
"Ewan ko ren e." Sabi nya. Tumango na lang ako.
"Sa tingin nyo, lalake o babae yung transferee?" Sabi ni Patrick. Umiling ako.
"Abay malay ko. Pare-parehas lang tayo dito, dre." Sabi ko sakanya. Sumimangot sya.
"Hay. Sana lalake. Wala naman kase akong makausap dito e." Reklamo nya. Natawa ako.
"Paano ba naman kase, kinukuha mo girlfriends nila." Asar ko skanya. Dumila sya sakin. Lagi ko kaseng inaasar.
"OKAY, CLASS! Settle down. The new student is here." Sabi ni Ma'am Rodriguez. O di ba english, NOSEBLEED? Hahaha.
May pumasok na guy. Asus. Lalake nanaman? Puno na ng lalake dito sa room, thank you very much. Bigla syang humarap...
WOOAH!!!
--------------------------------~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~-------------------------------------
A/N : Stay tuned para sa Chapter 2. Yuung section po.. borrowed lang po yan. Yan po section ko ngayon e. :))
YOU ARE READING
Finally in love (ON-HIATUS)
SonstigesPanu kung di ka naniniwala sa true love? Panu kung nung maniniwala ka na, dun ka pa nasaktan? Anu kaya mangyayare?